Daniel Padilla Hindi Nagustuhan Ang Pakikipagrekasyon Ni Kathryn Bernardo Kay Alden Richards!

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng dating kaloveteam at boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Kapamilya actor Daniel Padilla ang pagkakalapit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayon, ilang buwan matapos aminin ang kanilang paghihiwalay.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang tila pasaring ni Daniel Padilla para kay Alden Richards ngayong naglabasan sa ilang mga pahayagan ang patungkol sa pagkakalapit nito sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay tila naasiwa na si Daniel Padilla kay Alden Richards na ang nagsimula noong naging matagumpay ang pelikula na pinagbibidahan noon ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.


Hinala ng maraming mga netizens na hindi nagustuhan ng Daniel Padilla ang pagsuporta ng mga fans sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahilan para malamangan nito ang kita sa kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo.


May mga naglabasan pang mga ulat na umano'y pinagbabawalan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na makipag-ugnayan noon kay Alden Richards lalo na nang lumabas ang balitang pinag-iisipan ng mga producers ang pagpapalabas ng Hello Love Goodbye part two na pagbibidahan pa rin nina Kathryn Bernardo at ALden Richards.


Naniniwala din ang maraming mga fans ng KathDen na si Daniel Padilla ang dahilan kung bakit nagdalawang isip noon si Kathryn Bernardo na gawin ang Hello Love Goodbye 2 dahil pinagbabawalan na siya nito at kahit masama sa kanyang loob ay sinunod na lamang niya ang aktor para wala nang gulo.


Napansin pa ng ilang mga fans na magmula ng gawin ni Kathryn Bernardo ang Hello, Love, Goodbye ay tila nag-iba na umano ang ugali ni Daniel Padilla at palaging inaaway nito si Kathryn lalo na kung mapag-uusapan ang pekikula nila noon ni Alden Richards.


May mga naglabasan ring ulat na noong binibisita ni Daniel Padilla ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa taping noon ng Hello, Love, Goodbye ay hindi kailanman binati ni Daniel Padilla si Alden Richards bagkus ay tila inaangasan pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo