Pelikula ni Toni Gonzaga na My Teacher Required Panoorin sa Isang Paaralan!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Muling naging bahagi sa talakayan ni Ogie Diaz sa kanilang Youtube vlog na Ogie Diaz Showbiz Update ang bali-balitang nakarating sa kanila tungkol sa pelikula ni Toni Gonzaga at Joey De Leon na My Teacher.

Ayon sa isang tweet sa Twitter may isang paaralan sa may Dasmarinas na ini-require sa mga studyante na panoorin ang pelikulang My Teacher ni Toni Gonzaga.

Matatandaang naging usap-usapan ang hindi pagkakasama ng My Teacher sa apat na top-grossing film na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022.

"Nabasa ko nga 'yun sa Twitter actually at yun nga ang akusasyon. Hindi natin alam kung totoo 'yung sulat," pahayag ni Ogie Diaz.

Hindi naman umano masabi at baka paborito lamang ng pamunuan ng school si Toni Gonzaga kaya inirekomenda nila ang pelikula nito sa kanilang mga mag-aaral.

"Hindi naman natin alam, baka naman talaga namang napanood ng Brentwood ang pelikula e gusto talagang irekomenda sa mga estudyante, kaya nga lang nahahaluan ng pulitika. Malay naman natin, paborito nila si Toni Gonzaga... ng school," dagdag pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo