Bea Alonzo Inirereklamo Ng Mga Kasambahay, Masyadong Mahigpit

Walang komento

Martes, Marso 12, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ang mga isiniwalat ng kilalang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa Kapuso actress na si Bea Alonzo patungkol sa mga kasambahay umano nitong nagrereklamo laban sa aktres.


Sa kamakailang episode ng programa nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika na Cristy Ferminute, natalakay nila ang nakarating na balita kay Cristy Fermin patungkol sa totoong pagtrato ni Bea Alonzo sa kanyang mga kasambahay.


Bagama't maayos naman umano ang pagpapasweldo ni Bea Alonzo sa mga ito at kahit pa kumpleto naman ang mga ito sa mga benefits, marami pa rin ang mga nagrereklamo dahil hindi sila pinapayagan ni Bea Alonzo na makapag-day off at minsan ay bigla na lamang umanong pinapalayas ng aktres.


Isiniwalat din ni Cristy Fermin na pinapabayad umano ni Bea Alonzo ang kanyang driver sa tuwing nasisira ang sasakyan o kapag nasangkot ito sa isang aksidente.


Sa ngayon ay hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil patuloy pa ring nanahimik ang mga kasambahay ni Bea Alonzo. Tanging mga haka-haka lamang ang naglabasan na nakarating kay Cristy Fermin.


Ayon pa kay Cristy Fermin, tila hindi kakampi ngayon ni Bea Alonzo ang pagkakataon dahil sa mga naglalabasang negatibong isyu patungkol sa kanya na maaring ikasira ng kanyang career.


Nauna nang nabatikos si Bea Alonzo nang biglaang maghiwalay sila ng kanyang fiancee na si Dominic Roque noong January 2024.


Matatandaan na bigla na lamang napansin ng mga netizens na hindi sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring. Naglabasan na rin ang mga bali-balitang naghiwalay na sila ni Dominic Roque.


Kasunod nito, naiulat rin ang isyu patungkol sa katayuan ni Dominic Roque, subalit marami na rin ang kumukwestiyon sa totoong ugali ni Bea Alonzo.


Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nauwi rin sa masalimoot na paghihiwalay ang aktres sa mga naging karelasyon niya noon sa ilang mga lalaking nagmula rin sa showbiz na ngayon ay masaya na sa kani-kanilang mga bagong girlfriends.


Marami rin ang nagsasabi na tila lumalabas na ngayon ang totoong ugali at kulay ni Bea Alonzo na maging ang mga kasambahay nito ay naglalabas na rin ng saloobin.




Pagpapalayas Kay Sarah Geronimo at Matteo Ng Inang Si Divine, Binalikan Matapos Tawagin Ni Sarah Bilang 'Hero' Ang Ina

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa pagbati ni Sarah Geronimo sa kanyang ina na si Mommy Divine sa kanyang pagtanggap ng award sa Billboard's Women in Music 2024, marami ang binalikan ang mga ginawa ng ina  matapos itong suwayin ng aktres.


Sa kamakailang panayam kay Sarah Geronimo, ipinahayag niya sa buong mundo ang kanyang pagmamahal at pagka-proud sa kanyang ina. Sinabi pa niya na ito ang naging hero sa kanyang buhay at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Sarah Geronimo, binalikan ng mga netizens ang mga nakaraang kontrobersya at mga ginawa ng ina ni Sarah Geronimo habang nasa puder pa siya nito at matapos ang pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli.


Marami sa mga netizens ang tumaas ang kilay sa naging pahayag ni Sarah Geronimo dahil tila ginamit lamang nito ang kanyang ina para maging impactful ang kanyang speech gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maayos ang kanilang relasyon ngayon.


Ilang beses rin umanong nadamay sa kontrobersiya ang singer dahil sa ginagawa ng kanyang ina.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na binati ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang partikular na ang kanyang ina sa publiko.


Matatandaan na noong 20th anniversary celebration ni Sarah Geronimo ay binati rin niya ang kanyang ina subalit hindi man lamang siya nakatanggap ng reaksyon mula sa mga ito.


Bagama't marami ang naantig sa ginagawang pagpapakumbaba ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang at sa consistency nito sa paghingi ng paumanhin at pagreach out ay marami narin ang tila nagbabahid ng malisya sa ginagawa ng singer.


Sinasabi nilang tila ginagamit na lamang rin ni Sarah ang isyu nila ng kanyang mga magulang upang mapag-usapan sa tuwing may malalaki siyang event kagaya na lamang noong mayroon siyang comeback concert at sa pagtanggap niya ng award ngayon.


Binalikan pa ng ilang mga fans ni Sarah Geronimo ang pagpapalayas sa kanila ni Mommy Divine sa bahay at sa tinitirhan nitong subdivision sa Quezon, City.


Bukod sa pagpapalayas ni Mommy Divine, sinabihan rin umano ni Mommy Divine ang mga guards ng subdivision na bawal nang pumasok ang mag-asawa sa kanilang lugar.


Hindi naman sumusuko si Sarah Geronimo sa panunyo niya sa kanyang mga magulang subalit, tila magpahanggang ngayon ay bigo pa rin ang actress-singer na mapatawad at matanggap muli ng mga ito.


@kapamilyaonlineworld2 Popstar Royalty Sarah Geronimo salutes Mommy Divine, her mother and Hero. 🥹🥹🥹 “Shout out to my mother. Mommy Divine Geronimo. You are the best. You are my hero. I love you very much.” SARAH G BILLBOARD HONOREE #BBWomenInMusic  #GlobalForceSarahG #sarahgerinimo #popstarroyalty #foryou #fyp #trending #viral #abscbn #starmagic #kapamilyaforever #kapamilyachannel #philippines #primetimebida #primetime #fypシ゚viral #tfc #thefilipinochannel #artist #actor #universe #action ♬ original sound - Kapamilya Online World

Mga Kinasangkutang Kontrobersiya ni Mommy Divine Geronimo

Walang komento


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang pagiging stage mom ni Divine Geronimo sa kanyang anak na si Sarah Geronimo. Ilang beses na ring kinwestyon ng mga netizens ang kanyang pagmamahal sa anak at ang pagiging ina niya ng tinaguriang Popstar Royalty.


Hindi rin naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang mga kontrobersiyang kinakakasangkutan nito noon at magpahanggang ngayon.


Narito ang ilan sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Mommy Divine Geronimo na nakaapekto sa showbiz career ng kanyang anak na si Sarah Geronimo.


Ang Hindi Ipinalabas ng Episode ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice


Isa sa mga napag-uusapan noon ay ang pagpigil umano ni Mommy Divine sa pag-ere ng episode ng GGV na kinatatampukan kay Sarah Geronimo.


Sa isang Facebook post ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, isiniwalay niyang hindi na ipapalabas ang guesting ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice kung saan ipopromote sana niya ang kanyang pelikula noon na Miss Granny.


Marami ang nagsasabing totoong nangyari ang guesting ni Sarah sa GGV dahil sa mga naglabasang mga larawan niya kasama si James Reid na sa pagkakataong iyon asy kasama rin niya sa nasabing pwlikula.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, sinabi umano ng kanyang source na kaya hinarangan ni Mommy Divine ang pagpapalabas ng guesting ni Sarah Geronimo sa show ni Vice Ganda dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ni Sarah sa ilang mga katanungan ng komedyante.


Ai-Ai Delas Alas recalls 'Not so Good Experience With Mommy Divine


Taong 2006 naman ng makatrabaho ni Ai-Ai Delas Alas si Sarah Geronimo sa seryeng Bituing Walang Ningning kung saan gumanap silang mag-ina.


Sa isang panayam kay Ai-Ai Delas Alas noong 2020, naitanong sa komedyante kung paano si Sarah Geronimo bilang katrabaho, kaya naman hindi na napigil ng aktres na balikan ang experience niya sa ina ni Sarah Geronimo.


Una pang umiwas noon si Ai-Ai Delas Alas na mapag-usapan ang karanasan niya kay Mommy Divine subalit napilit rin sa huli ang aktres.


Pagbabalik tanaw ni Ai-Ai Delas Alas, napagbingtangan umano sila noon na kinuha ang isang t-shirt ni Sarah Geronimo kaya naman pinahalughog ni Mommy Divine ang kanyang van.


Isa pa sa isyung kinasasangkutan noon ni Mommy Divine ay noon inuwi nito ang lahat ng cake na ibinigay kay Sarah para sa birthday celebration nito ASAP.


Kadalasan kasi ng mga cake na ibinibigay sa mga celebrants ng ASAP ay pagsasaluhan ng lahat ng mga staff at mga celebrities na kasama sa programa subalit ni isa ay wala umanong tinira si Mommy Divine.


Marami ang napapatanong kung paano uubusin nina Mommy Divine ang lahat ng  mga cake na iniuwi nito, wala umanong tinira ang ina ng singer maski ang dummy cake na ginawang props ay pinabitbit rin nito sa kanilang bodyguards.


Kung may maituturi mang pinaka-kontrobersyal na ginawa si Mommy Divine ay ito na ang panggugulo niya sa secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 2020.


Sa isang interview noon kay Mommy Divine inamin niyang hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagtawag sa kanya bilang over-protective subalit para sa kanya ay wala siyang pagkakamaling ginawa.


Naging masalimoot ang masaya sanang okasyon sa buhay ni Sarah Geronimo ng biglang dumating sa reception ng kanilang kasal ni Matteo si Mommy Divine, galit na galit umano ito at nagwawala dahil tutol siya sa ginawang pagpapakasal ni Sarah.


Umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu nang magreklamo ang isang bodyguard na umano'y sinuntok ni Matteo subalit napag-alaman sa huli na inutusan lamang ni Mommy Divine.


Ilang taon ding nanahimik si Mommy Divine subalit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala na silang maayos na relasyon ni Sarah Geronimo dahil tinakwil na nito ang anak.


Muling naging laman ng usapin si Mommy Divine nang may mga empleyado na nagreklamo naman sa kanya dahil sa kanyang maliit na pasahod. Bukod pa rito, wala rin umano silang natatanggap na benifits at walang overtime pay.




Megan Young Inakusahan Ng Taga Botswana Tinawag Na Mangkukulam Dahil Sa Ginawa Kay Lesego Chombo!

Walang komento


 Filipina beauty queen na si Megan Young inakusahang mangkukulam at mandaraya matapos ayusin nito ang buhok ng Miss World candidate na si Botswana Lesego Chombo.


Humaharap ngayon sa matinding pambabatikos ang aktres at Miss World 2014 na si Megan Young matapos nitong ayusin ang buhok ng isa sa mga contestant ng Miss World 2024 Botswana Lesego Chombo.


Minasama ng ilang mga Botswanaian netizens ang pagmamagandang loob ni Megan Young para sa kanilang kandidata. Ayon sa ilang mga Botswanian, kinulam umano ni Megan Young ang kanilang candidate upang tanggaling ang confidence nito sa gitna ng kompetisyon.


Marami ang mga nagpaalala kay Megan Young na talagang hindi maganda para sa mga black people ang paghawak sa buhok ng iba.


Gayunpaman naniniwala na si Lesego Chombo na walang basehan ang ibinabatong pambabatikos kay Megan Young ng kanyang mga kababayan at hindi rin umano ito nakakatulong sa pagtanggap niya sa kanyang pagkatalo. 


Iginiit din nito na hindi nakakagaan ng loob ang mga ginagawa nilang pagpapataas sa kanya habang tinatapakan naman ng mga ito ang ibang mga tao kagaya na lamang kina Miss World 2024 Krstyna Pyszkova, at Megan Young.


Samantala sa isang panayam nagbigay ng pahayag si Megan Young patungkol sa mga pambabatikos na natanggap dahil sa ginawa niya sa buhok ni Lesego Chombo.


Ayon kay Megan Young personal siyang humingi ng tawad ng Lesego Chombo sa kanyang nagawa. Nilinaw niya na bagama't wala naman siyang ibang intensyon, bukod sa pagtulong hindi umano niya nakita ang bigger picture at hindi rin umano niya alam na may naapakan na pala siyang kultura,


Dagdag pa ni Megan Young, nagkausap na umano sila ng pribado ni Lesego Chombo kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang nagawa. Humihingi rin siya ng paumanhin sa mga taong naapektuhan sa kanyang maling desisyon.


Iginiit din ni Megan Young na natuto na siya sa pagkakamaling nagawa at hinding-hindi na umano niya uulitin ang kanyang pagkakamali kahit pa wala naman siyang intensyon na i-invade ang private space ng kandidata.


@joelreycarcasona If you observe the moment Miss Botswana was called, you'll notice a few strands of hair on her forehead. (check comment section for reference). Without Megan Young fixing her hair, those strands would be visible throughout her answering the question. Megan Young is simply helping her look more beautiful onstage. Some argue that it's rude and lowers Miss Botswana’s confidence, but it didn't show tbh! Miss Botswana was even fluent and confident in her response. In the end, Megan fixing Miss Botswana's hair shows how beauty queens support each other. They help their sisters shine on stage, and it's all about teamwork and being there for one another, beyond just looking good. 👸🏻 #MissWorld2024 #MeganYoung #fyp #trending ♬ original sound - Joel Rey Carcasona

Angel Locsin Ang Payat at Sobrang Ganda, Social Media Comeback Is Real Na Nga Ba?

Walang komento


 Ikinatuwa ng mga fans ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang pagbabahagi ng social media ng update patungkol sa kanyang buhay makalipas ang ilang mga taon na pananahimik niya sa social media.


Nagbubunyi ngayon ang mga fans ng aktres na si Angel Locsin dahil sa kanyang pag-uupload ng Facebook reels kung saan makikita siyang nagpunta sa clinic ni Dra. Vicky Belo kung saan nagkita rin sila ng social media influencer na si Mimiyuuuh.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang comment section ng nasabing post ay makikitang recently uplaoaded lamang ang nasabing reels noong March 11, 2024.


Makikita sa reels ang malaking pagbabago sa pangangatawan ni Angel Locsin kapansin-pansin umanong lumiit ito kaysa noong huli siyang namataan sa social media at lalong lumutang ang ganda.


Matatandaan na noong August 2022 ang huling pagbabahagi ni Angel Locsin ng larawan at video ng kanyang sarili sa kanyang Instagram account.


Dahil sa biglaang pananahimik ng aktres, naglabasan ang samu't-saring mga haka-haka patungkol rito kabilang na ang isyung nagbubuntis umano ang aktres.


May mga naghinala ring naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Niel Arce kaya pansamantala itong nanahimik upang makapag-move on.


Bukod pa rito, kumalat rin na ang dahilan ng biglaang pagkawala ni Angel Locsin sa social media ay dahil sa kanyang medical condition na nauna na niyang isiniwalat sa publiko.


Subalit ang lahat ng mga espekulasyon na ito ay pinabulaanan ng malalapit na kaibigan ni Angel Locsin kung saan iginiit nilang gusto lamang ni Angel Locsin ng tahimik na pamumuhay.


Samantala. marami ang naghinala na mayroong dahilan ang muling pagpaparamdam ni Angel Locsin sa social media matapos ang ilang taong pananahimik nito.


Marami ang nagsasabing pahiwatig na umano ito na nalalapit na ang pagbabalik showbiz ng kilalang aktres.


Panoorin ang latest video ni Angel Locsin : https://www.facebook.com/reel/779600277424343

Apo Whang-Od Kinuyog Ng Mga Netizens Dahil Sa Panghihip0 Kay Piolo Pascual!

Walang komento


 Biktima ngayon ng cancel culture ang kilalang traditional tattoo artist na si Apo Whang-Od dahil marami ang hindi nagustuhan ang ginawa niya sa aktor na si Piolo Pascual.


Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang National Treasure at Traditional Tattoo Artist na si Apo Whang-Od sa social media dahil sa kanyang ginawang panghihipo sa aktor na si Piolo Pascual nang bumisita ito sa kanya.


Dahil dito, hindi nakaligtas si Apo Whang-Od sa mga mapanghusgang mata ng mga netizens kaya naman biktima ito ngayon ng cancel culture sa social media.


Kamakailan lamang ay personal na nagpunta ang aktor na si Piolo Pascual sa Kalinga, Province kasama ang kanyang kapatid para personal na makita at makapagpa-tattoo sa kilalang si Apo Whang-Od.


Makikita naman sa mga video na napakasaya naman ni Piolo Pascual ng makita na niya sa personal si Apo Whang-Od. Bakas rin naman sa mukha ng matanda ang kanyang kasiyahan sa pagkikita nila ni Piolo Pascual.


Subalit, ikinataas ng kilay ng mga netizens ang ginawa ni Apo Whang-Od na panghihipo sa pribadong parte ng katawan ng aktor dahil pambabastos na umano ang ginawa nito.


Bagama't tila hindi naman nagalit si Piolo Pascual sa ginawa ng matanda marami parin sa mga fans ng aktor ang bumabatikos ngayon sa matanda.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na naging kaugalian na ni Apo Whang-Od na gawin sa mga lalaking bumibisita sa kanya ang ginawa niya kay Piolo Pascual.


May mga nagsasabi pa na sa ibang mga lalaking nagpunta roon ay talagang pinapasok ni Apo Whang-Od ang kamay niya sa shorts ng mga ito kaya naman banayad pa kung tutuusin ang ginawa nito kay Piolo Pascual.


Samantala, iginiit naman ng ilang mga netizens na hindi magandang halimbawa sa lahat ang ginawa ni Apo Whang-Od kay Piolo Pascual at sa lahat ng mga lalaking na kanyang costumer.


@lnuckey #apowhangod #apowhangodthelivinglegend #apowhangodsignaturetattoo⚫⚫⚫ #buscalan #buscalanvillage #buscalantattoo #buscalanventure #piolopascual #piolopascualtattoo #piolopascual_ph #philippines ♬ Kailangan Kita - Piolo Pascual

Jaclyn Jose Nagparamdam Kay Coco Martin Sa Lamay | Coco Martin Naging Emosyonal Sa Pagpaparamdam

Walang komento


 Ang Batang Quiapo actor-director na si Coco Martin labis na natutuwa dahil nagparamdam umano sa kanya ang pumanaw na batikang aktres na si Jaclyn Jose sa lamay nito.


Trending ngayon sa ilang mga social media platform ang actor-director na si Coco Martin, matapos kumalat ang video na nakunan sa nakaraang lamay ng pumanaw na batikang aktres na si Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay.


Kaagad na naging laman ng mga usapan ng mga netizens ang nasabing video kung saan makikitang may isang maitim at magandang butterfly ang lumilipad sa lamay ng batikang aktres na dumapo sa bandang dibdib ng aktor na si Coco Martin.


Makikita rin sa nasabing video, na tila napaka-relax ng butterfly sa dibdib ni Coco Martin at hindi ito lumipad papalayo ng ilang sandali.


Labis naman itong ikinatuwa ni Coco Martin, tinitigan niya ang butterfly at sinabihang 'I love you'. May nagsabi rin kay Coco Martin na tila gusto umano ng paro-paro na nakayakap sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino ang kasabihan na ginagamit umano ng mga namayapang tao ang mga butterfly o anumang mga insekto para makipag-communicate sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay bago sila tuluyang tumawid sa kabilang buhay.


Kaya naman labis na naging emosyunal si Coco Martin dahil nanjniwala siyang kahit papaano ay nagpaalam sa kanya si Jaclyn Jose.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging malapit nina Jaclyn Jose at Coco Martin sa isa't-isa bago pa man marating ni Coco Martin ang kanyang katanyagan. Nagkasama rin sila sa hit teleserye na Ang Batang Quiapo.


Kaya naman sa puno sa pasasalamat ang mga salitang binitawan ni Coco Martin sa eulogy ni Jaclyn Jose. Kung saan ipinahayag ni Coco Martin na kung ano man ang mayroon siya ngayon at ang mga nangyari sa kanyang pamilya ay dahil kay Jaclyn Jose.


Isiniwalat din ni Coco Martin na si Jaclyn Jose umano ang nag-convince sa kanya na pumunta sa ABS-CBN upang subukang makapasok sa industriya.


@zigspotsolo Coco Martin dinapuan ng Paru-paru sa Libing ni Jaclyn Jose.#cocomartin #JaclynJose #viral.#foryou ♬ Mi Corazón Encantado - Aaron Montalvo

Tom Rodriguez Nagtataka Sa Biglang Pagpanaw Ni Jaclyn Jose! Mga Pahayag Ni Tom Na Kinagulat Ng Fans!

Walang komento

Lunes, Marso 11, 2024


 Aminado ang Kapuso aktor na si Tom Rodriguez na labis siyang nalulungkot at nanghihinayang sa biglang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose na itinuturing na rin niya bilang isang ina.


Isiniwalat ng Kapuso aktor na si Tom Rodriguez na si Jaclyn Jose ang huling nakausap niya noon Amerika bago niya isinarado ang kanyang komonikasyon sa lahat, matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Carla Abellano noong 2022.


Ayon kay Tom Rodriguez, ang namayapang batikang aktres ang huling tao na nakausap niya noon bago siya nanahimik sa Amerika at ito na rin ang huling pagkakataon na nakita at nakasama niya ito habang nabubuhay pa.


Inilahad din ni Tom Rodriguez na si Jaclyn Jose ang unang hinanap niya nang makabalik siya sa bansa nito lamang taon at nais umano niya itong makita muli. Subalit dahil sa parehong busy ang kanilang mga schedules ay hindi sila nagkakatagpo hanggang sa tuluyan na ito mamalaam dahil sa atake sa puso.


Sa isang panayam kay Tom Rodriguez noong nagpunta siya sa burol ng namayapang aktres inamin niyang malungkot at nanghihinayang siya dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na magkita muli bago ito mawalan ng buhay.


Ayon pa kay Tom Rodriguez, na isang masayahing tao si Jaclyn Jose at magaan itong katrabaho. Inilalarawan pa ng aktor na walang dull moments kapag kasama niya ito at higit sa lahat ito rin ang tumatayong ina para sa kanilang lahat.


Paglalarawan pa ni Tom Rodriguez kay Jaclyn Jose, sobrang kalog nito, sobrang mapagmahal na talagang umalalay umano sa kanya kaya labis ang pagkabilib niya rito.


Ayon pa kay Tom Rodriguez palaging nagiging mother figure si Jaclyn Jose sa lahat ng mga nakakatrabaho niya dahil itinuturi din sila nito bilang totoong anak.


Hindi umano makapaniwala si Tom Rodriguez na bigla na lamang itong mawawala ng hindi man lamang siya nakapagpaalam rito dahil malusog naman ito at walang iniindang sakit.



Pumanaw si Jaclyn Jose noong umaga ng March 2, 2024 dahil sa atake sa puso. Ipinhayag ito mismo ng kanyang anak na si Andi Eigenmann matapos kumalat ang samu't-saring spekulasyon patungkol sa pagpanaw ng batikang aktres.


Matapos ang pitong araw ng burol ay inilagak ang cremated remains nito sa Garden of the Divine Word Cumpolary sa Quezon, City noong March 10, 2024.



Mommy Divine May Mga Kondisyon Bago Nakipag Ayos Kay Sarah Geronimo!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagkaayos na umano ang mag-inang sina Sarah Geronimo at Divine Geronimo.


Marami ang naghinala na baka tuluyan nang nagkaayos sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo matapos ang ilang taong alitan dahil sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang ina.


Subalit, tila nagkaayos na rin sa wakas ang mag-iina dahil sa kamakailang panayam kay Sarah Geronimo sa pagtanggap niya sa parangal na Global Force Awards ay binati niya ang kanyang ina na si Mommy Divine.


Inihayag ni Sarah Geronimo ang kanyang pasasalamat at pagmamahal kay Mommy Divine bilang kanyang 'Hero'. Pinasalamatan rin niya ito sa lahat ng mga sakripisyong ginawa nito para sa kanya at sa kanilang pamilya.


Bilang married woman, naiintindihan na rin umano niya ang mga pinagdadaanan ng karamihan ng married woman dahil alam na umano niya na talagang hindi madali ang pagkakaroon ng asawa.


Nauna na rito, napag-usapan sa isang episode ng Marites University ang pagkakabati umano nina Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine.


Marami naman ang nasiyahan sa balitang ito dahil ilang taon na ring hindi maayos ang relasyon nilang mag-iina at sa katunayan ay hindi na pinapayagan ni Mommy Divine na magpunta si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli maski sa village na tinitirhan ng mga ito.


Maging ang mga liham ni Sarah Geronimo ay hindi rin sinasagot ng kanyang ina at paligi lamang nilang dinidedma ang mga pagbati ng singer sa mga importanteng mga okasyon.


Tila napatunayan rin naman ni Sarah Geronimo na hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaki dahil hanggang ngayon ay going strong parin ang relasyon nila sa kabila ng hindi nila pagkakaroon ng anak.


Samantala, marami naman ang nasisiyahan sa mga balitang nagkaayos na sina Sarah Geronimo at ina niyang si Mommy Divine.


Subalit, hindi rin naman maiiwasan na may kakalat na balitang may mga kondisyon umano si Mommy Divine sa pagkikipagkasundo nito kay Sarah Geronimo.


Hindi naman isiniwalat ng mga sources kung ano-ano ang kondisyunis ng mga magulang ni Sarah Geronimo subalit marami ang naghinala na may kaugnayan naman ito sa pera na noon paman ay isyu na sa pagitan nila.



Jalosjos, Sinisisi Ang TVJ Sa Pagkalugi Ng TAPE Incorporated

Walang komento


 Sinisisi ng Television and Production Exponent Incorporated ang desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na kilala rin bilang TVJ, iba pang mga dating hosts at staff ng Eat Bulaga sa nararanasang misfortune nila ngayon matapos ang pagkakatigil ng kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa mga kumakalat na balita ngayon, sinisisi umano ng TAPE Inc. ang TVJ sa nangyaring pagkalugi kompanya na naging dahilan upang gawin nila ang napakahirap na desisyon, ang tuluyang itigil ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Naniniwala rin ang mga Jalosjos na wala naman silang ginawang masama sa pag-step in nila sa Eat Bulaga noon dahil ang mga taong naghahandle noon sa nasabing show ay gumagawa ng mga maling desisyon.


Iginiit ng TAPE President at Chief Executive Officer na si Jon-jon Jalosjos, na bago sila pumasok at nakialam sa pamamalakad ng show ay nakita na nila ang mga reports na palaki na ng palaki ang diperensya ng paggastos at ng income, sa makatuwid ay nalulugi na ang show.


Tila nagpahiwatig pa si Jon-jon Jalosjos na tila planado umano ng TVJ at mga kasamahan nito ang pag-alis sa kanilang puder matapos silang ibaon sa malaking pagkakautang.


Sila umano ang humarap sa lahat ng mga problema na iniwan ng mga ito sa GMA7 at sa kanilang show samantalang ang mga ito ay nagsasaya sa pagkakaroon ng panibagong simula sa kanilang panibagong show.


Ginawa naman umano nila ang lahat ng kanilang makakaya para makabangon muli ang Eat Bulaga na ngayon ay Tahanang Pinakamasaya, subalit, tila nahuli na ang lahat dahil lumubo na ang kanilang pagkakautang sa GMA7.


Matatandaan na noong nakaraang taon, naiulat na nagkaroon ng internal issue ang Eat Bulaga matapos ang pagtake over ng mga Jalosjos.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyang umalis ang TVJ sa kanilang puder kasama ang iba pang mga host ng show at mga loyal staffs.


Ayon sa mga kumakalat na ulat, may ilan sa mga mainstay host ng show ang nais palitan ng mga Jalosjos at may mga babaguhin rin sa segment ng show dahil sa paningin ng mga Jalosjos ay boring na ang mga ito.


Hindi ito nagustuhan ng TVJ kaya naman nagpasya silang umalis.


Nakahanap naman kaagad sila ng panibagong tahanan sa TV5 at nakapagsimula ng panibagong show na pansamantalang pinamagatan nilang EAT habang inilalaban pa nila sa korte ang copyright ng Eat Bulaga.


Nang lumabas ang desisyon ng korte kung saan pumanig sa kanila ang desisyon nagamit na nila ang titulong Eat Bulaga habang napilitan naman ang TAPE Inc. na palitan ang kanilang pamagat sa Tahanang Pinakamasaya.



Vice Ganda, Kim Chiu Pinaringgan Si Xian Lim Sa It'S Showtime! Kim Chiu Pinagluto Pa Ng Steak Bago Hiwalayan

Walang komento


 Naging makahulugan muli ang mga banat ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime matapos tila muli nitong paringgan ang ex-boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim.


Sa latest episode ng It's Showtime, nagbigay ng mga saloobin ang mga It's Showtime host na kinabibilangan nina Vice Ganda, Kim Chiu, Jhong Hilario at Vhong Navarro patungkol sa pagtanggap ng pasalubong ng kanilang contestant na lalaki habang ito ay makikipaghiwalay na ito sa babae.


Kaagad naman itong iniugnay ni Vice Ganda kay Kim Chiu base sa mga isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa request ni Xian Lim na ipagluto siya ni Kim Chiu ng paborito nitong steak bago makipaghiwalay.


Ayon kay Vice Ganda sa lalaking contestant, sana hindi na lamang nito kinuha ang regalo ng kanyang nobya dahil makikipag-break na rin naman siya rito. Pabitin pang ipinahayag ni Vice Ganda na katulad rin ito sa nangyari sa kanyang kakilala na pinagluto pa bago.


Habang hindi sinasabi ang buong sentence ay sumulyap naman ang Unkabogable Star kay Kim Chiu na may makahulugang ngiti.


Nagulat naman si Kim Chiu sa sinabi ni Vice Ganda at hindi kaagad naka-imik at nakapagreact sa biglaang pagsingit ni Vice Ganda sa kanyang karanasan.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, isiniwalat nito ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa ginawa ni Xian Lim bago makipaghiwalay kay Kim Chiu.


Ayon kay Ogie Diaz, sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang source na bago hiniwalayan ni Xian Lim si Kim Chiu ay nagrequest muna ang Kapuso actor na ipagluto siya ni Kim Chiu ng paboritong steak.


Habang kumakain ng steak ay dito na sinabi ni Xian Lim na tinatapos na niya ang kanilang relasyon sa loob ng mahigit isang dekada.


Hindi naman ito kinukumpirma ni Ogie Diaz at bukas rin umano siya sa reaksyon at paglilinaw ng dalawang kampo patungkol sa katotohanan ng nasabing isyu.


Subalit, dahil sa birada ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime marami ang naniniwala na may katotohanan ang mga isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol sa nangyari bago ang hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim.

@kapamilyaonlineworld2 Parang ang sarap kumain ng Steak for todays vidyowwww 😂😂 #ItsShowtime #KimChiu #ViceGanda ♬ original sound - Kapamilya Online World

Netizens May Napansin Sa Anak Na Lalake Ni Jacklyn Jose, Nagparamdam?

Walang komento


 Pinili ng mga naulilang pamilya ng batikan at beteranang aktres na si Jaclyn Jose na panatilihing pribado sa mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ang huling gabi ng burol ni Jaclyn Jose hanggang sa paghahatid sa huling hantungan nito.


Samantala, namataan naman sa huling gabi ni Jaclyn Jose si Jake Ejercito na ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.


Inilagak sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Jaclyn Jose isang araw matapos makarating sa bansa sa kanyang anak na si Gwen Garimond Guck na nag-aaral sa Amerika.


Naunang nang naiulat na hindi makakauwi ang bunsong anak ni Jaclyn Jose subalit tila gumawa ito ng paraan para payagan ng paaralan na makauwi siya sa huling araw ng burol ng kanyang ina upang makapagsabi ng kanyang huling paalam.


Nauna nang umuwi sa bansa ang mga kapatid ni Jaclyn Jose na permanenteng naninirahan sa ibang bansa matapos makarating sa kanila ang nakakabigla at nakakalungkot na nangyari sa kanilang kapatid na si Mary Jane Guck.


Samantala, marami ang naghinalang gumagawa umano ng paraan si Andi Eigenmann upang madala niya ang mga labi ng kanyang ina sa Isla ng Siargao kung saan siya permanenteng naninirahan.


Sa kabilang banda, bago pa man pumanaw si Jaclyn Jose may tatlong pelikula pa siya na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan, ito ay ang Pieta, Acetylene Love at Poon.


Plano sanang ilabas sa mga sinehan ang pelikulang Pieta ni na kinabibilangan ni Jaclyn Jose sa darating na Abril 2023 subalit nagkaroon ito ng special screning noong Deceber 2023.


Samantala, hindi pa tapos ang taping ng dalawang pelikula na kinabibilangan ni Jaclyn Jose na Poon at Acetylene Love. Hindi pa rin umano ito nagagawan ng paraan ng director.


Samantala, marami ang napapatanong kung matutuloy pa ba ang pelikulang poon dahil sa pagpanaw ng dalawang cast nito na sina Jaclyn Jose at Ronaldo Valdez.


Matatandaan na pumanaw noong December 2023 si Ronaldo Valdez. 




Buhay Pag-Ibig: Mga Lalaking Minahal Ni Jaclyn Jose!

Walang komento


 Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay noong March 9.


Isang pribadong libing ang naganap kung saan dinaluhan lamang ito ng ilan nilang mga matatalik na kaibigan at mga kapamilya.


Sa kabila nito, patuloy pa ring laman ng mga usap-usapan sa social media ang totoong dahilan ng pagpanaw ng aktres. Bukod pa rito marami rin ang naku-curios sa mga pinagdaanan nito noong nabubuhay pa at ang mga lalaking minahal at naging bahagi ng buhay nito.


Naulila ni Mary Jane Guck ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond. Ang dalawang ito ay anak ni Mary Jane Guck sa dalawang lalaki na dumaan sa kanyang buhay.


Marami sa mga netizens ang naghinala na nagpakasal noon sina Mary Jane Guck na mas kilala bilang si Jaclyn Guck sa ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil, subalit hindi ito nangyari dahil sa pagkakataong ito ay kasal na sa ibang babae.


Hindi naman umano lingid sa kaalaman ni Jaclyn Jose noon ang pagkakaroon ng asawa ni Mark Gil subalit ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang relasyon kung saan nagkaroon sila ng isang anak, si Andi Eigenmann.


Hindi naman nagtagal ang pagsasama noon nina Jaclyn Jose at Mark Gil dahil naghiwalay rin sila nang mapansin ni Jaclyn na nabo-bother na si Mark Gil sa kanya.


Naging maayos naman ang hiwalayan ng dalawa dahil naging bukas pa rin sila sa pagtatrabaho ng magkasama.


Matapos ang hiwalayan nina Mark Gil at Jaclyn Jose, ay muling umibig ang aktres sa isang member ng mga bandang The Dawn at True Faith na kilala noong 90's na si Kenneth Ilagan.


Nagkaroon rin sila ng isang anak na si Gwen Garimond Guck Ilagan.


Hindi rin naman naging malinaw kung nagpakasal ba sila noon subalit marami ang nagsasabi na kailanman ay hindi ikinasal si Jaclyn Jose.




Singer- Aktres Balik Teleserye Sa Abs Cbn!

Walang komento


 Isa ang Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto sa mga dumalo sa naganap na grand media conference ng What's Wrong With Secretary Kim? sa gateway mall ng Araneta Center Quezon City nitong March 9, 2024 araw ng sabado.


Ayon sa naging pahayag ng actress-singer na si Angeline Quinto, labis na niyang namimiss ang pag-arte.


Matatandaan na huling napanood na umaarte si Angeline Quinto noon pang 2012 sa Kahit Kunting Pagtingin ng ABS-CBN kung saan una niyang nakasama sa trabaho si Paulo Avelino.


Matapos ang mahigit isang dekada, muling mapapanood sa isang teleserye si Angeline Quinto na aminadong labis niyang namimiss ang larangan ng pag-arte.


Ipinahayag pa ni Angeline Quinto na labis siyang nasisiyahan nang matanggap ang balita mula sa Dreamscape entertainment na mapapabilang siya sa cast ng What's Your With Secretary Kim? bilang si Sarah Angeles ay labis siyang nasiyahan na parang siya ang napiling gumanap bilang si Secretary Kim.


Isiniwalat din ni Angeline Quinto na malapit sa kanyang puso ang gagampanan niyang karakter sa nasabing kwento. Hindi rin umano siya masyadong nag-udjust sa kanyang role dahil pare-pareho lamang ng katangian sina Sarah Angeles at si Angeline Quinto.


Ang karakter umano ni Sarah Angeles, ay kalog at siyang nagbibigay kasiyahan sa kanyang mga katrabaho sa tuwing nai-stress ang mga ito.


Sa kabilang banda, inamin ni Angeline Quinto na ilang beses rin siyang nakatanggap ng mga alok na gumawa ng mga teleserye mula sa ibang mga TV networks, pinag-isipan naman umano niya ang mga natatanggap na offers.


Subalit, hindi talaga umano niya makayanang iwan ang ABS-CBN na siyang naging tahanan na niya mula nang manalo siya sa Star Power.


Nakatakda nang ilabas ang unang episode ng What's Wrong With Secretary Kim? sa darating na March 18, sa online video streaming app na Viu.


Ang Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim? ay pagbibidahan ng mga kilalang artista sa panahong ito na sina Paulo Avelino at Kim Chiu na una na ring nagsama sa seryeng Linlang na unang ipinalabas sa online video streaming app na PrimeVideo.


Marami ngayon sa mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang nasisiyahan dahil sa wakas ay muli namang makikita sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screen sa iba namang katauhan bilang si Mr. CEO at Secretary Kim.




Ang Pagbabalik‼️It'S Your Lucky Day, Muli Na Nga Bang Mag Babalik Sa Ere?

Walang komento


 Umuugong ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga bali-balitang magbabalik na ang noontime show na pansamantalang pumalit sa It's Showtime noong masuspende ito noong nakaraang taon.


Usap-usapan ngayon ang posibilidad na magbabalik na umano ang noontime show na It's Your Lucky Day na pansamantalang humalili noon sa It's Showtime nang masuspinde ito sa loob ng ilang araw.


Nag-ugat ang mga usaping ito sa isang video na ibinahagi ng host ng si Luis Manzano sa kanyang social media account kung saan makikita na magkakasama silang muli ng mga naging co-host niya sa noontime show na It's Your Lucky Day.


Kabilang sa mga naroon ay sina Robi Domingo, Shaina Magdayao, Melai Cantiveros, Jennica Garcia, Long Mejia, Francine Diaz, Seth Fedelin bukod sa iba pa.


Naging palaisipan rin sa mga netizens ang naging caption ni Luis Manzano sa kanyang nasabing post. Tila ginatungan kasi nito ang curiosity ng mga netizens sa kung ano ang dahilan sa likod ng pagsasama-sama nilang muli.


Maririnig rin sa background ng video na hindi rin nila alam ang dahilan ng pagsasama-sama nila muli sa iisang lugar.


Samantala, marami ang naghinala na baka ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime noong masuspinde, na It's Your Lucky Day ang siyang papalit sa Tahanang Pinakamasaya sa naiwang timeslot nito sa GMA7.


Marami rin ang nagsasabing noon pa man ay inaabangan na nila ang pagbabalik ng It's Your Lucky Day sa telebisyon.


Matatandaan na biglang ginulat ng TAPE Incorporated ang mga netizens nang isiwalat nilang titigil na sa pag-ere ang kanilang produced noontime show na Tahanang Pinakamasaya na noon ay Eat Bulaga ilang buwan matapos itong iwan ng dating mga host.


Naging usap-usapan na ang dahilan ng maaring pagkakatigil ng show ay dahil sa lumalaking utang ng TAPE Inc. sa GMA7 na umabot na sa mahigit 800 milyon peso na nag-umpisa pa noong ang TVJ pa ang pangunahing hosts ng kanilang show.


Sa ngayon ay pansamantalang mapapanood ang ilan sa mga hit Filipino movies sa nabakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya subalit marami ang naghinalang hindi ito magtatagal dahil papalitan na ito ng It's You Lucky Day.

May Pinaboran? Netizens Nagulat Sa Ginawa Ng Abs Cbn!

Walang komento


 Nagsanib pwersa ang mga female young star ng ABS-CBN na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz para sa iisang awitin.


Sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz ang napiling kumanta sa theme song ng Star Magical Prom 2024 na pinamagatang 'Believing in Magic'.


Bongga ang naging collaboration ng mga nasabing female young stars ng Star Magic, kaagad din itong umani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens. Dahil dito, kaagad itong nagtrending sa iba't-ibang mga social media platforms.


Sa kabila naman ng mga papuring natatanggap ng tatlo, marami rin ang hindi naiwasang pagkumparahin ang tatlo sa kung sino ang may pinakamagandang boses. 


Marami sa mga fans nina Francine Diaz at Alexa Ilacad dahil kay Belle Mariano napunta ang end ng title lyrics nito sa YouTube.


Samantala, kaagad namang dumipensa ang mga fans ni Belle Mariano kung saan iginiit nilang deserve naman ng aktres na sa kanya nararapat na mapunta ang end ng song dahil sa malaking kontribusyon niya sa ABS-CBN kung ikukumpara kina Alexa Ilacad at Francine Diaz.



Iginiit pa ng ilang mga fans ni Belle Mariano ang ilan sa mga hit projects na ginawa ng aktres kagaya na lamang ng He's Into Her, Top song, sold out concerts, hit series na Can't Buy Me Love. 


Bukod pa rito, si Belle Mariano rin ang hinirang bilang prom queen noong nakaraang taon habang ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan ang tinaguriang Prom King.


May mga fans naman ni Francine Diaz ang bumwelta na nauna naman umanong sumikat at nakilala ang aktres sa teleseryeng Kadenang Ginto noon.


Samantala, iginiit naman ng mga fans na si Alexa Ilacad na bagama't wala pang napapatunayan ang aktres sa larangan ng pag-arte, ito naman umano ang mayroong pinakamagandang boses sa pagitan ng  tatlo kaya dapat sa kanyang napupunta ang magagandang parte ng song.


Ipinahayag rin ng ibang mga fans na ang tinig naman ni Alexa Ilacad ang siyang nangingibabaw sa kanta. May mga nagsasabi pa na mas bongga umanong magpakilig ang KDLex loveteam o ang tambalan nina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Sa kabila naman ng mga pagtatalo ng ilang mga fans, marami parin ang nasisiyahan at natutuwa sa collaboration ng tatlo dahil ipinapahiwatig na umano ng ABS-CBN kung sino-sino ang magiging future ng network na susunod sa mga yapak noon ng tambalang KathNiel, JaDine, at LizQuen.




Batikang Aktres Jaclyn Jose Dinala Na Sa Huling Hantungan! Bumuhos Ang Luha Sa Libing Ng Aktres!

Walang komento


 Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name na si Jaclyn Jose nitong March 10, 2024.


Inilagak ang cremated remains ni Jaclyn Jose sa kanyang huling hatungan nitong March 10, 2024 sa Garden of the Divine Work Columbary na matatagpuan sa E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City.


Naging pribado ang paglalagak kay Jaclyn Jose sa kanyang huling hantungan dahil tanging mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang ang pinayagang makasaksi sa nasabing event.


Subalit, magiging madali lamang ang pananatili ng mga remains roon ng batikang aktres dahil aasikasuhin ni Andi Eigenmann ang mga kinakailangang papeles para madala ang cremated remains ng ina sa Isla ng Siargao.


Matatandaan na nagulat ang maraming mga netizens na lumabas ang balitang pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa loob ng kanyang sariling tahanan.


Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari dahil hindi naman ito napabalitang nagkaroon ng malalang sakit. Kasunod nito marami ang lumabas na mga haka-haka na umano'y nahulog sa hagdan si Jaclyn Jose dahil mag-isa lamang ito sa panahong iyon walang nakatulong rito.


Ayon pa sa mga usap-usapan, tanghali na ng March 3, 2024 nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Jaclyn Jose sa kanyang pamamahay matapos puntahan ito ng isang tao na nakapansin na hindi na ito sumasagot sa mga tawag at text.


Inakala pa ng marami na sa araw ring iyon binawian ng buhay si Jaclyn Jose subalit ayon sa pag-iimbestiga ng mga otoridad napag-alamang noon pang umaga ng March 2, namapayapa ang aktres.


Nilinaw rin kaagad ng anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann na hindi pagkahulog sa hagdan ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina kundi dahil inatake ito sa puso.


Kasunod ng malungkot na balitang ito, nagbigay ng paalala ang bateranang aktres na si Lolit Solis sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kasama sa bahay. Ayon kay Lolit Solis kung sakaling may kasama lamang umano noon ang aktres sa kanyang bahay ay maaring mailigtas pa ito at madugtungan pa ang buhay.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo