Karla Estrada Handa Nang Mag-Alaga Ng Apo Excited Nang Magpakasal Sina Daniel Padilla At Kathryn Bernardo!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Handa na umano ang actress-TV host na si Karla Estrada mag-alaga ng magiging apo niya kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung sakaling magdesisyon na ang dalawa na magpakasal.


Wala rin umanong kaso sa kanya kung maunahan pa man siya nitong magpakasal.


Sa tagal na umanong magkarelasyon ng dalawa alam na alam na umano niyang nagmamahalan ang dalawa. Kaya naman para sa kanya mas mahalaga ang lovelife ng KathNeil kaysa sa kanyang lovelife.


Sa una palang ng interview ay inusisa ng press ang kanyang lovelife na halatang iniiwasan ni Karla Estrada kaya napupunta sa lovelife ng anak ang usapan.


“Sorry ha. Alam n’yo naman na hindi talaga ako komportable pag-usapan ang aking buhay pag-ibig. Itago na lang muna natin s’ya sa likod ng mga camera,” pahayag ni Karla Estrada.


Nilinaw rin niyang hindi siya kumportable  na sa kanyang kasalukuyang gulang ay napapag-usapan pa ang kanyang lovelife at pagpapakasal.


“Nakakahiya na yon ang pinag-uusapan. Hahaha! Feeling ko kasi ang tanda ko na,” natatawang pahayag ni Karla Estrada.


Naitanong din sa kanya ng press kung nagpaparamdam na ba sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsesettle down.


“Oo naman! Kasi, mga anak ko naman hindi naman maitatago pag ikaw yung nanay na hands-on ka na lumaki sa ’yo. Kilala mo talaga sila.


“Oo naman. Pero siyempre, at the end of the day, sila talaga ang magde-desisyon no’n, kung ano yung gusto nilang mangyari sa mga buhay nila.”


Nilinaw din ni Karla Estrada ang isyung nagpa-secret marriage na ang dalawa nang umalis sila sa bansa. Ipinunto niyang hindi na kailangan ng KathNeil ng secret marriage dahil pareho namang suportado sa kanila ang kani-kanilang pamilya.


“Hindi naman. I don’t think na ililihim sa amin na mga magulang yon. Kasi, siyempre, hindi naman yung… supportive naman kami sa kanila, eh, di ba? Wala naman kumukontra.”


Game na game na rin umano siyang mag-alaga ng apo kung sakali man. Mama-Lola pa ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo.


Wala rin umanong kaso sa kanya kung ilan ang magiging anak ng dalawa dahil mas marami mas masaya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo