Daniel Padilla Pinagtawanan Si Dominic Roque Dahil Hindi Natuloy Ang Kasal Nito Kay Bea Alonzo!

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms ang reaction ng aktor na si Daniel Padilla sa hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang ilang araw mula nang isiwalat ni Dominic Roque sa publiko na hindi siya invited sa magiging kasal nito.


Natatawa na lamang umano si Daniel Padilla nang makarating sa kanya ang balitang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo ilang araw lamang matapos siyang ipahiya nito dahil sa pagsisiwalat na hindi siya invited sa kasal dahil hindi pa sila nagkakaayos.


Matatandaan na nagviral noon sa social media ang naging pahayag ni Dominic Roque na hindi niya iimbitahan si Daniel Padilla sa kasal nila ni Bea Alonzo dahil hindi naman na niya kaibigan ang aktor.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagsasabing tila nakarma umano itong si Dominic Roque sa ginawa nito kay Daniel Padilla dahil maging siya ay hindi na rin invited sa kasal.


Patuloy pa ring umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagkumpirma ni Boy Abunda na totoong naghiwalay na sina Dominic Rque at Bea Alonzo sa gitna ng paghahanda nila sa nalalapit sana nilang pagpapakasal.


Marami pa rin ang hindi nakakapaniwala sa balitang ito dahil kamakailan lamang ay masaya pang ibinahagi ni Dominic Roque ang ilan sa mga detalye ng kanilang kasal ni Bea Alonzo katulad na lamang ng kanyang entourage at kung sino ang nasa guestlist.


Iginiit noon ni Dominic Roque na si Kathryn lamang ang maiimbitahan sa kanilang kasal ni Bea Alonzo, hindi si Daniel Padilla dahil hindi pa umano sila nagkakaayos.


Matatandaan na noong 2021, lumabas ang isyung nagkaroon ng gusot ang pagkakaibigan nina Dominic Roque at Daniel Padilla na nauwi pa sa pag-unfollow ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada kay Dominic Roque.


Samantala, dahil sa pagkakaudlot ng kasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo, na dinagdagan pa ng mga isyung naglalabasan ngayon patungkol kay Dominic, marami ang nagsasabing tila na karma ito sa ginawa kay Daniel.


Viral din ngayon sa social media ang umano'y reaksyon ni Daniel Padilla sa isyung kinakaharap ni Dominic Roque at sa pagkakaudlot ng kasal nila ni Bea Alonzo.


Ayon sa mga taong nakausap ni Daniel Padilla, natatawa na lamang umano ngayon ang aktor dahil tila bumalik umano rito ang mga komento nito para sa kanya noong mainit pa ang isyu ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Napapailing pa umano si Daniel Padilla sa kinasadlakan ngayon ni Dominic Roque gayung tila sinigurado umano nito noon na matutuloy na ang kasal nila ni Bea Alonzo.


Gayunpaman, sinabi naman ni Boy Abunda na sinusuyo umano ngayon ni Dominic Roque si Bea Alonzo upang matuloy pa rin ang kanilang kasal.



@sixbombdaniel #danielpadilla #danielford #djp #fyp #fypシ ♬ original sound - DJxJP - utot ni daniel

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo