Megan Young Inakusahan Ng Taga Botswana Tinawag Na Mangkukulam Dahil Sa Ginawa Kay Lesego Chombo!

Martes, Marso 12, 2024

/ by Lovely


 Filipina beauty queen na si Megan Young inakusahang mangkukulam at mandaraya matapos ayusin nito ang buhok ng Miss World candidate na si Botswana Lesego Chombo.


Humaharap ngayon sa matinding pambabatikos ang aktres at Miss World 2014 na si Megan Young matapos nitong ayusin ang buhok ng isa sa mga contestant ng Miss World 2024 Botswana Lesego Chombo.


Minasama ng ilang mga Botswanaian netizens ang pagmamagandang loob ni Megan Young para sa kanilang kandidata. Ayon sa ilang mga Botswanian, kinulam umano ni Megan Young ang kanilang candidate upang tanggaling ang confidence nito sa gitna ng kompetisyon.


Marami ang mga nagpaalala kay Megan Young na talagang hindi maganda para sa mga black people ang paghawak sa buhok ng iba.


Gayunpaman naniniwala na si Lesego Chombo na walang basehan ang ibinabatong pambabatikos kay Megan Young ng kanyang mga kababayan at hindi rin umano ito nakakatulong sa pagtanggap niya sa kanyang pagkatalo. 


Iginiit din nito na hindi nakakagaan ng loob ang mga ginagawa nilang pagpapataas sa kanya habang tinatapakan naman ng mga ito ang ibang mga tao kagaya na lamang kina Miss World 2024 Krstyna Pyszkova, at Megan Young.


Samantala sa isang panayam nagbigay ng pahayag si Megan Young patungkol sa mga pambabatikos na natanggap dahil sa ginawa niya sa buhok ni Lesego Chombo.


Ayon kay Megan Young personal siyang humingi ng tawad ng Lesego Chombo sa kanyang nagawa. Nilinaw niya na bagama't wala naman siyang ibang intensyon, bukod sa pagtulong hindi umano niya nakita ang bigger picture at hindi rin umano niya alam na may naapakan na pala siyang kultura,


Dagdag pa ni Megan Young, nagkausap na umano sila ng pribado ni Lesego Chombo kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang nagawa. Humihingi rin siya ng paumanhin sa mga taong naapektuhan sa kanyang maling desisyon.


Iginiit din ni Megan Young na natuto na siya sa pagkakamaling nagawa at hinding-hindi na umano niya uulitin ang kanyang pagkakamali kahit pa wala naman siyang intensyon na i-invade ang private space ng kandidata.


@joelreycarcasona If you observe the moment Miss Botswana was called, you'll notice a few strands of hair on her forehead. (check comment section for reference). Without Megan Young fixing her hair, those strands would be visible throughout her answering the question. Megan Young is simply helping her look more beautiful onstage. Some argue that it's rude and lowers Miss Botswana’s confidence, but it didn't show tbh! Miss Botswana was even fluent and confident in her response. In the end, Megan fixing Miss Botswana's hair shows how beauty queens support each other. They help their sisters shine on stage, and it's all about teamwork and being there for one another, beyond just looking good. 👸🏻 #MissWorld2024 #MeganYoung #fyp #trending ♬ original sound - Joel Rey Carcasona

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo