Angelica Panganiban & Gregg Homan Wedding Welcome Dinner Kasal Ni Agelica Panganiban Sa Siargao

Walang komento

Sabado, Abril 20, 2024


 Nakatakdang maganap ang pinakaaabangang beach wedding ng mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan.



Sila ay ikakasal sa ikalawang pagkakataon sa Sabado, April 20, 2024 sa Isla ng Siargao. Bago ang kanilang ikalawang big day, nag-pose sina Angelica Panganiban at Gregg Homann para sa isang nakamamanghang pre-wedding shoot kasama ang propesyonal na photographer na si Pat Dy.


Kaagad namang ibinahagi ng photographer ang ilan sa mga larawang kuha niya mula sa ag-asawa na ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram account.


Sa nasabing mga larawan, makikita ang mag-asawa na gumagawa ng mga sweet poses sa harap ng cinema façade  na may nakasulat na "save the date" at "April 20 2024."


“Gregg and Ange April 20, 2024 Siargao. Let's get this going,” mababasang caption ng post.


Sina Angelica at Gregg Homan ay nauna nang nagpalitan ng "I dos" sa Amerika. Ikinasal ang magkasintahang Angelica at Gregg Homan noong Bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2023. 


Noong Bagong Taon, ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban ang ilang larawan mula sa kanyang malaking araw. Ang mga larawan ay kuha ng photographer na si Pat Dy. 


Kaagad namang umani ng reaksyon at komento ng mga kilalang tao tulad nina Marian Rivera, Anne Curtis, Alessandra De Rossi, at Iza Calzado ay nag-react sa magandang balita.


Samantala, nagpunta naman sa Isla ng Siargao ang ilang sa mga malalapit na kaibigan Angelica Panganiban upang saksihan ang pagpapakasal nito sa ikalawang pagkakataon kabilang na sina Kim Chiu, Bela Padilla, Glaiza De Castro at marami pang iba.



Alden Richards, Kathryn Bernardo Huli Cam Ang Loving Loving

Walang komento

Biyernes, Abril 19, 2024


 Kinikilig ang mga tagasuporta kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa panibagong video na kumakalat ngayon kung saan makikita ang gentle na pagyakap ni Alden Richards sa aktres.


Ilang beses na ring naging laman ng mga usap-usapan sa social media sina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil marami ang nakapansin sa pagiging extra sweet at closeness  nila sa mga pagkakataong nagkasama sila sa iisang event.


Matatandaan na kasama si Alden Richards sa mga kaibigang inimbitahan ni Kathryn Bernardo noong nakaraang birthday celebration nito sa El Nido, Palawan.


Kung saan, kinantahan pa ni Alden Richards si Kathryn Bernardo, noong nag-organize naman ng isang late birthday celebration ang glam team ni Kathryn Bernardo ay naroon naman si Alden na may dala-dala pang bulaklak para sa aktres at isang mamahaling regalo.


Bukod pa rito, naroon din si Alden Richards sa house blessing ng multi-million dream house ng aktres.


Ang mga kumakalat namang larawan ay nagmula sa nasabing house blessing nina Kathryn Bernardo na kaagad na umani ng komento mula sa mga netizens.


"Init init na nga ng panahon..mas lalo pa gumagrabe ng dahil sa inyo KATHDEN."


"HAHAHAHAHHAA ANG AGA NG AYUDA. YUNG YAKAP TALAGA SOBRANG GENTLE. NAIIYAK AKO SA SELOS CHAROT. KAKILIG KAYO."


“I love the way how Alden gives a hug to Kath, so warm and so sweet.... very meaningful hugs... manifesting the relationship for both of them... God bless you both...” 


"ang real life encounter nila ay parang teleserye na nanakakabitin, and everybody is waiting in the next episode."


Sa kabilang banda lalo naman nag-ngitngit ang mga AlDub Fans na hanggang ngayon ay naniniwalang nagkaroon ng pamilya sina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan nagkaroon pa umano ang mga ito ng kambal na anak.


May mga tumatawag tuloy ngayon kay Kathryn Bernardo bilang kerida o kabit ni Alden Richards.





Ruru Madrid Ramdam Na Ramdam ang Kissing Scene Nila ni Angeli Khang

Walang komento


 Inamin ng aktor na si Ruru Madrid na talagang nagulat siya sa eksena nila ni Angeli Khang sa unang araw nito sa taping ng teleserye na Black Rider sa GMA7, sa kabila naman umano nito ay ramdam na ramdam pa rin niya ang eksena nila ng sexy star.


Sa kamakailang panayam kay Ruru Madrid nitong martes, inilahad ng aktor na lalo pang iinit ang mga eksena ngayon sa teleseryeng pinagbibidahan na Black Rider dahil sa papasok ng karakter na gagampanan ng VivaMax A-Lister actress na si Angeli Khang.


Aminado naman si Ruru Madrid na una siyang nakaramdam ng pagka-awkward sa eksenang ginawa nila ni Angeli dahil unang beses pa lamang silang nagmeet ay kissing na kaagad ang kanilang naging eksena.


Nang kinumusta naman kay Ruru Madrid kung ano ang masasabi niya habang ginagawa nila ni Angeli Khang ang eksena ay nasabi ng aktor na ramdam na ramdam umano niya ang kanilang scene.


Samantala, inamin naman ni Ruru Madrid na hindi niya nasabihan ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa kissing scene nila ni Angelin Khang dahil nasa Tanay umano sila noon at walang signal ang kanyang cellphone.


Magiging bagong love interest ng karakter ni Ruru ang karakter ni Angeli, na inaming kinakabahan siyang gawin ang kanyang kauna-unahang teleseries na hindi niya comfort zone.


Bukod kay Angeli Khang, kasama rin sa mga bagong karakter sa teleseryeng Black Rider sina Lianne Valentin, Luke Conde, BJ Forbes, Epy Quizon, Madam Inutz, William Lorenzo, Yul Servo at Matet De Leon.


Sa kabila nito patuloy pa rin namang mapapanood ang mga karakter nina Yassi Pressman, Herlene Budol, Raymond Bagatsing, Rio Locsin, Jestoni Alarcon at Jon Lucas sa nasabing teleserye.




Netizens Na Star Struck Sa New Look Ni Julia Montes!

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan sa social media ang panibagong larawan na ibinahagi ng aktres na si Julia Montes sa kanyang Instagram account.


Sa kamakailang Instagram post ng aktres na si Julia Montes ay ibinahagi niya kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang bare face.


Sa caption ng kanyang post ay pinasalamatan niya ang New Lounge Ph para sa paggawa ng kanyang lashes at nails.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa angking kagandahan ni Julia Montes.


Hiniling naman ng maraming mga fans ng aktres na muli na naman siyang gumawa ng mga pelikula o kaya naman ay isang teleserye.


May mga humiling naman na sana ay pumasok si Julia Montes sa teleseryeng pinangungunahan ngayon ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo.


Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang aktres sa kung ano ang kanyang susunod na proyekto matapos ang matagumpay nilang pelikula ni Alden Richards na Five Heartaches and A Romance.


Sa kabilang banda tila inunti-unti na nina Coco Martin at Julia Montes ang pag-amin ng kanilang romantic relationship matapos ang ilang taon na pagkakalink nila sa isa't-isa.


Matatandaan na ilang beses na ring naging laman ng mga usap-usapan noon ang balitang nagdadalang tao si Julis Montes sa anak nila ni Coco Martin.


Subalit, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa patungkol sa isyu. Hiling na lamang ng mga taong nagmamahal kay Julia na maging masaya ito.


Dalawang Slot Ng GMA Primetime Ibibigay Sa ABS-CBN

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at pinagdedebatehan ng mga netizens sa ilang mga social media platforms ang ginawang request ng Kapamilya Network na hingin ang dalawang primetime slot ng GMA7 para ipalabas ang kanilang mga programa.


Kumakalat ngayon sa ang mga bulong-bulungan na tiyak na umanong ipapalabas ngayong taon ang dalawang teleserye na ginawa ng ABS-CBN sa primetime ng GMA7.


Ito'y kasunod ng matagumpay na collaboration ng ABS-CBN at GMA7 para i-ere sa main channel ng Kapuso network ang Kapamilya show na It's Showtime.


Bago pa man nakalipat sa Kapuso network ang It's Showtime, nauna nang nagkaroon ng collaboration ang ABS-CBN at GMA7 sa matagumpay nilang teleserye na Unbreak My Heart.


Dahil sa mga nagaganap na collaborations sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7 marami sa mga netizens ang nagsasabing hindi na malabo na may katotohanan ang mga bali-balitang ito.


Nauna na rin naman inilahad ni Laurenti Dyogi na isa na ring content provider ang ABS-CBN kaya naman maari na itong makipagnegotiate sa iba't-ibang mga networks na gusto i-eere sa kanilang mga channels ang content ng ABS-CBN.


Samantala, marami naman sa mga netizens na noon pa man ay tagasuporta na ng Kapuso network ang hindi pumabor sa pakikipag-collab ng GMA sa ABS-CBN dahil hindi umano ito patas sa kanilang mga talents.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na maraming mga Kapuso artists ang hindi pa nabibigyan ng mga proyekto ngayon.


Kung sakali mang piliin ng GMA Network ang shows o programs ng kabilang networks ay tila inaamin na rin nito na hindi nila kayang magproduce ng quality shows at series na magpapataob sa mga teleserye ng ibang mga networks.




Kim Chiu Sinorpresa Nila Bela Padilla at Angelica Panganiban Sa Siargao

Walang komento


 Ipinagdiriwang ng actress-TV Host na si Kim Chiu ang kanyang ika-34 na kaarawan sa Isla ng Siargao nitong April 19, 2024 kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.


Nagpunta sa Siargao sina Kim Chiu at ilang malalapit na kaibigan nila para sa magaganap na beach wedding ni Angelica Panganiban na magaganap naman bukas April 20, 2024.


Bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Kim Chiu, sinupresa siya ng kanyang mga kaibigan na siyang ikinatuwa naman ng aktres.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami ang nagsasabi na talagang pinaghahandaan ng mga kaibigan ni Kim Chiu ang kaarawan ng kanilang kaibigan.


Samantala, marami naman sa mga kaibigan at naging kasamahan ni Kim Chiu sa industriya ng showbiz ang nagbigay ng mensahe ng pagbati sa kanyang ika-34 na kaarawan.


Kabilang sa mga bumati kay Kim Chiu ay ang kanyang mga co-star sa seryeng What's Wrong With Secretary Kim na si Paulo Avelino.


Sa isang Instagram story ni Paulo Avelino ibinahagi niya ang kanyang pagbati para kay Kim Chiu na kinakiligan naman ng kanilang mga tagahanga na umaasang magkakaroon ng totohanang relasyon ang dalawa.


Matatandaan na bago pa man nagpunta si Kim Chiu sa Siargao upang saksihan ang 2nd wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na una nang ikinasal sa Amerika noong December 2023, ay nagkasama muna sila ni Paulo Avelino sa isang dinner date para ipagdiwang ng advance ang kaarawan ng aktres.




Kris Aquino Bumalik Na Ang Dating Glow at Ganda! Alamin Ang Latest Sa Kanyang Health Sa Birthday ni Bimby

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang nakita nilang recent photo ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan yakap-yakap nito ang kanyang 17 years old na anak na si Bimby Aquino.


Ipinagdiriwang ngayon ni Bimby Aquino ang kanyang ika-17 na kaarawan, isang letter naman ang ibinahagi ni Kris Aquino, binalikan ng Queen Of All Media ang kanyang pananganganak kay Bimby Aquino noong 2007.


Sa nasabing letter, kinilala ni Kris Aquino ang pagiging isang guardian angel ni Bimby sa kanya. 


"April 19, 2007 i gave birth to my living guardian angel… in the past month with kuya josh back in the 🇵🇭, and because of several vaccines i needed to be given- bimb kept me company while i quarantined… ayokong sirain ang dapat good vibes sa 17th birthday ni bimb BUT i also know for all those praying for us i owe you the TRUTH."


Nagbahagi rin si Kris Aquino ng isang open letter para sa kanyang anak na si Bimby kung saan inamin niya ang kanyang kahinaan at takot para sa kanyang kalusugan.


"To bimb, “i’m keeping the promise i made to you- September 28, 2018 when we first knew there was something scary about my sudden weight loss and my complete blood test result. i’m sorry for showing weakness yesterday when i cried nonstop because of my fear that i may not be around to be with you on your 18th birthday."


"it’s my bad for not being grateful that against all odds, with 5 autoimmune conditions, 3 of them that are life threatening i failed to see the glass as being half full BECAUSE you’ve matured so much and you’re always ready to help my nurses, and though i know you’re also freaked, you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers. 


"No matter how much physical pain i endure daily- my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional LOVE.” 


"My one wish is for your character to remain STRONG, your values and integrity stay ADMIRABLE, your respectful and polite manner UNCHANGED, and your passion for learning will continue to inspire you to make the most of your education. 


"I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity. You’re my greatest achievement because of your capacity to love- this early you’ve embraced your responsibility to take care of your kuya, and since you were 11 years old, you’ve been so protective of me. Love doesn’t die my 🍯, please remember that. HAPPY BIRTHDAY to the love of my life"


Napansin naman ng mga netizens na sa kabila ng katangkaran ni Bimby kumpara sa kanyang ina ay makikita naman sa mukha nito ang gentleness at pagmamahal para kay Kris Aquino.


Ayon sa komento ng mga netizens na sana ay gumaling na ng tuluyan si Kris Aquino upang makasama pa niya ng matagal ang kanyang mga anak.



Kapatid Ni Donny Pangilinan Pinatamaan Si Ogie Diaz! Nagreact Sa Nanliligaw Si Donny Kay Kathryn

Walang komento


 Kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan Miranda naglabas ng pahayag matapos kumalat ang isyung nanligaw noon ang kanyang kapatid sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging hugot ng kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan patungkol sa sinasabi niya 'responsible journalism'.


Sa Instagram stories ni Ella Pangilinan, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya sa mga supposedly reputable PH News outlets dahil sa paggawa nito ng mga fake news.


Hinala ng maraming mga netizens na ang pahayag na ito ni Ella Pangilinan ay may kaugnayan sa mga kumakalat ngayon balita sa ilang mga kilalang entertainment news sites patungkol sa panliligaw noon ni Donny Pangilinan sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na unang lumabas ang balitang niligawan ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan ng huli sa aktor na si Daniel Padilla sa isang episode ng vlog ni Ogie Diaz na nagmula umano sa kanyang mapagkakatiwaalaang sources.


Ayon kay Ogie Diaz, na nasa kay Donny Pangilinan na kung aamin pa ba siyang niligawan niya non si Kathryn Bernardo kaya lang ay naudlot, sa hindi pa malinaw na dahilan.


Gayunpaman, nilinaw naman noon ni Ogie Diaz na wala rin namang problema kung sakaling hindi aamin si Ogie Diaz sa isyu.


Kaagad naman itong napag-usapan sa ilang mga social  media platforms hanggang sa makarating kay Ella.


Dahil sa pag-angal nito may mga naghinala na baka hindi talaga totoong niligawan ng aktor si Kathryn Bernardo.



Joey De Leon Binawi Mga Pasaring Sa It's Showtime

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang Henyo Master at Eat Bulaga host na si Joey De Leon kasunod ng mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga It's Showtime fans na nagsasabing handa at aabangan nila ang pagluhod nito sa darating na October dahil ipagdidiwang na ng It's Showtime ang kanilang ika-15 years anniversarry.


Matatandaan na bagama't wala namang nabanggit na pangalan si Joey De Leon patungkol sa tinutukoy niyang show na hindi aabot sa 15 years marami ang naghinala na ito ay walang iba kundi ang It's Showtime na katapat nilang noontime show.


Dahil sa mga natatanggap na batikos mula sa ilang mga netizens na sumusuporta sa It's Showtime, pinili ni Joey De Leon na linawin ang sinasabi niyang luluhod siya kung aabot ang isang show ng 15 years.


Nagbahagi si Joey De Leon ng isang video nitong April 19, 2024 sa Instagram at Twitter upang linawin ang binitiwan niyang pahayag sa isang segment ng Eat Bulaga noong April 17, 2024.


Sa video, nilinaw ni Joey De Leon na hindi ang It's Showtime ang kanyang tinutukoy sa naging pahayag niya at sa pahayag ni Tito Sotto.


Iginiit din ni Joey De Leon na hindi nila kaaway ang It's Showtime. Matagal na umano nilang kapitbahay ang It's Showtime, hindi rin umano sila tinitira ng mga host nito kaya naman hindi rin nila tinira ang show.


Ayon kay Joey De Leon na ang tinutukoy nila ni Tito Sotto ay iyong nagpo-programa sa social media at nagpo-post ng mga maling impormasyon patungkol sa Eat Bulaga.


Tila nag-advance greeting rin si Joey De Leon sa It's Showtime na malapit na ipagdiwang ang kanilang 15 years anniversary.


Hiniling rin ni Joey De Leon na huwag na silang pagsabungin pa ng It's Showtime dahil nagtatrabaho lamang din umano ang mga iyon.


Ang tinutukoy umano niya ay ang mga nagpo-post sa social media.


Nauna na ring nilinaw ng TVJ at taga-Mediaquest na walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis patungkol sa pagpapatawag sa kanila ng emergency meeting dahil nalulugi na ang show na Eat Bulaga.

Vice Ganda May Bwelta Sa Pasaring Ng Eat Bulaga Host!

Walang komento


 Inaabangan ngayon ng maraming mga netizen ang reaksyon ng It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga pasaring ng Eat Bulaga host na si Joey De Leon nitong nagdaang araw.


Tila hindi naman apektado si Vice Ganda sa mga banat nina Joey De Leon kamakailan sa kanilang show kung saan sinabi nitong hindi aabot sa fifteen years ang kanilang show. Kung aabot man umano ito sa fifteen years ay baka luluhod pa siya sa harap ng mga ito.


Nananatili pa rin ang pagiging kalmado ni Vice Ganda at goodvibes lang sa kamakailang episode ng Expecially For You sa It's Showtime.


Nagbiro pa si Vice Ganda sa isang searchee nila dahil napansin ni Vice Ganda na napakatangos ng ilong nito. Ayon kay Vice Ganda, nasa It's Showtime ito ngayon subalit ang ilong nito ay umaabot hanggang sa Eat Bulaga.


Nagbigay pa si Vice Ganda ng isang inspirational message patungkol sa pagpo-focus sa sariling goal at iwasan ang pagtingin sa ibang tao at pagiging bitter.


Pahayag ni Vice Ganda, "Mas magaan sa pakiramdam, sa puso, sa konsensya, focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo. Huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba. Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter."


Bagama't wala namang sinabing pangalan si Vice Ganda, tila alam na ng maraming mga netizens kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang naging pahayag na walang iba kundi ang Eat Bulaga host na si Joey De Leon.


Matatandaan na pinaghihinalaan ni Joey De Leon ang It's Showtime family na siyang nagpapakalat ng mga maling balitan patungkol sa pagkakalugi ng Eat Bulaga at malapit na umano silang matigil sa pag-ere.


May hamon pa si Joey De Leon, na umabot lamang sila ng 15 years ay baka luluhod pa umano si Joey sa harap ng mga ito.



Joey De Leon Hinam0n Si Vice Ganda at Ang It's Showtime

Walang komento

Huwebes, Abril 18, 2024


 Laman ng mga talakayan ngayon sa ilang mga social media platforms ang banat ng Eat Bulaga host at tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon laban sa katapat nilang show na It's Showtime.


Ipinapalabas ni Joey De Leon na malapit nang matigil ang It's Showtime, ni hindi umano ito aabot ng 15 years hindi katulad nila na may napatunayan na matapos umire ng 45 years at mapabilang sa top 5 longest running shows in the world.


Tila ang It's Showtime hosts rin ang pinaghihinalaan ni Joey De Leon na nagpapakalat ng balitang nalulugi na sila at malapit ng matigil sa pag-ere.


Ayon pa kay Joey De Leon, na naiinggit lamang umano itong katapat nila sa kanilang mga achievement kaya paninira na lamang ang ginagawa at pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanilang programa.


Hinamon din ni Joey De Leon ang mga ito na umabot mula ng kahit fifteen years at luluhod pa umano siya sa harap ng mga ito.


Ayon pa kay Joey De Leon na tila bastusan na umano ang labanan ngayon kaya lalaban na rin siya kahit pa wala pang napatunayan ang show ng mga ito dahil hindi pa umabot sa 45 years at hindi pa nabibilang sa top 5 of the world sa mga longest running shows.


Kaagad naman itong umani ng komento mula sa mga netizens na kaagad naikonekta kung sino ang tinutukoy ni Joey De Leon.


Kahit walang sinabi ay alam naman umano na ang It's Showtime talaga ang tinutukoy ni Joey De Leon.


May mga madlang pipol naman na nagsasabi na excited na umano silang makita ang pagluhod ni Joey De Leon dahil sa darating na October ay ipagdidiwang na ng It's Showtime ang kanilang 15 years anniversary.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda sa naging banat laban sa kanila ni Joey De Leon.


@felysalvador420 TVJ sinagot na ang mga nagsasabing nalulugi at magsasara na daw ang Eat Bulaga #madiskartengnayfely #tiktokviral #tiktoktrending #tiktok #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Fely420

Jayda Avanzado Umamin Na! Isinapubliko Ang Relasyon Nila Ni Darren Espanto

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga online news portals ang pag-amin ng singer na si Jayda Avanzado sa naging relasyon nila ng kapwa singer na si Darren Espanto.


Sa kamakailang panayam sa nag-iisang anak ng kilalang classic singer na si Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado, hayagan niyang inamin ang pagkakaroon nila ng special relationship ni Darren Espanto ilang taon na ang nakalilipas.


Binalikan ni Jayda Avanzado ang naging past nila ni Darren Espanto sa kanyang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA7.


Ayon kay Jayda, totoong nagkaroong sila ng mutual understanding noon ni Darren Espanto, subalit matagal na umanong panahon ang nakalipas.


Sa unang part ng naging panayam ni Boy Abunda kay Jayda, sinabi ng King of Talk kay Jayda ang papuri ni Darren Espanto sa kanya kung saan kinilala nito ang dalaga bilang 'best singers' ng new generation.


Kaagad namang ipinahayag ni Jayda na talagang very flattered siya sa papuri ni Darren Espanto.


Dito na itinanong ni Boy Abunda ang pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Darren Espanto.


Inamin naman ni Jayda Avanzado na totoong nagkaroon ng romantic relationship sa pagitan nilang dalawa ilang taon na ang nakakalipas.


Ipinaliwanag naman ni Jayda ang sinabi niyang special relationship nila ni Darren Espanto, “It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point.”


Matatandaan na sa kamakailang guesting ni Darren Espanto sa Fast Talk with Boy Abunda sinabi ni Darren Espanto na nais niyang gawing private ang naging nakaraan nila noon ni Jayda.


Sa kabila naman umano nito ay inilahad naman ni Darren na nanatili pa rin silang magkaibigan na dalawa.




Diwata, Inaresto Ng Mga Kapulisan Sa Kasong Isinampa Noon Pang 2018

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang social media personality at entrepreneur na si Deo Balbuena, na kilala rin bilang “Diwata".


Inaresto ng mga otoridad si Diwata nitong April 18, 2024 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong isinampa laban sa kanya noon pang 2018.


Ayon kay PNP Spokesperson PCapt. Mark Jun Anaviso, mapayapang sumama naman si Diwata sa mga awtoridad naumaresto  sa kanya sa kanyang Paresan establishment sa Pasay City.


Ang warrant ay inihatid sa pamamagitan ni Allan B Ariola, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 48, Pasay City.


Mabilis naman na nagpiyansa si Diwata na nagkakahalaga ng P3,000 para makamit ang kanyang pansamantalang kalayaan.


Nagpahayag naman ang mga netizens ng kanilang suporta kay Diwata, kung saan sinasabi nila na ang reklamo ay isang bagay lamang ng kanyang madilim na nakaraan ni Diwata.


Marami rin ang bumabatikos sa namamahala sa batas kung bakit ngayon lamang naiserved kay Diwata ang warrant of arrest kung noon pang 2018 ang reklamo.



May mga nagsasabi pa na talagang nahuhuli ang hustisya ng bansa kung sakaling totoong nagkasala man noon si Diwata.


May mga sumuporta naman kay Diwata at sinasabing  pagsubok lamang ang lahat ng ito kay Diwata na alam naman nilang matatagumpayan rin nito sa hinaharap.


Matatandaang tumanggap si Diwata ng katanyagan sa social media matapos siyang kilalanin ng ilang vlogger bilang viral LGBT member na na-feature sa isang news report tungkol sa isang kaguluhan noong 2016.


Mabilis na naging atraksyon sa mga netizens ang negosyong Paresan ni Diwata matapos itong mai-feature ng ilang mga vloggers. Marami rin ang bumilib sa kanyang makulay na personalidad at dedikasyon para makaiwas sa kahirapan.


Kamakailan lang, itinampok ni Alex Gonzaga ang Paresan business ni Diwata at ibinahagi rin ng social media celebrity ang kanyang determinasyon na magkaroon ng mas magandang buhay matapos subukan ang iba pang mga negosyo.


Mapapanood na rin ngayon sa hit Kapamilya series na Ang Batang Quiapo sa ABS-CBN.



Michelle Dee Binura Na Ang Larawan Nila ni Oliver Moeller

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa panliligaw ni Atty. Oliver Moeller, mabilis na napansin ng mga netizens ang pagbura ni Michelle Dee sa kanyang larawan kasama ang binatang naging searchee sa segment ng It’s Showtime na “Expecially for You.”


Matatandaang nai-pair si Oliver Moeller kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa segment na Expecially For You at hindi napigilan ng maraming fans na-iship ang dalawa dahil sa malakas nilang chemistry.


Gayunpaman, nitong Huwebes, April 18, 2024 napansin ng netizens ang pagbubura ni Michelle Dee sa larawan nila ni Oliver Moeller na kuha mula sa It's Showtime matapos magpahiwatig ng paghanga ang huli sa It’s Showtime host na si Kim Chiu.


Matatandaan na sa isang panayam kay Oliver Moeller sa muling pagbisita nito sa It's Showtime nitong April 16, 2024, inamin niya na labis siyang nagagandahan kay Kim Chiu noon pa mang hindi pa siya sumalang sa It's Showtime.


Hindi naman nilinaw ni Oliver Moeller ang kanyang sagot sa katanungan kung nililigawan na ba niya ngayon ang aktres dahil naniniwala umano siyang dapat ay humingi muna siya ng permiso mula kay Kim Chiu bago siya magbigay ng pahayag patungkol dito.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Oliver Moeller marami ang naghinalang may balak talaga itong ligawan si Kim Chiu at naghihintay na lamang ito ng permiso mula sa aktres.


Bukod pa rito, inamin rin ni Oliver Moeller na bukas siya sa posibilidad na makapasok sa entertainment industry kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon.


Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkakadisgusto kay Oliver Moeller dahil tila pasimple umano itong clout chaser, na halata naman sa paraan nito ng pagsagot.


May mga pumuri kay Michelle Dee dahil sa pagiging matalino nito na tila ba napag-alaman umano nito ang binabalak ni Oliver Moeller. Hiniling pa ng ilan na sana ay maging mapagmatyag din si Kim Chiu para hindi siya magamit muli ng mga nagpapasikat.



Kim Chiu Kinilig Sa Pa-Surprise Birthday Dinner Date Ni Paulo Avelino

Walang komento


 Papunta na ngayon ang actress-TV host na si Kim Chiu sa Siargao para sa second wedding ng kanyang malapit na kaibigan na si Angelica Panganiban na magaganap sa darating na sabado, April 20, 2024.


Nasa Siargao na rin ang iba pa nilang mga kaibigan gaya na lamang nina Glaiza De Castro, Cherry Pie Picache at ibang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng showbiz.


Sa Siargao na rin ipagdidiriwang ni Kim Chiu ang kanyang ika-34 na kaarawan na magaganap naman bukas April 19, 2024.


Sa kabilang banda, labis naman na kinakikiligan ng maraming mga KimPau fans ang pa-early birthday celebration ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu.


Nadagdagan pa ito ng nagsilabasan ang ilang mga behind the scenes videos nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa serye nilang What's Wrong With Secretary Kim?


Ayon sa ilang mga netizens na tila nagkakaroon umano ng sariling mundo sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang mga eksena.


Talagang ginagalingan nilang pareho ang kanilang mga eksena na nagiging makakatotohanan kung titingnan.


Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens na talagang siniseryoso na umano ni Paolo Avelino ang kanyang panunuyo kay Kim Chiu lalo na ngayon tila may karibal na ito sa katauhan ni Oliver Moeller.


Matatandaan na marami sa mga netizens ang naghinalang may balak si Oliver Moeller na ligawan si Kim Chiu kung pagbabasehan ang mga naging sagot nito sa panayam kamakailan sa kanya.



Michelle Dee Nagsalita Na Hinggil Sa Estado Nila Ni Oliver Moeller Sa It'S Showtime

Walang komento


 Muling bumisita sa noontime show na It's Showtime ang beauty queen-actress na si Michelle Dee nitong hwebes April 18, 2024.


Matatandaan na noong April 6, 2024, ay sumalang ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee bilang 'Searcher' sa isang segment ng It's Showtime na Expecially For You, kung saan ang napili ni Michelle na makadate ay ang lawyer na nagmula sa Cebu na si Oliver Moeller.


Sa kanyang muling pagbabalik sa It's Showtime, inusisa siya ng ilang mga host kung kamusta ang date niya kasama si Oliver Moeller.


May nakapansin naman na tila nag-iba ang reaksyon ni Michelle Dee sa tanong na ito at tila naging pilit rin ang kanyang mga ngiti.


Tila nagdalawang isip pa si Michelle Dee sa pagsagot hanggang sa sinabi na lamang nito na 'secret' katulad ng sinabi rin ni Oliver Moeller nang tanungin ito ni Vice Ganda patungkol sa nangyaring date nila ng beauty queen.


Naitanong rin kay Michelle Dee kung ano ang kinain nila ni Oliver Moeller sa kanilang date, ayon kay Michelle na pinoy foods ang kanilang kinain.


Inamin pa ni Michelle na ang way para makuha ang kanyang loob ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanya ng mga masasarap na Pinoy foods.


Samantala, may mga netizens naman ang nagsasabi na normal lamang umano ang reaksyon na ito ni Michelle Dee sa mga katanungan ng mga It's Showtime hosts lalo na kung wala naman talagang something na nangyari sa pagitan nina Michelle Dee at Oliver Moeller.


Ganun naman ang purpose ng Expecially For You hindi naman kinakailangan na maging magkarelasyon ang dalawa kundi susubukan lamang ng mga ito na magdate ng isang beses.


Hindi naman ibig sabihin na kailangan maging boyfriend ni Michelle Dee si Oliver dahil sa pagpili niya rito sa Expecially For You.


@raindulay Michelle Dee on Its Showtime Again 💅💅💅 #ItsShowtime #Kapamilya #ABSCBN #FYP #MichelleDee ♬ Salamin, Salamin - BINI

Buong Detalye Sa Balitang Nagtalo Sina Vic Sotto at Joey De Leon Dahil Sa Pagkalugi Ng Eat Bulaga

Walang komento

 

Hindi napigilan ng dating senador na si Tito Sotto na maglabas ng pahayag laban sa mga taong ipinapalabas na nalulugi na ang kanilang show na Eat Bulaga at malapit na ring matigil sa pag-ere sa telebisyon.


Sa segment ng Eat Bulaga na Gimme 5 nitong martes April 16, 2024, gigil na binanatan ni Tito Sotto ang mga nagpapakalat ng mga bali-balitang nalulugi na sila at magwawakas na rin ang kanilang noontime show.


Matatandaan na na nag-ugat ang bali-balitang nalulugi na ang Eat Bulaga matapos lumabas sa isang entertainment news sites ang balitang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa problema sa pera.


Ayon sa kanila, hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan patungkol sa finances dahil nag-aadjust pa umano ang TVJ bilang panibagong producer ng Eat Bulaga lalo na sa pamamahala ng mga finances ng show.


Ayon pa sa naglabasang mga ulat, nagiging mainitin umano ng ulo ngayon si Joey De Leon dahil mas nasasanay umano ito na tumanggap ng pera kaysa sa maglabas ng pera mula sa sariling kaban.


Bagama't hindi naman maitatanggi na mayroong maraming commercial load ang Eat Bulaga tila hindi umano ito ramdam ng production dahil sa dami rin ng kanilang mga gastusin.


Kasunod nito, kumalat naman ang mga balitang nagpatawag ng isang emergency meeting ang TVJ at media quest para tugunan ang negative earning ng show ilang buwan na ang nakakalipas.


Dahil sa mga usap-usapang ito, hindi na napigilan ni Tito Sotto na magbigay ng pahayag upang tugunan na ang isyu.


Para patunayan na hindi sila nalulugi, handa umano si Tito Sotto na ipakita ang kanilang file income tax sa media mula sa BIR.


Sa huli ay pinayuhan ni Tito Sotto ang mga netizens na maging mapagmatyag at paniwalaan lamang ang mga balitang may katotohanan.


Sumabat naman si Joey De Leon at binanatan ang kanilang katapat na noontime show na It's Showtime. Ipinapalabas ni Joey De Leon na ang mga host ng kanilang katapat na show ang nagpapakalat ng mga fake news patungkol sa kanilang show.


Sinabi pa ni Joey De Leon na wala pang napapatunayan ang It's Showtime hindi katulad nila na napasama na sa top 5 longest running show sa buong mundo.


Hinamon pa niya ang mga ito na handa siyang lumuhod kung sakaling makaabot ang show ng kabila ng fifteen years.


Sa kabilang banda, marami ang nakapansin sa pananahimik ni Vic Sotto sa isang dami sa kabila ng panggagalaiti nina Joey De Leon at Tito Sotto.




@felysalvador420 TVJ sinagot na ang mga nagsasabing nalulugi at magsasara na daw ang Eat Bulaga #madiskartengnayfely #tiktokviral #tiktoktrending #tiktok #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Fely420

Sen. Bong Revilla Isinugod Sa Ospital Lani Mercado Humihingi Ng Panalangin

Walang komento


 Humihingi ng panalangin ang actor at Senador na si Ramong 'Bong' Revilla Jr. sa kanyang mga tagahanga matapos isugod sa hospital dahil sa injury sa paa.


Marami sa mga tagasuporta ni Sen. Bong Revilla ang nag-alala matapos kumalat sa social media ang video na ibinahagi ng senador na kinunan sa loob ng St. Lukes Medical Center nitong April 16, 2024.


Ang dahilan ng kanyang pagkaka-confine sa hospital ay ang dati pa niyang injury sa paa na tinatawag na Achilles Tendon.


Lalo umano itong lumalala dahil sa pagtakbo niya ng mabilis habang kinukunan nila ang kanyang comeback film na Alyas Pogi.


Buong pahayag ni Sen. Bong Revilla, "Hello, good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad news but I am okay. Had an injury, my achilles tendon had a partial tear that's why I need to undergo an operation. We will know by tomorrow, so please pray for me." 


"First day ko ng 'Alyas Pogi' yesterday kasama ko pa si Ara Mina and Epy Quizon but you know may mga pangyayaring minsan hindi maiiwasan, mangyayari talaga 'yon. Basta importante ipagdasal niyo na hindi po grabe. Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na bale 50% ng aking achilles ay na-tear 'yun po dahil sa pagtakbo, dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo," dagdag pa niya.


Kailangan na umano nitong operahan kung saan umaabot sa tatlo hanggang limang buwan ang pagpapagaling nito matapos ang operasyon.


Ayon naman sa anak nito na si Jolo Revilla na kasama niya sa hospital ay titingnan pa ng mga doktor ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanyang ama kung handa na ba itong sumailalim sa operasyon.


Hiniling naman nito na isama sa mga pagdarasal ang tuluyang paggaling ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo