Buhay Pag-Ibig: Mga Lalaking Minahal Ni Jaclyn Jose!

Lunes, Marso 11, 2024

/ by Lovely


 Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay noong March 9.


Isang pribadong libing ang naganap kung saan dinaluhan lamang ito ng ilan nilang mga matatalik na kaibigan at mga kapamilya.


Sa kabila nito, patuloy pa ring laman ng mga usap-usapan sa social media ang totoong dahilan ng pagpanaw ng aktres. Bukod pa rito marami rin ang naku-curios sa mga pinagdaanan nito noong nabubuhay pa at ang mga lalaking minahal at naging bahagi ng buhay nito.


Naulila ni Mary Jane Guck ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond. Ang dalawang ito ay anak ni Mary Jane Guck sa dalawang lalaki na dumaan sa kanyang buhay.


Marami sa mga netizens ang naghinala na nagpakasal noon sina Mary Jane Guck na mas kilala bilang si Jaclyn Guck sa ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil, subalit hindi ito nangyari dahil sa pagkakataong ito ay kasal na sa ibang babae.


Hindi naman umano lingid sa kaalaman ni Jaclyn Jose noon ang pagkakaroon ng asawa ni Mark Gil subalit ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang relasyon kung saan nagkaroon sila ng isang anak, si Andi Eigenmann.


Hindi naman nagtagal ang pagsasama noon nina Jaclyn Jose at Mark Gil dahil naghiwalay rin sila nang mapansin ni Jaclyn na nabo-bother na si Mark Gil sa kanya.


Naging maayos naman ang hiwalayan ng dalawa dahil naging bukas pa rin sila sa pagtatrabaho ng magkasama.


Matapos ang hiwalayan nina Mark Gil at Jaclyn Jose, ay muling umibig ang aktres sa isang member ng mga bandang The Dawn at True Faith na kilala noong 90's na si Kenneth Ilagan.


Nagkaroon rin sila ng isang anak na si Gwen Garimond Guck Ilagan.


Hindi rin naman naging malinaw kung nagpakasal ba sila noon subalit marami ang nagsasabi na kailanman ay hindi ikinasal si Jaclyn Jose.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo