Undies ni RR Enriquez Nais Bilhin Ng Isang Married Man sa Halagang 50K!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


 Ang dating host na si RR Enriquez ay nagbahagi ng isang post sa kanyang Instagram account para ilabas ang kanyang galit sa isang lalaking may asawa na gusto pang bilhin ng kanyang undies sa halagang 50,000 pesos.


Si RR Enriquez ay isang Pinay model at tv personality. Una siyang nakilala bilang dancer sa laro at variety show na Wowowee.


Kalaunan ay nakasama na niya sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, at Pokwang bilang mga host nito. Kasama rin niya sina Angelica Panganiban, John Prats, at iba pa sa comedy show ng ABS-CBN na Banana Split. 


Itinampok din siya sa mga cover ng June 2009 edition ng FHM.


Kamakailan lang ay nagulat umano si RR Enriquez sa natanggap niyang mensahe sa pamamagitan ng Facebook messaging. Sa kanyang IG page, inihayag niya na isang hindi kilalang sender ang nag-alok na bilhin ang kanyang panty sa halagang P50,000.


Mababasa pa sa screenshot na ibinahagi ni RR nitong nakaraang Linggo, March 5, 2023, ang 'magalang' na mensahe sa kanya kung open ba siyang ibenta ang kanyang panties.


“Anyway RR, I hope you are openminded with this kind of offer. Actually I just wanted to ask lang if you’re open on selling your undies for atleast 50k 1-2 pairs. If ok with you? Please let me know. I will pay first for your assurance," mensahe sa kanya ng isang married man.


Samantala sa caption ng kanyang post inihayag ni RR na naaawa siya sa asawa ng lalaking iyon.


 “As a Sawsawera Queen this is the most weirdest message I’ve ever received na Sasawsawan ko. I feel sorry for the wife kaya hindi ko na lang ipupost ang name and picture."


Sa huli nagbigay pa siya ng payo sa lahat ng mga asawa na bantayan ang kani-kanilang mga mister.


“For those who are married please bantayan nyo mga social media ng mga asawa nyo. Grabe na din talaga ang betrayal sa marriage life.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo