Skusta Clee, ipinagdiinan ang karapatan bilang ama sa anak na si Bia!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Jerome

Umani ng samu't-saring reaction at komento ang mga naging pahayag ng rapper na si Skusta Clee mula sa kanyang Live video nitong mga nagdaang araw.


Naglabas kasi ng saloobin ang rapper patungkol sa kanyang anak, kung saan ay ipinaliwanag niya ang kanyang intensyon at karapatan daw bilang ama ng kanyang anak na si Bia.


Ayon nga kay Skusta Clee ay hindi porke't hindi siya gumagawa ng paraan ngayon, upang makausap si Zeinab tungkol sa kanilang anak ay wala na siyang pakialam dito.


Paliwanag nga ng rapper ukol dito ay inihahanda lang daw niya ang sarili niya emostionally at mentally upang kung dumating man ang araw daw na iyon ay handa daw silang pareho ni Zeinab sa kanilang pag-uusap.


Gayunpaman ay ipinagdiinan din niya ang karapatan niya sa kanyang anak kahit na daw na pagbawalan pa siya ng kahit na sinoman upang makita ang anak ay hindi nga raw maaalis ang katotohanan na dugo at laman niya ito. 


Sabi nga niya, "Hindi pa siguro ako emotionally at mentally ready kasi baka magkaroon ng cause ng drama kung sakaling sasadyain ko."


"Eh hanggang maaari ay ayaw ko ng mga ganun, kung mag-uusap para don sa bata, mag-uusap."


"Kasi wag tayong maglokohan bali-baliktarin man natin ang mundo ako ang daddy ni Bia at hindi non mapipigilan na, hindi mo makikita si Bia."




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo