Rosanna Roces Isinugod Sa Ospital Dahil sa Labis na Sakit!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Mainit ngayon pinag-uusapan ang bali-balitang isinugod sa hospital ang dating sexy actress na si Rosanna Roces.

Marami sa mga naging kasamahan dati at mga kaibigan ng aktres ang nagpaabot ng kanilang pag-aalala matapos malamang nasa hospital si Rosanna.

Nitong January 10, ibinahagi ni Rosanna sa kanyang Instagram account na nasa ospital siya at kailangan operahan dahil sa gallstones.

Isinugod sa hospital si Rosanna nang hindi na kinaya ang pananakit ng kanyang tiyan. Base sa mga lumabas na resulta, may gallstones at myoma siya at kailangan nang operahan.

"Yayyyy ...need na operahan tom...maagap si dok . Mas mabuti na din at di ko na kaya ang sakit," caption ni Rosanna sa kanyang Instagram post kalakip ang mga hashtag na gallstones at myoma.

Samantala, base sa latest post na ibinahagi ni Rosanna masayang niyang isiniwalat na naging matagumpay ang operasyon at natanggal ang kanyang mga gallstones. Ibinahagi pa niya ang mga natanggal na gallstones sa kanya.

Labis ang kanyang pasasalamat sa mga doktors na nag-aalaga sa kanya at sa mga taong nagdasal para sa successful operation na isinagawa sa kanya.

"Thanks for all your Prayers🙏🙏🙏

Salamat Dr. Dennis Sta. Ana and Dr. Enrico Sta Ana, Dr. Clutario of Marikina

Valley Medical Center."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo