Cristy Fermin, Hindi Matanggap Ang Ilang Katwiran ni Paolo Contis sa Hindi Pagbibigay Sustento!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng kanyang saloobin ang sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa hindi pagbibigay ng sustento ni Paolo Contis sa kanyang mga anak sa mga naunang karelasyon na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Matatandaan na tahasang inamin ni Paolo Contis sa isang panayam na hindi siya kailanman nakakapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak lalong-lalo na sa dalawang anak niya kay Lian Paz. Gayunpaman, ayon kay Paolo may inipon siya para sa mga ito na ibibigay niya sa iisang bagsakan lamang pagdating ng tamang panahon.

Ayon naman kay Cristy Fermin, hindi katanggap-tanggap ang ilang mga pahayag at katwiran ni Paolo Contis sa hindi pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak sa alinmang babae.

"Hindi ko matanggap yung ibang mga katwiran ni Paolo lalo na yung tungkol sa sustento sa mga anak. Bilang isang ina, hindi ko po yung pipwedeng pangalawahan," pahayag ni Cristy Fermin.

Dagdag pa niya, "At katwiran ko naman, bakit di mo ngayon ibigay? Ito yung growing up years ng mga anak mo. Ngayon nila kailangan ang iyong sustento hindi sa mga darating pang mga araw... Kailangan ng mga bata yung singko mo ngayon... Para panindigan mo na ikaw ay responsableng ama ng tahanan."

Mabuti na lamang umano at nakahanap si Lian Paz ng isang partner na mabait at handang tumayong ama sa mga anak ni Lian kay Paolo Contis.

"Pasalamat si Paolo na nakakita si Lian ng isang kaluluwa na kayang mahalin ang kanilang mga anak ni Paolo. Bibihira po 'yung ganitong lalake. Binibigyan po yan ng korona. 'Yang ganyang tao."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo