Ara Mina Aminadong Nasaktan Sa Mga Ipinahayag Ng Kanyang Kapatid Na Si Christine Reyes Tungkol Sa Kanilang Pamilya!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng dating sexy actress na si Ara Mina ang isyung hindi nila pagkakasundo ng kapatid na si Christine Reyes.


Sa isang panayam kay Ara Mina ng Marites University Youtube channel, inamin niyang totoong sumama ang kanyang loob sa mga ipinahayag ng kanyang kapatid na si Christine.


“Kilala ko na kasi ‘yung kapatid ko, kumbaga sanay na ako. But I think parang na-hurt ako ng a little bit pero hindi pinansin kasi alam ko naman ang ano ang ugali ng kapatid ko.”


Sa kabila nito, tila ipinagtanggol naman niya ang kanyang kapatid at sinabing baka hindi naman nito sinasadya ang kanyang nasabi at na bring up lamang umano nito iyon.


“Na-bring up niya lang siguro and you know may mga kanya kanya rin naman tayong hindi nasasabi sa pamilya pero masasabi mo sa public.”


Samantala, nilinaw din ni Ara Mina ang estado ng kanilang relasyon na magkapatid.


Ayon sa kanya maayos ang relasyon nilang dalawa. Subalit, nag-woworry umano siya na baka makarating sa kanilang ina ang naging pahayag ni Christine.


“Actually mas concern kami kay mommy ko kaysa sa mga pinsan, kapatid kasi kaming magkakapatid sanay na kami, kaya na namin i-handle si mommy,” ani Ara Mina.


Matatandaan na naging usap-usapan ang naging pahayag ni Christine Reyes na hindi siya naging masaya sa piling ng kanyang biological mother.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo