Meme Vice Ganda, May Pa-Concert Sa Big Dome Sa Darating Na June 2!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Nakatakdang magperform sa Big Dome ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Hunyo 2 sa tinatawag na 'Your Memejesty Queen VG'.


Nito lamang nagdaang linggo isiniwalat ni Meme Vice ang nakakapanabik na balita sa pamamagitan ng isang social media post.


Nauna nang naiulat ang pagkakaroon ng North America tour ni Vice Ganda na magaganap namang ngayon buwang April at May.


Samantala sa kanyang Instagram post ipinakita naman niya ang ilang mga outfits na gagamitin naman sa kanyang concert.


“Be ready, cause here I come,” caption ni Vice Ganda sa kanyang video.


Agad namang nagbigay ng pagsuporta ang mga fans at mga kaibigang celebrities ng Unkabogable Star.


Samantala, sa naging birthday performance ni Vice ipinahayag niya ang pagpapakita ng kanyang identity.


“Minsan nakakalimutan natin kung sino talaga tayo kaya sabi ko gusto ko balikan sarili ko at kilalanin ko nga ‘ano ba ko, sino ba ko?’ Sa pamamagitan ng mga kantang to gusto kong sariwarain ulit at kumapit sa katotohanan ng sarili ko."


"This is my truth, these are my songs, these are my identity. This is who I am, and I’m just so proud to tell you who I am.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo