Claudine Barretto Ibinulgar Ang Pagka Bad Influence Ni Jodi Sta. Maria Kay Raymart Santiago

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng mga netizens ang pagsisiwalat ni Claudine Barretto sa harap ng mga press people na bad influence umano ang kasalukuyang karelasyon ngayon ng kanyang dating asawa na si Raymart Santiago na walang iba kundi ang aktres na si Jodi Sta. Maria.


Nitong November 15, myerkules ginanap ang media conference para sa panibagong GMA series na The Lovers Liars na pinagbibidahan ni Claudine Barretto.


Naitanong kay Claudine Barretto sa nasabing media conference ang relasyon nila ngayon ng dating asawa na si Raymart Santiago.


Ayon kay Claudine Barretto, hindi naman umano siya mahirap mahalin kaya naman minsan ay nagtataka umano siya kung bakit hindi nag-work ang relasyon nila ni Raymart.


Hindi rin naman umano siya nagger at naging mabuting asawa kay Raymart Santiago.


"Masaya akong asawa, mabuti akong asawa," pahayag ni Claudine.


Naitanong rin kay Claudine ang progress ng annulment nila ni Raymart Santiago.


Ayon kay Claudine Barretto, hanggang ngayon ay hindi pa rin naayos ang annulment nilang dalawa ni Raymart. Isa pa sa mga isiniwalat ng aktres ang pagkakadelay ni Raymart sa pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak.


Ayon sa kanya, bukod sa hindi consistent sa pagpapadala ng suporta, sinisikap din ni Raymart na kunin ang kustodiya ng kanilang mga anak na sina Santino at Sabina.


Hindi rin umano maintindihan ni Claudine kung bakit ninanais ngayon ni Raymart Santiago na kunin mula sa kanya ang costudy ng kanilang mga anak gayung malalaki na ang mga ito.


Hindi rin naman umano niya pinipigilan si Raymart na makita at mabisita ang kanilang mga anak.


“Ongoing yung annulment namin, pero delay nang delay yung deadline ni Raymart for support, and he’s trying to get custody. Sixteen years old na si Santino, 19 na si Sabina. And hindi ko alam kung bakit gusto niya ng custody,” pahayag ni Claudine.


Hinala pa ni Claudine na may kinalaman nito ang bagong karelasyon ni Raymart Santiago na si Jodi Sta. Maria. Tila iniimpluwensyahan umano nito si Raymart na kunin mula sa kanya ang kanilang mga anak.


Iginiit din ni Claudine na hindi na sila magiging magkaibigan pa ni Raymart Santiago dahil din sa karelasyon nito ngayon.


Ikinagulat naman ito ng ilang mga netizens at ng mga press people dahil tila diretsahang siniraan ni Claudine Barretto ang panibagong karelasyon ngayon ni Raymart na walang iba kundi si Jodi Sta. Maria.


“Dati oo, meron. Pero siguro sa bagong relationship din, hindi possible. Kasi, hindi magandang influence sa kanya, compared sa isa dati,” pahayag ni Claudine.


Matatandaan na unang kumalat sa social media ang mga sweet photos nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago. Kalaunan ay inamin naman nila ang kanilang romantic relationship.


Naging usapin din ito noon nang ipahayag ni Jodi Sta. Maria ang kanyang panggigigil dahil sa hindi pagsunod ng dalawa sa kanilang usapan na kausapin muna ng mga ito ang anak nila ni Raymart na sina Santino at Sabrina bago lumantad sa social media.


Hindi ito nangyari dahil mas nauna pang ipinangalandakan nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria ang kanilang relasyon sa social media.


Sumama ang loob ni Claudine Barretto dahil binalewala umano ng dalawa ang kanyang dalawang anak dahil hindi umano pinaliwanag ni Raymart kina Sabrina at Santino ang panibago nitong relasyon kasama si Jodi Sta. Maria.


Hindi kagaya ng pagpapaliwanag ng mga ito sa anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy.


Nagulat naman ang mga netizens at maging mga press people sa hayagang pagsasabi ni Claudine Barretto na bad influence si Jodi Sta. Maria.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo