Mavy Legaspi, Pinagtanggol ang Kanyang Ina Sa Mga Pambabatikos Sa Pakikialam Sa Buhay nila ni Cassy

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor-host na si Mavy Legaspi patungkol sa mga inilabas na cryptic post ng kanya at ng kanyang kambal na si Cassy Legaspi na pinaghihinalaang resbak ng mga ito sa pagtanggi ni Darren Espanto sa nakaraan nila ni Cassy.


Sa kamakailang panayam kay Mvy Legaspi, nilinaw niya ang kanyang pananahimik sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan kamakailan, kabilang na ang hiwalayan nila ni Kylien Alcantara at ang pagkakadawit ng kanyang co-host sa napasarang show na Tahanang Pinakamasaya na si Dasuri Choi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nadawit na rin maging ang kanyang ina sa hiwalayan nila ni Kyline Alcantara dahil sa mga umano'y cryptic posts ng ina na hinalang patama kay Kyline.


Bagama't wala namang binaggit na pangalan si Mavy Legaspi, iniuugnay ng maraming mga netizens ang sagot ni Mavy kay Kyline Alcantara.


Ayon kay Mavy Legaspi, mas pinili niyang manahimik noon dahil naniniwala siyang hindi na ito kailangan pangpag-usapan kung ano man ang nangyari sa nakaraan.


Buong pahayag ni Mavy Legaspi, “I mean, kung hindi naman kailangan, it’s not needed kasi.


"Kaya ayun, it’s not just I decided to stay quiet. It’s just there’s nothing to talk about.


"Kaya, you just don’t feed anything. You don’t feed any information na hindi naman kailangan.


“Basta kami, peaceful kami, and behind closed doors, we have great relationships with a lot of people. Kaya, okay lang.”


Bagama't nariyan umano palagi ang kanilang ina na si Carmina Villaroel para ipagtanggol sila ni Cassy Legaspi laban sa kanilang mga bashers, naniniwala pa rin si Mavy na kaya nila ni Cassy ang kanilang mga sarili at kaya nilang harapin ang mga ibinabatong pambabatikos sa kanila.


Iginiit naman ni Mavy Legaspi na lahat ng mga naging desisyon nila sa buhay ni Cassy Legaspi nitong mga nagdaang taon ay hindi idinikta sa kanila ng kanilang ina dahil sila umano ang pumili nito.


Nilinaw din niya na mali ang mga hinala ng maraming mga netizens sa kanila ni Cassy kung saan sinasabing, protected sila ng kanilang mga magulang dahil hindi naman umano ito totoo.


Kaya na rin umano nila ni Cassy na magdesisyon ngayong nasa 23 years old na sila at hindi na masyadong mga bata.


Dagdag pa ni Mavy Legaspi na hindi lahat ng mga ipinopost ng kanilang ina sa social media ay patungkol na sa pinagdadaanan nila ni Cassy dahil kadalasan ay nag-aasume lamang umano ang mga tao.


Ipinunto pa ni Mavy na mayroon namang sariling buhay ang kanyang ina na hindi lamang sa kanilang dalawa ni Cassy umiikot ang buhay nito at may sarili din umano itong kinakaharap na mga problema.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo