Heart Evangelista Emosyonal Na Sinabing Ready Na Siya Na Magka-Baby!

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Emosyunal na ibinahagi ng fashion icon at actress na si Heart Evangelista ang kanyang kahandaan na magkaroon na ng anak.


Sa kamakailang pag-uusap nina King of Talk Boy Abunda at Heart Evangelista, emosyunal na inamin ng aktres na ngayon ay handa na siyang magkaroon ng sariling anak.


Sa Fast Talk naitanong  ni Boy Abunda kay Heart Evangelista na kaninong niya ipagdiwang ang isang maluho at special na party. Kaagad naman itong sinagot ni Heart Evangelista na sa kanyang mgaigigng anak nito.


Emosyunal ding ibinahagi ni Heart Evangelista ang dahilan kung bakit ngayon lamang siya naging handa sa pagkakaroon ng anak.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang pag-aming ito ni Heart Evangelista na handa na siyang magkaroon ng sariling anak ay nagpapakita lamang umano na handa na siyang simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay.


Dagdag pa ng ilang mga netizens, na bilang isang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz at fashion industry, ang kanyang pagsisiwalat na handa na siyang magiging isang ina ay nagpapakita lamang ng kanyang sariling damdamin bilang isang babae.


Sa gitna ng pagiging matagumpay niya sa larangan ng showbiz, ipinapakita niya na may malaking  parte sa kanyang kaligayahan ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.


Naniniwala rin umano si Heart Evangelista na ang pagiging ina ang pinakamahalagang papel na kanyang gagampanan.


Marami naman ang natutuwa ngayon para kay Heart Evangelista dahil sa wakas ay naging handa na ito na magkaroon ng sariling pamilya at tila kinalimutan na rin niya ang kanyang takot na magbuntis.


Matatandaan na sa isang panayam noon, inilahad ni Heart Evangelista na labis siyang natatakot na magkaroon ng sariling anak dahil sa pinagdaanan niyang sakit noon nang malaglag ang kambal sana nila ni Chiz Escudero ,matapos ang mahirap na IVF procedure.


@heartevangelistaupdates Heart Evangelista gets emotional as she talks about having a baby. Handa na raw si heart mag ka baby. ♥️ #heartevangelista ♬ original sound - heart evangelista fanpage

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo