Gerald Anderson Na Prank Ni Dingdong Dantes!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Jerome

 


Unang beses makatapak ng actor na si Gerald Anderson sa studio ng GMA7 ang yari ito ng magguest siya sa gameshow na Family Fued kasama ang co-star niya sa pelikulang Unravel na si Kylie Padilla.


Kalat na kalat ngayon sa social media na naprank siya ng nasabing Gameshow.


Binigyan si Gerald ng limang mahihirap na mga tanong kaya naman isang puntos lamang ang nakuha niyang score sa hinahabol niyang 150 na points.


Dahil yung apat na mga tanong ay na bukya siya, mali ang kanyang mga naging sagot.


Subalit napatawa nalang si Gerald ng malaman niyang hindi talaga iyun ang mga tanong para sa Fast Money round.


Naging sports lang si Gerald ng malaman niyang napagtripan lang siya ng TV host na si Dingdong Dantes at ng kanyang show na Family Fued.


Subalit ang masaklap dito ay iyung ibang mga TikTokers ay putol ang kinuhang video at tanging ang video lang ng na prank ang aktor ang inapload nila.


Kaya naman hindi alam ng mga nakakapanood na prank lamang iyon ng game show ni Dingdong Dantes na Family Fued.


Dahil dito ay na husgahan tuloy ang aktor kasi isang puntos lamang ang nakuha niya.


Pero ang mahalaga ay nag enjoy daw ang aktor, napaka welcome nga daw sa kanya ng mga kapuso na maging guest siya sa programa ng TV host na si Dingdong Dantes.


Dagdag pa niya, "Considering na open na daw ang GMA 7 at ABS-CBN sa collaboration, wish din daw niyang makatrabaho ang mga kapuso aktors sa mga susunod pa niyang proyekto."






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo