Toni Fowler, Dismayado Sa Magkapatid Na Papi, Paye Galang Dahil Sa Ginawa Sa Toni Talks

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng hinaing ang celebrity vlogger na si Toni Fowler sa magkapatid na sina Papi at Paye Galang dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ng mga ito sa invitation sa kanila para sa show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang vlog ni Toni Fowler kung saan pinagsabihan at pinagalitan niya ang Galang Sister dahil sa ginawa ng mga ito kay Toni Gonzaga.


Labis na nadismaya at nagalit si Toni Fowler sa dalawa matapos mapag-alaman kung ano ang ginawa ng mga ito bago ang interview sa Toni Talks.


Makikita sa mukha ni Toni Fowler ang pagkadismaya at pagkapahiya habang kinakausap ang magkapatid dahil sa umano'y pagiging irresponsable at pagiging unprofessional nila sa programa ng actress at multimedia star na si Toni Gonzaga.


Napagalitan ni Toni Fowler ang Galang Sisters at maging si Harvey dahil sa pagiging late ng mga ito sa interview sa Toni Talks.


Paliwanag naman ng mga ito na kaya sila na-late dahil hindi sila nagising sa kanilang mga alarm clock dahil dito, matagal ding naghintay sa kanila ang kanilang mga make-up artist. Late na rin silang dumating sa Toni Talks.


“Sa totoo lang ‘yung ginawa niyo kanina Team Hapi, hinayaan niyo lang. Ngayon lang kayo nabigyan ng ganyang oppurtunity, walang nag-i-interview sa inyong sikat. Toni Gonzaga ‘yon tapos tutulugan niyo lang,” dismayadong pahayag ni Toni Fowler.


Hindi na rin napigilan ni Toni Fowler na masigawan at mamura ang magkapatid at maging si Harvey dahil hindi nila pinaghandaan ang interview ng isang sikat na artista.


“Kampante e! Kaya hindi umaangat mga career niyo. Kaya ang pera sa bangko hindi nagiging milyon. Kailan kayo sasabay? Sipag ‘yon! Buntis ka o ano. Magigising ka sa alarm, itotodo mo, isesecure mo sasabihin mo sa mga yaya.”


Dagdag pang litanya ni Toni Fowler, “Hindi ako makapaniwala sa inyo. Ngayon ko nararamdaman na wala kayong maitutulong sa pamilyang ‘to sarili niyo hindi niyo matulungan.”


Maliban dito, hindi rin nagustuhan ni Toni Fowler ang sinuot na outfit ni Papi Galang dahil nagmukha umano itong mataba sa kamera.


“Nakita ko ‘to, na-disappoint ako Papi. Kahit nandito ang taba mo agad oh? Para kang may suot na parachute. Parang ayaw mo si Paye sa screen gusto mo ikaw lang oara malapad ka.” 


Ayaw naman umano ni Toni Gonzaga na maging bungangera  subalit alam din umano niyang responsibilidad niya ang mga ito.


“Wala na akong pakealam kung magmukha na naman akong masama. Sana’y na ako sa pamilyang yan matagal na. F or the first time sa magkapatid na ito hindi sila ininterview dahil Toro family sila, may shadow ng pangalang Toni Fowler.


“Oo parte sila ng pagkatao ko, pero this time may interesado sa buhay niyo as Galang sisters. Tapos tinutulugan niyo lang? Hindi naman kasi biro ang pangalan ni Toni Fowler sa industriya natin.”


Sa kabilang banda, inihayag naman ni Toni Fowler ang kanyang taus-pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga sa opportunity na ibigay sa magkapatid.


Samantala narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Yes tama si toni sa pagdisiplina sa Galang Sisters. Sana pahalagahan yung mga ganitong once in a lifetime experience."


"I'm with Oni here, kung gusto mong may mangyari sa buhay mo be professional. Kailangan mong magsacrifice ng tulog at kung ano pa man kung gusto mong maging successful kahit sa anong larangan man."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo