Ipinapakita ang mga post na may etiketa na eatured. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na eatured. Ipakita ang lahat ng mga post

Ria Atayde, Zanjoe Marudo Engaged Na!

Walang komento

Martes, Pebrero 20, 2024


 Sa gitna ng mga sunod-sunod na nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couple, nagkaroon ng pag-asa ang mga netizens na mapuputol na ang trend dahil sa pagsisiwalat ni Ria Atayde sa engagement nila ni Zanjoe Marudo.


Isiniwalat mismo ni Ria Atayde sa kanyang social media account ang masayang balita patungkol sa panibagong journey nila ni Zanjoe Marudo bilang isang engaged couple.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Ria Atayde patungkol sa nangyaring engagement nila ni Zanjoe Marudo, tanging maikling mensahe lamang kung saan inihayag niyang handa siya makasama panghabangbuhay si Zanjoe Marudo kalakip ang larawan kung saan ibinida niya ang kanyang engagement ring.


Samantala, ibinahagi naman ni Zanjoe Marudo ang isang sweet photo nila ni Ria Atayde habang nakahiga kung saan binati niya ito sa caption bilang fiance.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa celebrity couple mula sa kanilang mga fans at maging ng mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz.


Sa kabilang banda marami naman ang humihiling na sana ay matuldukan na ng engagement nina Ria Atayde at Zannjoe Marudo ang sunod-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couples.


Matatandaan na magkasunod na naibabalita noon ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kim Chiu at Xian Lim at kamakailan lamang ang nakakagulat na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa lahat ng nabanggit ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pinakahindi inaasahan sa lahat dahil nasa gitna na sila ng pagpaplano para sana sa kanilang kasal.


Samantala, hindi naman maiiwasan na may ilang mga netizens talaga ang nagbahid ng malisya sa pagkaka-engaged nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ilang linggo matapos makumpirmang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Sa nangyari ay tila ba ipinamumukha umano ngayon na naging masaya na ang mga ex ni Bea Alonzo habang ang aktres ay hindi pa rin umano settled sa kabila ng edad nito. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakaraan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo noon na nauwi rin sa isang masalimoot na hiwalayan.



Ito Pala Ang Sinabi Ni Daniel Padilla Para Kay Min Benardo, Ina Ng Ex-Girlfriend Niyang Si Kathryn

Walang komento

Huwebes, Pebrero 15, 2024


 Sa kamakailang panayam kay Daniel Padilla ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe para sa kanyang panibagong digital series, inilahad ng certified Kapamilya actor kung gaano niya nirerespeto ang ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min Bernardo.


Ayon pa kay Daniel Padilla, sa kabila ng nangyari sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo ay hindi pa rin mawawala ang kanyang pagmamahal at respeto kay Mommy Min na itinuring na rin niya bilang pangalawang ina.


Matatandaan na noong muling pumirma ng kontrata si Daniel Padilla sa Star Magic at ABS-CBN noong February 12, 2024, kabilang sa mga taong pinasalamatan ni Daniel Padilla ang kanyang ex-girlfriend at longtime loveteam na si Kathryn Bernardo.


Inihayag ni Daniel Padilla na labis siyang nagpapasalamat kay Kathryn Bernardo sa pagsasama nila at hinding-hindi umano niya kakalimutan ang mga masasayang pagsasama nilang dalawa.


Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay unang naging magkaibigan ng itambal sila sa ilang teleserye, sa kanilang pagsasama ay nagkahulugan na rin ang kanilang mga loob hanggang sa nauwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan.


Naging masaya naman ang kanilang relasyon sa loob ng mahigit isang dekada kung saan inakala pa ng lahat na ang kanilang relasyon na ang pinaka-ideal sa lahat.


Subalit, hanggang akala na lamang ito dahil matapos ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan dahil tila ito ang naging daan upang mabuksan ang totoong nangyayari sa kanila habang sila ay magkarelasyon pa.


Ang inakala ng lahat na perfect relationship ay hanggang sa isip na lamang, maging pagkakaroon ng perfect gentleman sa katauhan ni Daniel Padilla ay tila gawa-gawa lamang rin dahil sa mga nabulgar na baho ni Daniel Padilla.


Tila nasira ang conservative at gentleman image ni Daniel Padilla ng maglabasan ang mga listahan ng mga babaeng naging kalanndian umano nito habang sila pa ni Kathryn Bernardo.


Sa kabila naman nito, marami parin ang sumusuporta sa aktor dahil wala namang lumabas na patunay patungkol sa isyung ito. Hinala ng maraming mga tagahanga ng aktor na gawa-gawa lang rin ito ng mga fans ni Kathryn Bernardo na hindi matanggap ang paghihiwalay ng dalawa.



@jaijaiwus_ "My respect and my love kay tita min forever yan" || Grabe mahal na mahal talaga ni deej si tita min🥰💙 #danielpadilla #foryou #fyp #fypp #foryoupage #xzycba #trending #viral ♬ Wide Awake - ɴɪᴄᴏ¿

Heart Evangelista Emosyonal Na Sinabing Ready Na Siya Na Magka-Baby!

Walang komento

Biyernes, Pebrero 9, 2024


 Emosyunal na ibinahagi ng fashion icon at actress na si Heart Evangelista ang kanyang kahandaan na magkaroon na ng anak.


Sa kamakailang pag-uusap nina King of Talk Boy Abunda at Heart Evangelista, emosyunal na inamin ng aktres na ngayon ay handa na siyang magkaroon ng sariling anak.


Sa Fast Talk naitanong  ni Boy Abunda kay Heart Evangelista na kaninong niya ipagdiwang ang isang maluho at special na party. Kaagad naman itong sinagot ni Heart Evangelista na sa kanyang mgaigigng anak nito.


Emosyunal ding ibinahagi ni Heart Evangelista ang dahilan kung bakit ngayon lamang siya naging handa sa pagkakaroon ng anak.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang pag-aming ito ni Heart Evangelista na handa na siyang magkaroon ng sariling anak ay nagpapakita lamang umano na handa na siyang simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay.


Dagdag pa ng ilang mga netizens, na bilang isang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz at fashion industry, ang kanyang pagsisiwalat na handa na siyang magiging isang ina ay nagpapakita lamang ng kanyang sariling damdamin bilang isang babae.


Sa gitna ng pagiging matagumpay niya sa larangan ng showbiz, ipinapakita niya na may malaking  parte sa kanyang kaligayahan ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.


Naniniwala rin umano si Heart Evangelista na ang pagiging ina ang pinakamahalagang papel na kanyang gagampanan.


Marami naman ang natutuwa ngayon para kay Heart Evangelista dahil sa wakas ay naging handa na ito na magkaroon ng sariling pamilya at tila kinalimutan na rin niya ang kanyang takot na magbuntis.


Matatandaan na sa isang panayam noon, inilahad ni Heart Evangelista na labis siyang natatakot na magkaroon ng sariling anak dahil sa pinagdaanan niyang sakit noon nang malaglag ang kambal sana nila ni Chiz Escudero ,matapos ang mahirap na IVF procedure.


@heartevangelistaupdates Heart Evangelista gets emotional as she talks about having a baby. Handa na raw si heart mag ka baby. ♥️ #heartevangelista ♬ original sound - heart evangelista fanpage

Toni Fowler, Dismayado Sa Magkapatid Na Papi, Paye Galang Dahil Sa Ginawa Sa Toni Talks

Walang komento

Martes, Nobyembre 14, 2023


 Naglabas ng hinaing ang celebrity vlogger na si Toni Fowler sa magkapatid na sina Papi at Paye Galang dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ng mga ito sa invitation sa kanila para sa show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang vlog ni Toni Fowler kung saan pinagsabihan at pinagalitan niya ang Galang Sister dahil sa ginawa ng mga ito kay Toni Gonzaga.


Labis na nadismaya at nagalit si Toni Fowler sa dalawa matapos mapag-alaman kung ano ang ginawa ng mga ito bago ang interview sa Toni Talks.


Makikita sa mukha ni Toni Fowler ang pagkadismaya at pagkapahiya habang kinakausap ang magkapatid dahil sa umano'y pagiging irresponsable at pagiging unprofessional nila sa programa ng actress at multimedia star na si Toni Gonzaga.


Napagalitan ni Toni Fowler ang Galang Sisters at maging si Harvey dahil sa pagiging late ng mga ito sa interview sa Toni Talks.


Paliwanag naman ng mga ito na kaya sila na-late dahil hindi sila nagising sa kanilang mga alarm clock dahil dito, matagal ding naghintay sa kanila ang kanilang mga make-up artist. Late na rin silang dumating sa Toni Talks.


“Sa totoo lang ‘yung ginawa niyo kanina Team Hapi, hinayaan niyo lang. Ngayon lang kayo nabigyan ng ganyang oppurtunity, walang nag-i-interview sa inyong sikat. Toni Gonzaga ‘yon tapos tutulugan niyo lang,” dismayadong pahayag ni Toni Fowler.


Hindi na rin napigilan ni Toni Fowler na masigawan at mamura ang magkapatid at maging si Harvey dahil hindi nila pinaghandaan ang interview ng isang sikat na artista.


“Kampante e! Kaya hindi umaangat mga career niyo. Kaya ang pera sa bangko hindi nagiging milyon. Kailan kayo sasabay? Sipag ‘yon! Buntis ka o ano. Magigising ka sa alarm, itotodo mo, isesecure mo sasabihin mo sa mga yaya.”


Dagdag pang litanya ni Toni Fowler, “Hindi ako makapaniwala sa inyo. Ngayon ko nararamdaman na wala kayong maitutulong sa pamilyang ‘to sarili niyo hindi niyo matulungan.”


Maliban dito, hindi rin nagustuhan ni Toni Fowler ang sinuot na outfit ni Papi Galang dahil nagmukha umano itong mataba sa kamera.


“Nakita ko ‘to, na-disappoint ako Papi. Kahit nandito ang taba mo agad oh? Para kang may suot na parachute. Parang ayaw mo si Paye sa screen gusto mo ikaw lang oara malapad ka.” 


Ayaw naman umano ni Toni Gonzaga na maging bungangera  subalit alam din umano niyang responsibilidad niya ang mga ito.


“Wala na akong pakealam kung magmukha na naman akong masama. Sana’y na ako sa pamilyang yan matagal na. F or the first time sa magkapatid na ito hindi sila ininterview dahil Toro family sila, may shadow ng pangalang Toni Fowler.


“Oo parte sila ng pagkatao ko, pero this time may interesado sa buhay niyo as Galang sisters. Tapos tinutulugan niyo lang? Hindi naman kasi biro ang pangalan ni Toni Fowler sa industriya natin.”


Sa kabilang banda, inihayag naman ni Toni Fowler ang kanyang taus-pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga sa opportunity na ibigay sa magkapatid.


Samantala narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Yes tama si toni sa pagdisiplina sa Galang Sisters. Sana pahalagahan yung mga ganitong once in a lifetime experience."


"I'm with Oni here, kung gusto mong may mangyari sa buhay mo be professional. Kailangan mong magsacrifice ng tulog at kung ano pa man kung gusto mong maging successful kahit sa anong larangan man."




Dating the Voice Kids Contestant Yohance Buie, Puman5w Sa Edad Na 17

Walang komento

Lunes, Nobyembre 13, 2023


 Kinumpirma ng pamilyang The Voice Kids contestant na si Yohance Buie sa social media ang kanyang pagpanaw sa edad na 17.


Sa kanilang post, inihayag ni Ronnie Griffin G. Villanueva ng Virtual Playground ang pagpanaw ni Yohance noong Nobyembre 11, 2023.


“It is with heavy hearts that we announce the passing of YOHANCE LEVI A. BUIE. We are deeply saddened by this loss, and our thoughts and prayers go out to his family and loved ones during this difficult time.” 


“Yohance Buie was a remarkable talent who shone in the entertainment world. His journey began on ABSCBN’s The Voice Kids, where his powerful voice and stage presence captivated audiences and judges alike. 


"He continued to showcase his versatility as an actor in Reality MM Studios’ “Day Zero” on Amazon Prime, leaving a lasting impression with his exceptional performance. Yohance’s talents extended to the digital realm, where he charmed viewers in the Regal’s YouTube series “The Day I Loved You.” 


"His passion and dedication to his craft were evident in every role he took on, and he will be remembered for the indelible mark he left on the world of entertainment.


“Yohance Buie’s remains will be available for viewing at St. Peter’s Antipolo. We welcome friends, family, and well-wishers to pay their respects and honor his memory during this time of mourning,” pagbabahagi Ronnie Griffin Villanueva.


Samantala, hindi naman nito ipinahayag kung ano ang dahilan ng maagang pamamaalalm ni Yohancw Buie.



Michelle Dee, Sumigaw ng 'Filipinas' sa Introduction Rehearsals ng Miss Universe

Walang komento


 Iba-iba ang ginawang gimik ng mga kandidata sa Miss Universe sa ikatlong araw ng kanilang grand rehearsal para sa nasabing beauty pageant.


Ikinagulat naman ng mga Filipino fans at maging ng ilang mga candidate ang isinigaw ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee ang kanyang intro.


Hindi inasahan ng marami na wikang Espanyol ang gagamitin ni Michelle Dee para sa kanyang intro, imbes na Philippines, Filipinas ang isinigaw ng ating kandidata.


Ayon sa ilang mga komento ng mga pageant fans, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon sa Miss Universe pageant na ginamit ng Philippine deligate na ginamit ang salitang 'Filipinas'.


Komento pa ng ilan na talagang tumindig ang kanilang mga balahibo sa wikang ginamit ni Michelle Dee sa kanyang pagpapakilala.


Samantala, naghinala naman ang ilan na ang paggamit sa wikang ito ay kasama sa strategy ng team ni Michelle Dee upang masungkit ang panibagong korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.


Masasabing naiiba ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon. Hindi basta-bastang sumasabay lamang si Michelle sa stereotype bagkus kayang-kaya niyang makibagay at makipagsabayan sa mga latino sa El Salvador habang taas noong ipinapakilala ang Pilipinas.


Hindi naman mali kung sakaling pipiliin ni Michelle ang paggamit ng salitang Filipinas sa kanyang introductions sa finals.


Hindi ito maituturing na cultural appropriation dahil kung pababalikan ang kasaysayan ng bansa mahigit 300 years din namang sumailalim ang bansa sa pamumuno ng mga espanyol.


Sa katunayan, makikita pa rin hanggang ngayon ang impluwensya ng Espanyol sa ating mga kultura mula batas, relihiyon, edukasyon, pananalita, apelyido, architecture, arts, musika, pagkain at ibang mga kaugalian.


Sa kabilang banda, lalong lumakas ang Bayanihan sa pagboto kay Michelle Dee matapos, ihayag ng ilang mga Thailand pageant fans ang planong agawin mula kay Michelle ang top spot sa botohan.


Binabalak ng Thailand humabol sa botohan at iisang bagsak ang kanilang mga boto para maipanalo ang kanilang kandidata.


Kaya naman, maging ang ilang mga celebrities ay nanawagan na rin ng pagsuporta para kay Michelle Dee para matiyak ang pwesto nito sakaling totohanin ng Thailand ang kanilang pagbabanta. 


Kabilang sa mga celebrities na full support at nanawagan ng boto para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ay sina Alden Richards, Kylie Padille, Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.


Si Michelle Daniela Marquez Dee ay isang Filipina actress, model, television presenter, talk show host, at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023. 


Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition sa El Salvador. Dati nang kinoronahan si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.




Reaksyon Sa Image Ngayon Ni Kathryn Bernardo Sa Mundo Ng Showbiz

Walang komento


 Hindi lamang ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagulat sa kanyang panibagong image sa showbiz industry maging ang ilang mga celebrities ay tila nabigla rin sa sexy and rebellious image ngayon ng aktres.


Napakomento ng 'So Good' ang Dyosa na si Anne Curtis sa mga larawan na inilabas mula isang sikat na fashion magazine kung saan cover girl ang box office queen na si Kathryn Bernardo.


Nasundan naman ito ng video kung saan naka-highlight ang 20 years ng aktres sa industriya. Napahanga ngayon ni Kathryn Bernardo si Anne Curtis sa kanyang sexy image.


Nagbigay na rin ng reaction ang boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla sa panibagong image ng aktres. Kamakailan lamang, ibinahagi ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram account ang video ni Kathryn Bernardo habang naghahanda ito sa isa picturial.


Bukod pa rito, sinagot rin ni DJ ang komento ng isang fan na nagsasabing maganda ang kanyang girlfriend.


"Ganda ng Girlfriend mo," pahayag ng isang netizen.


Sagot naman ni Daniel Padilla, "I know."


Tinawanan lang din ni DJ ang komento ng netizen kung saan sinabing nasupalpal ang mga fake news peddlers na nagpapakalat na hiwalay na ang dalawa.


Dahil dito, tila naging malinaw na sa lahat na hindi totoong naghiwalay na ang longtime celebrity couple.


Agad din umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni DJ kung saan tila ipinakita na rin umano ng aktor ang pagsuporta sa panibagong image ng kanyang girlfriend.


'Love' with a heart imoji naman ang naging reaksyon ni Sarah Lahbati sa  latest photoshoot video ni Kathryn Bernardo. All out rin ngayon ang pagsuporta ni Sarah Lahbati kay Kathryn Bernardo sa confidence nito sa pagbabahagi ng kanyang sexy image sa social media.


Pinusuan naman ng aktres na si Iza Calzado ang panibagong image ni Kathryn Bernardo. 


Umaapoy naman na emoji ang ginamit ng aktres na si Kakai Bautista sa kanyang paglalarawan ngayon sa kanyang kaibigan na si Kathryn Bernardo. Naging magkalapit sina Kakai Bautista at Kathryn Bernardo ng magkasama sila sa iisang pelikula na Hello, Love, Goodbye.


Bagama't ikinagulat ng actress-model na si Sofia Andres ang biglaang pagbabago ng image ng kanyang kaibigan, suportado naman niya ito ngayon at masaya siya sa confidence na ipinapakita nito ngayon matapos ang pelikulang A Very Good Girl.


Ikinagulat din ng Kabogera na si Maymay Entrata ang panibagong image ngayon ng itinuturi niya ate sa showbiz na si Kathryn Bernardo.


Tila speechless naman ang aktres na si Loisa Andalio sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo kaya naman tanging emojis na lamang ang kanyang ginamit sa pagkomento sa mga panibagong larawan ng aktres.


Nagulat din ang aktres na si Chie Felomino sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo na malayo sa dating good girl image nito noon.


Maging ang sexy actress na si Ivana Alawi ay napakomento rin sa mga larawan ng aktres.


All out naman ang pagsuporta ni Ria Atayde sa kanyang malapit na kaibigan. Ibinahagi pa ng actress ang nasabing photoshoot ni Kathryn sa kanyang Instagram stories pahiwatig na very proud siya rito.






Vice Ganda May Inamin Sa Nangyare Kay Ion Perez

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 10, 2023


 Tungkol sa responsableng paggamit ng cellphone ang tema ng Magpasikat 2023 production number ng grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong araw ng byernes November 10, 2023.


Ginampanan ni Ion Perez ang karakter ng isang waiter na nagkaroon ng viral video at binatikos ng publiko kahit hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan at totoong nangyari sa kwento.


Naging madamdamin ang performance ng team nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez dahil sa totoong pag-iyak ni Ion Perez sa pakikipag-usap sa kanyang namayapang kapatid sa cellphone.


Naantig naman ang damdamin ng mga madlang pipol at marami ang naiyak habang humihingi si Ion ng tawad sa nanay niya na nasa It's Showtime habang hawak ang larawan ng kanyang kapatid.


Patuloy pa rin ang pagluha ni Ion Perez habang pinapasalamatan niya ang kanyang nanay at mga kapatid na personal na pumunta sa It's Showtime upang personal na mapanood ang kanyang pagtatanghal kasama sina Kim Chiu at Jhong Hilario.


Hindi na natapos ni Ion Perez ang kanyang pagsasalita dahil humagulhol na ito sa pag-iyak. Kaagad naman itong dinaluhan ni Vice Ganda na naging emosyunal na rin sa nangyari.


Muling ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Ion Perez nang maglabas siya ng pahayag patungkol sa online bullying na araw-araw nilang natatanggap.


Nagsimulang makatanggap ng pambabatikos sa social media si Ion Perez nang aminin nila ni Vice Ganda ang kanilang relasyon noong 2018.


Isa sa pinakamalaking pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ay noong nasuspinde ang It's Showtime sa loob ng 12 airing days dahil sa pagkain nila ng cake icing.


Labis na nakatanggap ng pambabatikos ang dalawa kung saan tinatawag silang mga immoral.


"Araw-araw kasama ko yan, alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Ang alam niyo lang ay yung alam ninyo. Ang nakikita niyo lang ay yung nakikita ninyo. Pero hindi niyo talaga alam," pahayag ni Vice Ganda.


Mensahe pa ni Vice Ganda kay Ion Perez, “Araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw. Ipagdadasal kita araw-araw. Yayakapin kita araw-araw. Dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko yan.”


Unang nagkakilala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang male pageant contestant noon na si Ion Perez sa isang programa sa ABS-CBN hanggang sa ma-develop ang kanilang relasyon sa noontime show na It's Showtime.


Saksi sa kanilang not so ordinary but sweet love story ang kanilang mga It's Showtime Family, at kaibigan at maging ang mga Madlang Pipol.


Bagamat may ilan pa ring nakataas ang kilay sa klase ng relasyon na mayroon sila, very proud pa rin na ipinapakita nina Vice at Ion ang kanilang unconditional love sa isa't isa.


Noong 2018, napansin ng mga madlang pipol ang kasweetan nina Vice Ganda at Ion Perez, March 2019 naman nang aminin ni Ion Perez na special ang namamagitan sa kanila ni Vice Ganda.


Taong 2022, inamin nina Vice Ganda at Ion Perez na nagpakasal na sila sa Las Vegas noong October 19, 2021.




Andrea Pumalag Sa Kabit Issue Kay Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nakarating na kay Andrea Brillantes ang isyu kung saan siya ang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan ng longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Pinalagan na ng actress, model at CEO na si Andrea Brillantes ang isyung palihim umano siyang nakikipagkita kay Daniel Padilla na naging dahilan upang mabuwag ang reel at real life couple na KathNiel.


Nagbigay na ng pahayag ang manager ni Andrea Brillantes kung saan ipinagdidiinan nito na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu.


Gawa-gawa lamang umano ang mga haka-hakang ito ng mga ito. Isa sa mga nakikitang dahilan ni Andrea Brillantes kung bakit marami ginagawan siya ngayon ng isyu ang kanyang pagiging single at ang naging pag-amin niya noon patungkol sa pagkakaroon ng crush kay Daniel Padilla.


Hindi naman umano alam ng kampo ni Andrea Brillantes kung saan nanggaling ang mga balitang ito. Subalit hinala nila na nagmula ito sa mga taong galit sa aktres.


Samantala, naghinala naman ang ilang mga KathNiel fans na ang pinag-ugatan ng isyung on the rocks ang relasyon ng dalawa ay ang hindi pagpunta ni Daniel sa mga nakaraang movie launching ni Kathryn sa mga sinehan.


May mga nagsasabi na ginawa lamang umano ito ng aktor upang ibigay ang buong spotlight kay Kathryn Bernardo na siyang bida sa kwento.


Samantala, nagbahagi naman ng isang cryptic post sa kanyang social media si  Daniel Padilla kung saan ipinahiwatig niyang hindi niya kailangang magbigay ng pahayag sa isyung ibinabato sa kanila ngayon ng kanyang nobya.


Sa kabilang banda, nauna namang ipinahayag ni Ogie Diaz sa kanyang naging pagsisiwalat na hindi pa kompirmado ang nasagap niyang tsismis patungkol sa totoong estado ng pagmamahalan ng KathNiel.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo