Karla Estrada, Kaagad na Pinabulaanan Ang Isiniwalat ni Cristy Fermin Patungkol sa Hiwalayan ng KathNiel

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na sinagot ng celebrity mom na si Karla Estrada ang pagsisiwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa kamakailang episode ng kanyang showbiz related vlog sa Youtube channel nitong Showbiz Now Na, patungkol sa hiwalayan ng kanyang anak sa longtime girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, nanindigan si Manay Cristy Fermin kasama ng kanyang mga kasamahan sa vlog, na totoo ang kumakalat na isyung naghiwalay na ang KathNiel matapos ang mahabang panahon na magkarelasyon.


Ipinahayag pa nina Manay Cristy Fermin na ang balitang ito ay kinumpirma at mula sa bibig ni Karla Estrada.


"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?" matapang na pahayag ni Cristy Fermin.


Samantala, kaagad namang pinabulaanan ni Karla Estrada ang mga pahayag na ito ni Manay Cristy Fermin. Sa kanyang Facebook page, iginiit ni Karla Estrada na walang katotohanan ang isiniwalat ni Manay Cristy Fermin sa kanyang vlog na Showbiz Now Na.


"Ito po ay walang katotohanan Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko," caption ni Karla Estrada sa kanyang post kalakip ang article patungkol sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nanahimik sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa balitang ito sa gitna ng pagkakadamay at pananawsaw ng ibang tao.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.

"Bakit ba etong si Ms.Cristy parang tuwang-tuwa kapag may naghihiwalay. Jusko. Di nalang maging masaya. Maaaring nagaaway sila pero yung ipagdukdukan pa na hiwalay na sila Kathniel jusmeo spare them."


"Huy cristy fermin! Hirap ka na nga mag salita dadagdag ka pa sa issue 🤦 Sinimulan mo kasi ogie diaz! jusko"


"Gumagwa ng mga kwento para lang my ma ipost..dinadamay ang mga walang malay"


Si Carla Elago Ford, mas kilala bilang Karla Estrada, ay isang Filipina actress-singer. Kabilang sa mga pelikula at serye sa telebisyon na pinagbidahan niya ay ang Mother, Will They Come Down? at Maricris Sioson: Salamat. Naging supporting lead siya sa seryeng I Need You.


Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo