Netizens May Napansin Sa Anak Na Lalake Ni Jacklyn Jose, Nagparamdam?

Lunes, Marso 11, 2024

/ by Lovely


 Pinili ng mga naulilang pamilya ng batikan at beteranang aktres na si Jaclyn Jose na panatilihing pribado sa mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ang huling gabi ng burol ni Jaclyn Jose hanggang sa paghahatid sa huling hantungan nito.


Samantala, namataan naman sa huling gabi ni Jaclyn Jose si Jake Ejercito na ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.


Inilagak sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Jaclyn Jose isang araw matapos makarating sa bansa sa kanyang anak na si Gwen Garimond Guck na nag-aaral sa Amerika.


Naunang nang naiulat na hindi makakauwi ang bunsong anak ni Jaclyn Jose subalit tila gumawa ito ng paraan para payagan ng paaralan na makauwi siya sa huling araw ng burol ng kanyang ina upang makapagsabi ng kanyang huling paalam.


Nauna nang umuwi sa bansa ang mga kapatid ni Jaclyn Jose na permanenteng naninirahan sa ibang bansa matapos makarating sa kanila ang nakakabigla at nakakalungkot na nangyari sa kanilang kapatid na si Mary Jane Guck.


Samantala, marami ang naghinalang gumagawa umano ng paraan si Andi Eigenmann upang madala niya ang mga labi ng kanyang ina sa Isla ng Siargao kung saan siya permanenteng naninirahan.


Sa kabilang banda, bago pa man pumanaw si Jaclyn Jose may tatlong pelikula pa siya na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan, ito ay ang Pieta, Acetylene Love at Poon.


Plano sanang ilabas sa mga sinehan ang pelikulang Pieta ni na kinabibilangan ni Jaclyn Jose sa darating na Abril 2023 subalit nagkaroon ito ng special screning noong Deceber 2023.


Samantala, hindi pa tapos ang taping ng dalawang pelikula na kinabibilangan ni Jaclyn Jose na Poon at Acetylene Love. Hindi pa rin umano ito nagagawan ng paraan ng director.


Samantala, marami ang napapatanong kung matutuloy pa ba ang pelikulang poon dahil sa pagpanaw ng dalawang cast nito na sina Jaclyn Jose at Ronaldo Valdez.


Matatandaan na pumanaw noong December 2023 si Ronaldo Valdez. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo