Pambansang Kolok0y Umalma Sa One Sided News Tungkol Sa Kanyang Ex-Wife at Sa Kanyang Pambababae!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Inalmahan ng controversial social media personality na si Joel Mondina na kilala rin bilang si Pambansang Kolokoy ang mga naglabasang one sided news umano tungkol sa kanyang nakaraang relasyon at sa balitang affair niya habang nagsasama pa sila noon ni Marites.


Agad na nagbigay ng reaksyon si Pambansang Kolokoy gamit ang kanyang Facebook account sa naglabasang balita tungkol sa kanya at sa dating asawang si Marites.


Matatandaan na nauna nang kumalat ang balitang, sinabi umano ni Marites na noon pa man alam na niyang nagloloko na si Pambansang Kolokoy habang magkasama pa sila.


“It’s not new to me anymore. She called and told me about the affair last year,” pahayag umano ni Marites.


Samantala, kaagad naman itong inalmahan ni Pambansang Kolokoy at sinabing napaka-one sided ng balitang ito.


“Kami.com.ph puro ka fake news kasi lagi kang one sided! Bat di mo din kunin side ng iba?! Anong “affair”? Baka magulat ka pag sinabi kong nag file na ng UNCONTESTED divorce yan beginning year of 2021. Do the math!” prangkang pahayag ni Pambansang Kolokoy.


Matatandaan na ilang beses na ring nagsalita at nagpasaring si Marites laban sa kanyang dating asawa na si Pambansang Kolokoy hayagan man o hindi.


Subalit, hindi ito kailanman sinagot ni Pambansang Kolokoy hanggang sa tila napuno na ito ngayon.


“Ang dami na niyang nasasabi na masasama tungkol sa akin pero ni minsan hindi ako nagsalita. Pero kung gaano kadami mga sinabi tungkol sa akin, triple naman ang sa akin. Ayaw kong magsalita against her pero pag pinilit ako, magsasalita ako,” saad pa nito.


Pagsisiwalat pa ni Pambansang Kolokoy na nabuo si Baby Juju noong November 2021.


Matatandaan na ikinagulat ng lahat nang ibunyag ng internet personality na hiwalay na sila ni Marites. Kasunod nito ay ang pagsisiwalat niya na may ibang nagpapasaya sa kanya. 


Si ‘Marites’ ang dating asawa ni Joel Mondina.


Bago lumipat sa United States, nanirahan siya sa Cotabato at Ilocos. Siyam na taong gulang pa lamang siya nang lumipat ang kanyang pamilya sa Amerika. Nakuha niya ang kanyang doctorate sa nursing.


Una nang naiulat ang pagsurpresa ni Pambansang Kolokoy kay Gladys Guevarra sa isang show nito matapos ang ilang linggong walang komunikasyon.


Naging emosyunal pa noon si Gladys Guevarra dahil hindi niya inakalang susurpresahin siya ni Pambansang Kolokoy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo