Cristy Fermin, IsinaPubliko ang Hiwalayan Nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist sa kamakailang episode ng kanyang online vlog na totoong naghiwalay na umano ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na ang balitang ito ay mula mismo sa ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. May nakausap umanong kaibigan si Karla Estrada kung saan doon inamin ng celebrity mom ang totoong estado ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?" pahayag ni Cristy Fermin.


Isiniwalat din ni Manay Cristy Fermin ang maaring dahilan ng hiwalayan ng KathNiel. Nilinaw naman ng kolumnista na hindi na ito galing pa mismo kay Karla Estrada.


Naniniwala din sina Manay Cristy Fermin na noong nag-umpisang magrebelde si Kathryn sa pamamagitan ng pagbabago sa kanyang pananamit, ang simula ng paghihiwalay ng dalawa.


"Ang tanong, kailan ito ipinanganak itong paghihiwalay na ito. Ang sabi ng aking source, bilangin ninyo yung panahon na si Kathryn ay ibang-iba na ang gayak. Nagpapakita na ng skin, nagpapaseksi."


"So kung bibilangin natin 'yun, noon pa ay tapos na... Buwan na ang bibilangin natin" 


Sa kabila nito, hinihiling nina Manay Cristy Fermin na muling magkakabalikan ang dalawa matapos ang kanilang paghihiwalay ngayon.


"Malay naman natin, kung magpapahinga lang sila ng ilang panahon, at isang araw ay magigising sila na kailangan pa rin nila ang isa't isa." 


Nagbigay naman ng mensahe si Cristy Fermin sa mga tagahanga ng Kathniel na tanggapin na lamang ang katotohanan na wala na umanong relasyon ngayon ang KathNiel bukod sa kanilang tambalan.


"Pero sa ngayon, kailangan niyo pong tanggapin na tapos na ang kanilang relasyon" 


"Ang kanilang love team nandiyan pa rin, pero 'yung puntong personal, tapos na 'yun"


Muling idiniin pa ni Cristy Fermin na ang kanilang isiniwalat na impormasyon ay nanggaling mismo sa bibig ng kaibigan ni Karla Estrada.


"At iyan naman po ay nanggaling sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"


Matatandaan na naging usap-usapan ang hiwalayan ng KathNiel nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na nagkakasama ang dalawa sa pagbabakasyon.


May nakapansin din umano na hindi gaanong nagkikibuan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang event na dinaluhan.


Tila hindi rin umano sinupportahan ni DJ ang mga ginagawa ni Kathryn Bernardo.


Napansin din ng mga netizens na tila ginagawa na ni Kathryn ang mga bagay na inaayawan ni Daniel Padilla kabilang na ang pagpapaseksi.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo