Ara Mina Itinuring Queen Of All Networks!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


Hazel Pascual Reyes-Almarinez na mas kilala bilang si Ara Mina’s sa show business ay binigyan ng title bilang Queen Of All Networks.


Halos tatlong dekada na ring nasa showbiz industry si Ara Mina. Matatandaan na unang nakilala sa showbiz si Ara Mina ng napasama siya sa program ni German Moreno na That's Entertainment.


Ayon kay Ara Mina, malaki ang kanyang pasasalamat na nakaabot siya ng tatlong dekada sa showbiz dahil hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan.


Ibinahagi rin ni Ara na hindi niya kailanman naisip na huminto sa showbiz kahit na may mga pagkakataong wala siyang ginagawang teleserye o pelikula.


Sa ngayon ay abala si Ara Mina sa paggawa ng iba't-ibang mga proyekto. Kabi-kabila rin ang kinabibilangan niyang movies. Aktibo rin siya sa paggawa ng mga TV series.


“Ano ako, e, Miss Friendship ako, e, mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfit.”


“Queen of all networks ako! Gusto mo yun.”


Samantala, inaabangan ngayong Mayo ang dalawang shows ni Ara Mina.


“Sa May 14, i-e-air na yung sitcom namin, Jack and Jill sa Diamond Hills with Sue Ramirez and Jake Cuenca, and kasama rin dito si Gardo Versoza sa TV 5.


“And I have a lifestyle magazine talk show, Magandang Araw, sa May din siya, sa NET25.”


Sa kabilang banda, naitanong din kay Ara Mina kung ano ang kanyang pakiramdam sa pagtatrabo sa iba't-ibang networks.


“I guess kasi I don’t have a contract naman sa mga networks, per project ako. And I have a good relationship with ABS, with GMA.


“Actually nung nasa Ang Probinsiyano ako, may offer sa akin ang GMA, sabi, ‘Kailan ako matatapos sa Ang Probinsiyano?’


“Sabi ko hindi ko nga alam, e! Hindi rin namin alam kailan kami matatapos.


“So iyon, marami akong napalampas na projects sa GMA noon when I was in Ang Probinsiyano, and then iyon, sa TV5, I think pang-ilan ko na rin sa TV5 ito, but this is under APT Entertainment, yung sa TV5," pagbabahagi ni Ara Mina.


Dagdag pa ni Ara Mina, “And itong sa NET25 nagge-guest ako but this is my first time na magkaroon ng sarili kong show.


“Actually this is a dream project for me because I’ve been watching Oprah since I was young, sabi ko, ‘Sana magkaroon ako ng sarili kong ganyan.’


"“Pero mas nabigyan tayo ng project sa drama, sa comedy.


“And then iyon nga, sabi ko, after thirty years di ba, nagkaroon din ako ng dream project ko, na magkaroon ako ng sarili kong lifestyle talk show." 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo