No. 1 Na! It's Showtime Patuloy Ang Pagtaas Ng Ratings!

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Nakapagtala ang Family Feud ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ng pinakamataas na ratings sa afternoon slot nitong Lunes, April 8, 2024.


Sa araw na iyon, ipinalabas  ng Family Feud ang paglalaro ng It's Showtime hosts dito minarkahan ng Family Feud ang mataas nilang ratings na umabot sa 10.7% habang ang katapat nito ay nakakuha lamang ng 0.3% ratings.


Ang teleserye naman na pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Jillian na Abot Kamay na Pangarap na dating nangunguna sa rating sa afternoon slot ng GMA ay nakakuha naman ng 10.6% ratings na kadikit lamang sa Family Feud.


Samantala, napanatili naman ng It's Showtime ang kanilang ratings bilang nangungunang noontime show dahil nitong April 8, ay nakakuha ng 8.6% aggregated ratings ang  It's Showtime kasama na ang nakuha nilang ratings sa GTV at A2Z.


Ang nakuhang ratings ng It's Showtime sa GMA7 palamang ay 5.9% na samantalang, ang Eat Bulaga sa TVJ ay nakakuha naman ng 4.3% combined ratings ang Eat Bulaga mula sa dalawang channel na TV5 at RPTV.


Inaasahan naman ng maraming mga madlang pipol na magtuloy-tuloy na ang mataas na ratings ng It's Showtime sa Eat Bulaga lalo na ngayong nakalipat na sila sa panibagong tahanan na mayroong malawak na reach at malakas na signal.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga Eat Bulaga fans ang naniniwala na tumaas lamang ang ratings ngayon ng It's Showtime dahil naku-curious pa ang mga tao sa kanilang show at sa mga Kapuso artists na magiging guest rito.


Ayon pa sa ilang mga fans na katulad lamang ito sa nangyari noon sa Eat Bulaga ng TAPE Inc. na naging Tahanang Pinakamasaya kalaunan dahil nakuha ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga kalaunan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo