Joey De Leon Ginawang Biro Ang Tanke Na Ginagamit Ng Israel

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 Muli na naman ngayon nadadawit ang ahensya ng MTRCB sa kamakailang biro ni Henyo Master na si Joey De Leon sa isang episode ng E.A.T.


Usap-usapan ngayon sa social media ang naging biro ni Joey De Leon sa isang episode ng E.A.T kung saan tila ginawa niyang biro ang nangyayaring gyera sa pagitan ng Israel at Grupong Hamas.


Sa nasabing episode ng E.A.T, namimigay ng ayuda sina Wally Bayola at Jose Manalo sa  segment na Sugod Bahay mga Kapatid, sa mas swerteng Dabarkads.


Kabilang sa mga ayudang ibinibigay nila ay isang tangke ng gasul mula sa Fiesta Gas, bago nilang sponsor. Habang pinapaliwanag nina Jose Manalo at Wally Bayola ang tamang paggamit ng nasabing gas, bigla na lamang sumingit si Jose De Leon at naglabas ng isang sensitibong biro.


"May idadagdag ako jan, tangke ng Israel," pagbibiro ni Joey De Leon.


Panandalian namang napatahimik ang ilang mga hosts sa studio, nang mapagtanto ang insensitive na biro ni Joey De Leon, mahinang tinapik ni Allan K si Joey De Leon pahiwatig na hindi na maganda ang biro nito.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang krisis na kinakaharap ngayon ng Israel at Gaza dahil sa nagaganap ng gyera roon.


Marami ring ang mga inosenteng sibilyan at mga bata ang nadamay. May mga nasawi at nawawalan na ngayon ng pag-asa.


Kaya naman, hindi maganda na gawing biro ang pinagdadaanan ng nasabing lugar ngayon at ang gawing biro ang mga tangke na ginagamit sa digmaan.


Agad namang kinoll-out ng mga netizens si MTRCB chairperson na si Lala Sotto, hiling nila na dapat nang aksyunan nito ang mga insensitive na pagbibiro ni Joy De Leon sa E.A.T.


"@MTRCBgov ay oo nga pala showtimer kau kada words nila nakatutok kayo. Hehehe Merry Christmas po hehehe mukhang masagana party nio ah. UR Welcome po mula sa aming Taxpayers"


"Waley tlga mga jokes ni tito nyo! Kaloka"


"Basta nag trend si Joey De Leon, matic na may ginawa na namang katarantaduhan haha"


"PANO kung si vice ang nag joke ng ganyan? Di pa tapos ang showtime na report na agad siguro."


"Sensitive topic, gaganyanin mo? Kahit si Allan K parang hindi natuwa sa sinabi mo."


"Pagkatapos ng lubid, ito na naman Israel joke!? @AngPoetNyo syempre ano pa nga ba aasahan sa isang gaya mo na apaka insensitive. "


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng anumang reaksyon at pahayag ang MTRCB hinggil sa nasabing isyu.


Maging si Henyo Master Joey De Leon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag hinggil sa inirereklamo ng mga netizens sa paraan ng kanyang pagbibiro.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo