Kathryn Bernardo Inunfollow Si Andrea Brilliantes Sa Instagram

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 17, 2023


 Lalong umingay ang isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes nang mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na ngayon si Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes sa Instagram.


Napansin ng mga netizens na in-unfollow na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang kapwa niya Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa gitna ng mga tsismis na lihim na nakipagkita ang huli kay Daniel Padilla.


Agad na napansin na hindi na kasama si Andrea Brillantes sa fllowing list ni Kathryn sa Instagram, dahil dito, muling napag-usapan ng mga netizens ang haka-haka na may basehan ang impormasyong ibinunyag ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz.


Matatandaan na naisiwalat noon ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na Showbiz Updates ang nakarating sa kanyang chismis na matagal nang naghiwalay ang KathNiel.


Gayunpaman, nilinaw naman noon ni Ogie Diaz na hindi pa kumpirmado ang nasabing balita. Hiniling pa niya noon sa dalawa na magsalita na hinggil sa nasabing isyu.


Hindi ito nagustuhan ng mga netizens at mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sinisiraan umano ni Ogie Diaz ang longtime celebrity couple.


Subalit, muling uminit ngayon ang isyung tila may katuturan talaga ang naiulat ni Ogie Diaz at nang iba pang mga kolumnista hinggil sa kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes dahil sa pag-unfollow ni Kathryn sa dalaga.


Gayunpaman, nanatiling naka-follow sa isa't-isa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 


Samantala, narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


“Kathryn unfollow na ang sino deserve ma unfollow, cut those people who make fun at your back, those people who tolerate that guy wrong doing. You’re peace of mind and soul is all we wanted as your fan.” 


“Stop invalidating Kathryn’s feelings. She can follow/unfollow, block, and mute anyone. For heaven’s sake, she’s not a robot!!!! Free Kathryn from these manipulative/delusional fans!!! She deserves love and only love!!!” 


“HA HA HA KATHRYN BERNARDO UNFOLLOWED ANDREA BRILLANTES IS THE STRONG EVIDENCE OF THE AFFAIR. NOTE THAT KATHRYN BERNARDO ALSO UNFOLLOWED JASMINE CURTIS WHEN IT HAPPENED. KATHRYN SHOULD ALSO UNFOLLOW DANIEL PADILLA, HER CHEATER EX-BOYFRIEND, HINDI LANG DAPAT SI ANDREA.”


"Ilang beses na pinatawad ni Kathryn si DJ. She has been holding the relationship for so long kahit ginagawa na siyang tanga. Things happened for reason hindi sila sa isat isa. Masakit yan dahil first bf and first love. She deserve a better. She worth so much more. Sana ma realize niya yan."


"Hay ano ba yan ..lumalabas na talaga kong anong dugo ang nananalaytay kay dj..pinaghalong Ford at Padilla wala na ...basta ako love ko c Kath"


Sa kabilang banda, hindi naman nagbibigay ng pahayag si Andrea Brillantes at maging si Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing isyu.




Detalye Ng Pamamaalam Ni Kim Chiu Sa Character Na Si Juliana Lualhati

Walang komento


 Trending at naging usap-usapan sa iba't-ibang social media platforms ang pagtatapos ng hit Prime video series na Linlang na pinagbibidahan ni Kim Chiu.


Nagbigay ng samu't-saring emosyun sa mga manonood at tagasubaybay ang nasabing serye lalo na ang papel na ginampanan ni Kim Chiu bilang si Juliana Lualhati.


Marami ang nagalit, nainis, nayamot, at napamura sa karakter na ito ni Kim Chiu subalit sa huli ay minamahal na rin ng marami.


May pahabol na tanong ang aktres na si Kim Chiu sa mga tagasubaybay ng hit Prime series na Linlang sa pagpapalabas ng huling episode nito.


“Kamusta naman ang finale? Ganda nung smile ni Juliana oh! pero bawal umutang ah.”


Samantala, ipinahayag naman ni Kim Chiu sa isang social media post ang kanyang pasasalamat sa mga nakasama niya sa trabaho.


Binigyang pugay din ng aktres ang kanyang naging karakter bilang si Juliana Lualhati na kinasusuklaman ng ibang mga manonood. Inamin rin niya na una siyang natakot na gampanan ang ganitong karakter na malayo sa kanyang mga nakasanayan na.


"JULIANA LUALHATI 🖤 a character you love to hate, but love and hate all come down to what matters. Thank you, Juliana. At first, I was really scared to do you, but you showed me that you’ll never know what’s in there if I don’t jump out of my comfort zone."


Nagpapasamalat din si Kim Chiu sa Dreamscape sa tiwalang ibinigay nito sa kanya at sa paniniwalang kakayanin niya ang karakter ni Juliana.


"Thank you, @dreamscapeph sir deo_endrinal for the trust and for giving me this wonderful project."


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga directors na gumabay sa kanya upang maging maayos ang kanyang pagganap sa bawat eksena. Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa mga writers na siyang gumawa ng magagandang karakter sa serye.


 "Thank you to my directors, Direk @direkfmreyes @jojosaguin , for guiding me throughout the series. To our creatives, writers, and everyone behind #Linlang maraming maraming salamat. To my excellent, brilliant co-stars hand down, saludo ako sa inyong lahat. "


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga naging kasama niya sa serye kabilang na sina Paulo Avelino, JM De Guzman, Maricel Soriano, Kaila Estrada, Heaven Peralejo, bukod sa iba pa.


"Thank you for challenging me and for bringing out the best in me. Pag kaeksena ko kayo kinakabahan ako lagi kailangan kumeep up. I am proud to be a part of this stellar casting."


Aminado naman ang aktres na nahihirapan siyang magpaalam sa karakter niyang si Juliana na malayo sa mga nauna niyang ginampanan noon.


"It is hard to say goodbye. But I want to say THANK YOU, thank you JULIANA. It was indeed a rollercoaster ride of emotions."


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga tagasubaybay sa kanilang serye.


"Thank you po sa lahat ng sumuporta, nagabang tuwing Thursday, for making LINLANG part of your week, a barkadahan experience, and family bonding. I love all your comments on social media, memes, and many more. No words can explain how thankful I am to each and every one.  My heart is full! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!! Thursdays will never be the same."


Hindi rin kinalimutan ni Kim Chiu na pasalamatan ang Prime Video Ph na siyang naging dahilan upang mapanood sa buong mundo ang kanyang serye.



Kilalanin Ang Boses Sa Likod Ng ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Walang komento


 May pahabol na pasabog ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa pagtatapos ng taon, patunay na talagang nagbabalik na siya sa showbiz.


Ginulat ni Sarah Geronimo ang kanyang mga fans sa kanyang paglabas sa ABS-CBN Christmas Station ID ngayong taon.


Agad naman itong pinang-usapan ng mga netizens sa social media kung saan ipinahayag nila ang excitement sa pagkanta ni Sarah Geronimo.


Noon pa man ay palaging napapakinggan ang boses ni Sarah Geronimo sa mga Christmas Station ID ng Kapamilya Network, parang kulang ang kanta kapag hindi kasama si Sarah.


May mga nagsasabi pa maituturing Queen of Christmas Station ID ng ABS-CBN si Sarah Geronimo dahil bawat linya niya sa kanta ay tumatatak sa mga manonood.


Sa kabilang banda, may inamin si Sarah Geronimo patungkol sa natanggap na malaking offer mula sa kabilang network. 5X higher na talent fee ang inoffer sa singer para lamang lumipat ito.


Hinala naman ng mga netizens na ang GMA7 ang nag-offer kay Sarah Geronimo dahil napabalita na rin noon ang paglipat ng aktres.


Gayunpaman, nilinaw noon ng GMA7 na hindi lilipat si Sarah subalit, handa umano nila itong tanggapin sakali man.


“Hindi yata, but who wouln’t want to have Sarah right? Sana in the future,” pahayag ng isang Kapuso executive.


Samantala, ipinakita ni Sarah Geronimo ang kanyang loyalty sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pananatili niya sa nasabing network sakabila ng kawalan nito ng prangkisa.


Si Sarah Asher Tuazon Geronimo-Guidicelli ay isang Pilipinong mang-aawit at artista. Tinukoy bilang "Popstar Royalty", kilala siya para sa kanyang musical versatility at performances.


Siya ay nakatanggap ng iba't ibang mga awards, kabilang ang isang Mnet Asian Music Award, isang MTV Europe Music Award, isang Classic Rock Roll of Honor Award at isang World Music Award.


Sumikat si Sarah Geronimo noong 2002 matapos manalo sa talent show sa telebisyon na Star for a Night. Pumirma siya ng kontrata sa pag-record sa Viva Records at inilabas ang kanyang debut album na Popstar: A Dream Come True noong sumunod na taon. 


Kasunod ng tagumpay ng album, inilabas niya ang kanyang pangalawang album na Sweet Sixteen noong 2004. Ang kanyang susunod na dalawang album, Becoming (2006) at Taking Flight (2007) ay minarkahan ang kanyang paglipat patungo sa adulthood. 


Kasama sa kanyang ikalabindalawang studio album, The Great Unknown, na inilabas noong 2015, ang kantang "Tala", na naging viral hit sa pagitan ng 2019 at 2020.




Adaptation Ng Sikat Na K-Drama Na What's Wrong with Secretary Kim Tuloy Na!

Walang komento

Huwebes, Nobyembre 16, 2023


 Tuloy na tuloy ang pagkakaroon ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na What's Wrong with Secretary Kim na magiging collobaration project sa pagitan ng ABS-CBN at ng Video streaming app na VIU.


Isa sa mga napupusuan na gumanap para sa lead role ng nasabing adaptation ay sina Kim Chiu at Jake Ejercito.


Ang Korean drama na What's Wrong with Secretary Kim ay tinangkilik, hindi lamang sa Korea kundi maging sa ibang bansa.


Nakakaaliw naman kasi ng storya nito na umiikot sa relasyon ng mag-boss.


Marami naman ang nagsasabi na bagay kay Kim Chiu ang role bilang Secretary Kim. Subalit, marami ang nag-aalinlangan kay Jake Ejercito dahil ito ang kanyang unang lead role.


Marami rin ang nagsasabi na hindi napapabagay sa personality ni Jake Ejercito ang role, pinili lamang umano ang aktor dahil mukha siyang Koreano.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na bagay rin sa nasabing role bilang boss si Enrique Gil. May mga nananawagan na ibigay na lamang ito sa aktor dahil magiging fresh ang tambalan nila ni Kim Chiu kung sakali man.


Samantala, iniintriga naman ngayon sina Kim Chiu at Paulo     Avelino na umano'y nagkakamabutihan sa gitna ng isyung hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Subalit, hindi naman ito pinapansin ng mag-co stars at nagpo-pokus lamang sa pagpromote sa kanilang teleserye na Linlang.


Proud namang ipinahayag ni Kim Chiu sa kanyang social media account ang pagiging top trending ng kanilang teleserye sa PrimeVideo at pagiging number 1 nito sa buong Pilipinas.


Inaasahan naman ngayon ng mga tagahanga ni Kim Chiu na katulad sa nangyari sa teleseryeng Linlang, magiging maganda rin ang kalalabasan ng Philippine Adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim.




Toni Gonzaga Pinabulaanan Ang Mga Sinabi Ni Eric Fructuoso

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang hindi inaasahang pagsisiwalat ni Eric Fructuso hinggil sa naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga noong parehong nasa GMA7 pa lamang sila.


Naging guest ang actor at dating myembro ng grupong Gwapings na si Eric Fructuoso sa show ng beteranang actress host Carmina Villaroel na  Sarap Di Ba.


Kabilang sa mga naitanong ni Carmina Villaroel ay ang naging usap-usapan noon na isyu sa pagitan nina Toni Gonzaga at Eric Fructuoso.


Hayagang tinanong ni Carmina Villaroel si Eric Fructuoso kung totoong nagkarelasyon ba sila noon ni Toni Gonzaga.


Agad namang inamin ng aktor ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga na kung susumahing ang ligawan period hanggang sa may commitment na ay aabot sa mahigit tatlong taon.


“Parang hindi ko in-expect yun ha. Oo, meron. Siguro rough estimate lahat-lahat, kasama na yung wala lang ‘tsaka yun may commitment siguro mga almost 3 years.”


Nalito naman ang ilang mga netizens dahil noon pa man ay sinasabi na ni Toni Gonzaga na ang kanyang mister ngayon na si Paul Soriano ang una at huling lalaki na dumaan sa kanyang buhay.


Sa kabilang banda, tila pinabulaanan naman ni Toni Gonzaga ang pahayag na ito ni Eric Fructuoso hinggil sa pagkakaroon nila nang commitment, nang ilahad ni Toni Gonzaga na hanggang MU lamang ang naging relasyon nila noong ni Eric Fructuoso.


Tila hindi itinuturing na serious relationship noon ni Toni Gonzaga ang namamagitan sa kanila ni Eric.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na walang masama sakaling totoo mang naging magkarelasyon noon ang dalawa dahil pareho naman silang single sa mga panahong iyon.


Hindi na rin naman bago sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng mga karelasyon bago makita ang totoong minamahal.




Daniel Padilla, Kathryn Bernardo Pinaaamin Ng Fan Sa Kanilang Hiwalayan

Walang komento


 Tila hindi lahat ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay natutuwa sa pananahimik nila sa gitna ng isyu ng kanilang hiwalayan.


Hindi rin naniniwala ang ilan na maayos pa rin ang kanilang relasyon. May ilang fans ngayon ng KathNiel ang nagdududa at nag-aalinlangan na sa relasyon ng dalawa.


May mga naniniwala nang naghiwalay na sila, ito'y sa kabila ng mga videos at larawan kung saan makikita silang sweet sa isa't-isa.


Hinala ng mga fans, na baka ginagawa na lamang nila ito upang hindi mabigla ang kanilang mga tagahanga o kaya naman ay ginagawa na lamang nila ito para sa kanilang loveteam.


“Hoy KathNiel, wag niyong gawing tanga ang mga fans niyo, just come out in the open, sabihin niyong totoo. Hindi niyo lang alam ang panic na ibinigay niyo sa mga fans, sakit ng dibdib. Hindi kayo deserve sa mga loyal at die hard fans niyo. Goofluck na lang, liars!


“ps kung hiwalay na ang KathNiel sana umamin nalang sana sila... para hindi na mag-overthink tayong mga fans nila.”


Tila hindi nakumbinsi ang fan na ito sa mga naglabasang mga larawan at videos kung saan makikitang nagsasayaw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


May mga larawan pa kung saan magkahawak ng kamay ang dalawa at hinahalikan ni Daniel ang kamay ng aktres.


May mga naghinala pa na gumagawa lamang ng ingay ang KathNiel upang mapag-usapan.


Sa kabila nito, ipinagtanggol naman ng ilang mga loyal fans ang KathNiel kung saan ipinahayag nilang hindi na kailangang gumawa ng drama ang magkasintahan dahil mga sikat naman ito sa ngayon.




Michelle Dee Pinabalik Ng Miss Universe Stage Para Sa Isang Special Interview

Walang komento


Matapos ang preliminary competition ng Miss Universe 2023, pinabalik muna si Michelle Dee pabalik sa stage para sa isang special interview.


Nakasama si Michelle Dee sa top 10 finalist ng Voice for Change, kung saan iaanunsyo sa final round ang tatlong Gold Winners.


Pagkatapos ng kamakailang preliminary competion, pinull out sa backstage si Michelle Dee para sa isang interview sa stage.


Hinala naman ng maraming Pinoy pageant fans na isa si Michelle sa mananalo ng Top Gold winner ng The Voicefor Change.


Ang criteria sa Voice for Change ay 50% by voting at 50% naman ang magmumula sa judges.


Si Michelle Daniela Marquez Dee ay isang Filipina actress, model, television presenter, talk show host, at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023. 


Siya ang kamakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition sa El Salvador. Dati nang kinuronahan si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.


Noong 13 Mayo 2023, nanalo si Dee bilang Miss Universe Philippines 2023. Naiuwi rin niya ang mga special awards bilang Miss Aqua Boracay, Miss Pond's, Miss Zion Philippines, at ang best in evening gown award. Mayroong dalawang question-and-answer rounds noong finals. Sa unang round, tinanong si Michelle Dee: “Income inequality is still high in the Philippines. The gap between the rich and the poor remains. How do we close the gap?” 


Sagot naman niya, "I think first, we have to recognize what we have and the privileges that we have such as food, education, and homes. I think the best way to address this is through education because education holds no status quo. 


"Every Filipino child has the right to an education, but not just any education, but quality education. Because I believe if the government can provide this to every Filipino child, we can not only elevate their quality of life, but we can empower them as well."


Narito naman ang ikalawang tanong para kay Michelle Dee at ang kanyang isinagot: "The Department of Tourism has adopted a new branding campaign: 'We Give the World Our Best.' For you, what is the best that we could offer to the rest of the world? Why do you consider it so?"


"The Philippines is home to very beautiful natural resources, from the beaches to the mountains, but I firmly believe that the best natural resource that the Philippines has is us Filipinos. 


"We are the true heart and soul of the Philippines, with the way we are hospitable, with the warm smiles, and we are the reason the world keeps coming back for more. No matter where the universe takes me, I will always be proud to call the Philippines my home, and no matter what happens, I will always be proud to call myself Pinoy."




Strategy Ni Michelle Dee Sa Closed-Door-Interview | Miss Universe 2023

Walang komento


 Hindi magpapatinag ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee pagdating sa patalinuhan sa on going Miss Universe 2023 competition.


Labis na pinaghahandaan ni Michelle Dee ang mga Question and Answer portions ng nasabing mga patimpalak bago pa man siya nagpunta sa El Salvador.


Sa isang eksklusibong panayam kay Michelle Dee para sa ABS-CBN news, sinabi ni Michelle Dee na ipapakita niya ang kanyang totoong pagkatao sa mga hurado sa close door interview.


“Because I have just been trying to shine as my authentic self. I’m not trying to be somebody else. When I get into tha closed-door interview, I’ll make sure that I shine.”


Dagdag pa niya, “And if you’re not trying to be someone else, it won’t be hard to showcase that personality. And I am just so happy that if I did make shift where it’s not more about the physicality of the woman but more on what’s inside, then that’s amazing.”


“Because all of us have something amazing to offer. I have an amazing story to showcase the world as well. And I’m very excited for that as well.”


Narito ang side ni Michelle Dee na nais niyang makilala ng mga judges ng Miss Universe.


“Well, I am definitely somebody that is multi-faceted, multi-passionate. I will touch on my adrenaline side, my artistic side, business side.”


“But most importantly, if I am pinched for time, I am here with a purpose to be an advocate for the millions of individuals on the autism spectrum.”


“With that, you know, hopefully I get to highlight all of the other facets of my life, how driven, how passionate, how dedicated I am into whatever I set my mind to.”


“And I just hope that, that relates to the judges as well.”


Gayunpaman, tiyak din na pinaghandaan ng iba pang mga kandidata ang kanilang Question and answer portion, evening gowns at national costumes.


Lahat may ipinaglalaban at lahat ay gustong mapansin ng mga judges.


“Well, our tagline this year is, ‘Beautifully Confident.’ Yes, beautifully confident. And I think their theme right now is really to find somebody who’s genuinely authentic, true, and celebrates their own uniqueness.”


“I am somebody that has broken so many standards, so many stereotypes. I’m not ashamed to be myself, even though it doesn’t conform with the norm. And that has worked in my favor.”


Ipinahayag din ni Michelle ang kanyang kaibahan ngayon kaysa sa mga naunang pageants na kanyang sinalihan.


“That is the number one thing that I’ve done differently from the previous two times that i’ve competed in pageantry, where as I really, truly embraced myself.”


“Five years ago, you would not see me wearing this in my first pageant. This is my personality. I’m able to reallly be comfortable and just showcase that. So hopefully that resonates with the judges. Hopefully it works in my favor.”


Mapapanood ang live ng Miss Universe 2023 pageant sa November 19, linggo 9 A.M sa Kapamilya Channel, A2Z, Metro Channel at IwantTFC.




Netizens Dismayado Sa Evening Gown Ni Michelle Dee Sa Miss Universe Preliminary Competition

Walang komento


 Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites ang naganap na Miss Universe 2023 Preliminary Competition.


Marami ang siyang nadismaya sa napiling evening gown ng Miss Universe Philippines organizers para sa ating kandidata na si Michelle Dee.


Hindi nagustuhan ng mga netizens ang simple at walang pasabog na gown ng kandidata. Noon pa man ay inaabangan na ng mga pageant fans ang isusuot na gown ni Michelle Dee at kung gaano umano ito ka elegante.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na dapat talagang paghandaan ang Evening Gowns ng mga kandidata dahil isa ito sa pinaka-importanteng bahagi ng kompetisyon.


Ayon pa sa ilang mga netizens na malayong-malayo ang evening gown ngayon ni Michelle Dee sa mga naisuot noon nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach.


Kapansin-pansin na noong lumabas sa stage ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023, ay hindi ito nakatanggap ng malakas na hiyawan at palakpakan. Hindi katulad nang pagrampa niya suot ang kanyang red swimsuit sa unang bahagi ng competition.


Maging ang ilang mga pinoy na nanonood ng live ay hindi napigilan ang kanilang pagkadismaya dahil sa gown ni Michelle Dee.


Hindi umano umangat ang ganda ni Michelle Dee at tila na outshine pa siya ng ibang mga kandidata.


Samantala, may mga nagtatanggol naman kay Michelle Dee at sa kanyang evening gown ng kulay green. Ayon sa kanila, maayos naman na nadala  ni Michelle Dee ang kanyang gown at maganda naman ang kanyang pagrampa.


"Sana makita ng judges ung details... Sa View far Away kasi nag mukhang plain lang!... Laban paden Pelepens!"


"Lakas ng pambato natin. She's very smart and full of confidence. Her aura and projection is over flowing."


"nagmukhang plain lang ang gown natabunan ang important detail"


Si Michelle Daniela Marquez Dee ay isang Filipina actress, model, television presenter, talk show host, at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023. 


Siya ang kamakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition sa El Salvador. Dati nang kinuronahan si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.


Noong 13 Mayo 2023, nanalo si Dee bilang Miss Universe Philippines 2023. Naiuwi rin niya ang mga special awards bilang Miss Aqua Boracay, Miss Pond's, Miss Zion Philippines, at ang best in evening gown award. Mayroong dalawang question-and-answer rounds noong finals. Sa unang round, tinanong si Michelle Dee: “Income inequality is still high in the Philippines. The gap between the rich and the poor remains. How do we close the gap?” 


Sagot naman niya, "I think first, we have to recognize what we have and the privileges that we have such as food, education, and homes. I think the best way to address this is through education because education holds no status quo. 


"Every Filipino child has the right to an education, but not just any education, but quality education. Because I believe if the government can provide this to every Filipino child, we can not only elevate their quality of life, but we can empower them as well."


Narito naman ang ikalawang tanong para kay Michelle Dee at ang kanyang isinagot: "The Department of Tourism has adopted a new branding campaign: 'We Give the World Our Best.' For you, what is the best that we could offer to the rest of the world? Why do you consider it so?"


"The Philippines is home to very beautiful natural resources, from the beaches to the mountains, but I firmly believe that the best natural resource that the Philippines has is us Filipinos. 


"We are the true heart and soul of the Philippines, with the way we are hospitable, with the warm smiles, and we are the reason the world keeps coming back for more. No matter where the universe takes me, I will always be proud to call the Philippines my home, and no matter what happens, I will always be proud to call myself Pinoy."




Its Showtime May Warning Ulit Sa MTRCB

Walang komento


 Nangangamba ngayon ang mga Madlang Pipol na baka muli na namang masuspinde ang noontime show na It's Showtime matapos ang pagkakamali ni Tiyang Amy.


Kaagad naman na humingi ng paumanhin si Amy Perez sa kanyang pagkabigla kaya nasambit niya ang pangalan ng maselang parte ng mga babae.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, naghaharutan at nagbibiruan sina Tiyang Amy, Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro. Nagulat si Tiyang Amy kaya naman hindi sinasadyang nasambit niya ang maselang parte ng mga babae.


Bakas sa mukha nina Jhong Hilario at Vice Ganda ang pagkagulat sa pagkakasambit ni Tiyang Amy ng bad word.


Kaagad naman na nagpaliwanag si Tiyang Amy sa kanyang pagkakamali.


"Sorry madlang pipol, si Vhong po kasi, ginugulat ako."


Tila sinaway naman ni Vice Ganda si Vhong Navarro at baka muli na naman silang mapahamak.


"Ikaw pahamak ka," pahayag ni Vice Ganda matapos magsorry ni Vhong.


Humirit pa ng biro si Vice Ganda kung saan tinatanong niya ang mga kasamahan sa segment kung nais na naman ba ng mga ito na makapag-Hongkong sila.


Matatandaan na kamakailan lamang ay biglang nagkaroon ng oras ang It's Showtime family nang maipataw sa kanila ng MTRCB ang 12 days airing suspension.


Nasuspinde ang It's Showtime dahil sa pagkakaroon nito ng maraming violations kabilang na ang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa harap ng mga batang host ng naturang show.


Ayon sa MTRCB, nakatanggap sila ng maraming reklamo sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez kung saan ipinunto nilang malaswa umano ang mga gawaing ito.


Sa kabilang banda, umaasa ngayon ang mga madlang pipol na palampasin na lamang ito ng MTRCB at huwag nang palakihin pa dahil hindi naman umano sinasadya ni Tiyang Amy ang kanyang nasabi.


Makikita rin umano na walang intensyon si Tiyang Amy sa kanyang nagawa.


Samantala, narito naman ang komento mula sa ilang mga netizens.


"It's unintentional..give them a break. Tyang Amy is not known for bad mouthing people. She is a very gentle person."


"Di naman sinasadya. Knowing tyang amy. Respetado. You think kaya niyang sabihin yan ng sadya."


"Kahit suspindihin niyo p ulit ang showtime hnd niyo mapabagsak sikat ksi show time kaya nakatutuk mga mata nila. I love its show time hwag nman kayong masilan masyado tao lng yung host ng its show time walang perpektong tao sa mundo kundi c lord lng..tao lng tayo may pagkakamali masyadong masilan.yung iba b walang pagkakamali?"


"Wala sigurong magawang trabaho yang mga empleyado ng MTRCB kundi manood ng Showtime."


"Dapat papalitan na yan c Amy perez sa it's showtime ang boring maghost"




Catherine Camilon Latest Update | Legal Wife Ng Pulis Ibinulgar Ang Baho Ng Asawa

Walang komento


 Umamin na si Police Major Allan De Castro ang pulis na sangkot sa pagkawala ng Miss Grand Philippines contestant na si Catherine Camilon.


Inamin na mismo ni Police Major Allan De Castro na totoong may relasyon sila ni Catherine Camilon. Inamin ito mismo ni Police Major Allan De Castro sa harap ni PNP General Benjamin Acorda Jr. at CIDG Director Romeo Kasamok sa Kampo Krame.


Subalit, nang tanungin si Allan De Castro hinggil sa pagkawala ni Catherine Camilon, nananatiling tikom ang kanyang bibig.


Sinampahan na rin ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention si Allan De Castro kasama ang kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magbantay.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga kapulisan si Catherine Camilon. Nagbigay na rin ng DNA sample ang pamilya ni Catherine Camilon sa Batangas Provincial Police para i-match ito sa mga natagpuan hairstrands at blood sample sa inabandonang pulang CRV.


Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag ang legal wife ni Allan De Castro, matapos ituro na ang kanyang asawa ang pangunahing suspek sa biglaang pagkawala ni Catherine Camilon.


Napag-alaman ng kapatid ni Catherine Camilon na inamin na nito sa legal wife ang kanilang relasyon ng pulis. Nakuha ng kapatid ang impormasyon ito mula sa conversation nina Catherine Camilon at sa isang pang kandidata ng Miss Grand Philippines.


Tila ayaw umano nang pulis na tuluyang masira ang kanyang pamilya. Hindi nito nagustuhan ang pag-amin ni Catherine sa kanyang asawa kaya naman pinagbuhatan niya ito ng kamay.


Noong una ay pinabulaanan ng legal wife ng pulis ang mga allegasyon na ibinabato sa kanyang mister dahil naniniwala umano siya na hindi magagawa ng kanyang asawa ang ganoong bagay.


Pinabulaanan din niya na umamin sa kanya si Catherine Camilon na may relasyon ito sa kanyang asawa.


Subalit, hayagang nasupalpal ito nang mismong si Allan De Castro na ang umamin sa totoong ugnayan nila ng nawawalang beaty queen.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang ina ni Catherine Camilon sa Facebook kung saan sinagot niya ang mga allegasyon ng mga netizens na sinadya nilang itago ang kaugnayan ni Catherine sa pamilyadong pulis.


Igiiniit ng ina ni Catherine Camilon na totoong wala silang alam na may karelasyon ang kanyang anak at hindi umano niya ito pinagtatakpan.


"HINDI HO NAMIN IDINENY IYAN... NAGTANONG KAYO KUNG MAY ALAM KAMI TUNGKOL SA RELASYON NA IYAN... SUMAGOT KAME NA WALA... DAHIL YUN TALAGA... PERO SINABI NAMIN SA INYO NA NALAMAN NAMIN IYAN NUON NA LAMANG SIYA EH HINAHANAP NA NAMIN... YAN ANG TOTOO!!!" 


Si Catherine Camilon ay isang contestant sa Miss Grand Philippines 2023. Pinag-usapan siya sa social media matapos lumabas ang mga ulat na nawala siya noong October 12.




Ogie Diaz, Humingi Ng Sorry Sa KathNiel Fans

Walang komento


 Humingi na ng paumanhin ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa mga KathNiel fans at sa iba pang mga tao na naoffend sa kanyang mga naiulat patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla maging ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes.


Sa latest episode ng kanyang showbiz oriented vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update', napag-usapan ng kanyang mga co-host ang mga taong nasaktan at naoffend sa kanyang naiulat.


"Pero kung meron man kaming mga nasaktan dito, alam mo tao lang din sila. Tao lang din tayo. Kung sa palagay ninyo kami ay naka-offend e humihingi po kami ng sorry.”


“Kasi, Diyos ko, kung si Bily Crawford nga pumunta pang It’s Showtime para mag-sorry.”


Ipinahayag din ni Ogie Diaz na wala naman silang karapatan na magmataas at hindi pakinggan ang mga tao lalo na ang mga naging hinaing ng mga ito laban sa kanilang naiulat.


“Sabi ko nga, we really cannot please everybody,” pahayag ni Ogie Diaz.


Dagdag pa niya, “Kung na-offend man ‘yung iba sa aming mga binabalita rito, sa pangkalahatan po, ha-in general- kami po ay humihingi ng sorry.”


Maging sa mga artistang kabilang sa kanilang mga naging talakayan ay humingi rin ng paumanhin si Ogie Diaz.


“Sa mga artista po, naman na feeling nila na-offend namin sila, sorry po.”


Muli ring nilinaw ni Ogie Diaz na hindi naman nila kinumpirma ang sinabing nakarating sa kanilang ulat patungkol sa naging hiwalayan ng KathNiel at ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes.


“Wala naman kami ritong binalita tapos kinonfirm namin ang isang balita tapos mali pala. May kinorfirm ba kaming balita rito tapos pinanindigan naming tama ang balita? Pero fake news pala?”


Matatandaan na nakatanggap ng samu't-saring pambabatikos si Ogie Diaz mula sa mga netizens nang ipahayag niya sa isang episode ng kanilang vlog ang narinig na balita patungkol sa KathNiel.


Binansagan din siyang Fake News Peddler ng mga KathNiel fans dahil sa pagpapakalat umano niyang naghiwalay na ang kanilang mga idolo.


Ito'y matapos ihayag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang narinig na tsika mula sa ilang mga sources na naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 


Bukod rito, naiulat din ni Ogie Diaz na ilang beses na nagkikita nang palihim sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Gayunpaman, patuloy pa ring nanahimik ngayon ang dalawang panig, KathNiel at Andrea Brillantes, hinggil sa nasabing isyu.


Samantala narito naman ang ilang mga komento ng netizens.


"Keep on doing you work Ogie, keep on making acting reviews on artists whether newbies or veterans, keep on giving  and expressing your opinions on their acting skills. 


"Marami kang napapasaya sa vlog mo pero  syempre may naiinis din , time will tell kung ano talaga ang totoo about break ups, wala na ang matatapang na gaya ni Ricky Lo who are also brave to report it. Si Philbert Dy, inaabangan ko din ang reviews niya, .Don't be discourage on negative comments to give your viewers an exciting chika."


"Napaka down to earth mo mama ogs, tama! Wala ka nman kinonfirm sa mga hiwalayan.. all support to you!!"


"Eto talaga ang hinahangaan ko kay sir Ogie napakababa ng loob nia.kung may nasaktan man siya MADALI SA KANYA MAGSABI NG SORRY."


"Papa Ogie nothing wrong with all your reports. And I do believed in you. Keeo it up and don’t worry about others. I’m always watching you guys from New Zealand. Thanks for making us happy."




Showtime Family Saksi Sa Pinagdadaanan Ngayon Ni Kim Chiu

Walang komento


 Idinadaan na lamang ng mga It's Showtime Family ang kanilang pagdamay sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang co-host na si Kim Chiu sa pamamagitan ng mga biro.


Bagama't nilinaw na ni Kim Chiu na maayos naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim, marami ang naghinalang may tampuhan ang mga ito ngayon.


Matatandaan na sa mahabang mensahe ni Xian Lim na inilabas ni Xian Lim sa kanyang Instagram acount hindi niya diretsahnag sinagot ang katanungan ng mga netizen hinggil sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.


Kamakailan lamang sa episode ng It's Showtime ay tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung sino ang tinutukoy nito sa naging komento sa It's Show Down.


"Pag gusto mo maraming paraan, 'pag araw maraming dahilan," saad ni Kim Chiu.


Maging ang kanilang DJ sa show ay tila nakisali na rin sa pang-aasar ng mga host kay Kim Chiu.


Samantala, naiintindihan naman ng mga madlang pipol kung bakit inaasar ng mga ito ngayon si Kim Chiu. Nais lamang ng mga ito na pagaanin ang loob ni Kim Chiu sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon.


Hinala pa ng mga netizens na may alam ang It's Showtime family sa pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu at nang nobyo nitong si Xian Lim.


Samantala, naniniwala naman ngayon ang mga fans ng KimXi na maayos pa rin ng dalawa ang kanilang relasyon. Hindi naman umano tanga ang mga ito na sasayangin na lamang ang kanilang pagmamahal sa loob ng mahabang panahon.




Jason Francisco, Hirap Gumising Ng May Tatlong ‘Melai’

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023


 Bumisita sa kamakailang episode ng Magandang Buhay si Jason Francisco kasama ang dalawang anak nila ni Melai Cantiveros na sina Mela at Stella.


Naging masaya naman ang pagbisita ng mag-aama sa show kung saan isa si Melai sa mga hosts.


Sa nasabing show, nagbigay ng liham ang dalawang bata sa kanilang mga magulang. Matapos basahin ng dalawa ang kanilang mga messages si Jason naman ang nagbigay ng mensahe.


Inamin ni Jason Francisco na wala sa plano niya noon ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Subalit, hindi umano niya lubos maisip na ang kasiyahan na dinala sa kanya ng pagkakaroon ng sariling pamilya.


“Hindi ko akalain na magkakakilala kami nito ni Melai, ni Melisa. So, ayun. Parang siguro binago ng Diyos ‘yung ano ko sa buhay. Na hindi masama kapag meron ng family. Pero talagang hindi ‘yun basta,” saad ni Jason.


Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat sa panginoon dahil binigyan siya nito ng masayang pamilya.


“Kaya nagpapasalamat nga ako’t nagkamayro’n ako ng dalawang anak, kami ng dalawang anak. Parang ‘yung buhay mo mayroon nga ng purpose kumbaga. Tapos parang everyday parang ang sarap gumising ta’s hinahanap mo ‘yung pamilya mo.”


Bigla namang sumingit at napatanong si Melai at nilinaw ang huling pangungusap na binitiwan ni Jason, “Totoo? Masarap gumising sa tatlong Melai?”


Sinegundahan naman ito ng anak nilang si Stella, “Totoo ba?”


Naging totoo naman ang sagot ni Jason Francisco kung saan ipinahayag niyang minsan ay nahihirapan siya dahil sa ingay ng mga ito.


“Mahirap. ‘Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila,” sagot ni Jason.


“Tanong din ho ‘yan ng karamihan. Pero sa akin, challenge na masaya. Pero pagkabiglang tatahimik na sila, mare-realize mo minsan na gusto mong marinig ‘yung kaingayan,” dagdag pa ni Jason.


Inamin naman ni Jason na may mga oras lang talaga na gusto niyang magseryoso. Kaya naman ang ginagawa niya, ay pinagsasabihan niya ang mga ito na baka puwedeng tumigil at tumahimik muna. Minsan ay siya na lang ang lumalayo dahil hindi talaga nagpapapigil ang mga ito.


Matatandaan na sa mga naunang panayam noon kay Jason sinabi niya na si Melai ang pinamaingay na babaeng nakilala niya.




Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Magkasama Sa Gitna Ng Breakup Issue

Walang komento


 Nagbubunyi ngayon ang mga KathNiel fans matapos kumalat sa social media ang mga larawan at videos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magkasama sa gitna ng hiwalayan isyu.


Namataang magkasama ang celebrity couple sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa gitna ng alegasyong naghiwalay na sila. Sa mga kumakalat na video ay makikitang masayang nagsasayaw ang dalawa.


Makikita naman na tila walang awkwardness sa pagitan nilang dalawa at masaya lamang silang nagsasayaw habang nakangiti sa isa't-isa.


Matatandaan na kumalat noon ang balitang naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang hindi na sila namamataang magkasama. Nadawit pa sa isyu ang young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na umano'y palihim na nakikipagkita kay Daniel Padilla.


"ANO NAAA? ASAN NA YUNG MGA TUMATALAK?"


"Happy to see you both my love birds"


"stay strong Haistt thanks God nakita ko n din cla magkasama Makakatulog na ako nang mahimbing"


"I’m so happy to see you both.Oh satisfied nba ang lahat?"



James Reid, Nilinaw Ang Dahilan Nang Pag-Unfollow Nila Ni Issa Pressman

Walang komento


 Nagbahagi ng mga insight ang aktor at singer na si James Reid patungkol sa pinagmumulan ng kanyang happiness.


Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga mabubuting tao na nasa paligid niya at ipinahayag na ang regular meditation na sinimulan pa niya noong 2017 ang nakatutulong upang maging masaya siya roon. 


Ipinahayag din ni James Reid ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng panibagong career opportunities.


Ipinahayag din ni James Reid na isa sa primary source ng kanyang happiness ay walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Issa Pressman.


"Just talking to people, people that you trust. Meditation is something that I do almost every day since like 2017. I’m very happy. Every challenge that’s come up so far has also opened up new opportunities. I’m very happy with how everything is unfolding. Issa Pressman. She’s the majority of that happiness," pahayag ni James Reid.


Nilinaw rin ni James Reid ang dahilan kung bakit lumabas na nag-unfollow sila ni Issa Pressman sa social media. Siniguro naman niya sa kanilang mga tagahanga na maayos ang relasyon nila ni Issa Pressman, sa gitna ng speculation na naghiwalay na sila.


“That's not true. I was actually… do you ever have that thing where suddenly you're unfollowing someone? Then, she told me that if someone blocks you and unblocks you, you won't know. Automatically, you're unfollowing... I tried it," paliwanag ni James Reid.


Dagdag pa niya, “But then, afterwards, we forgot to follow back, so we stayed unfollowed. Then, my team was calling me, 'What happened? What happened?' I said, 'Why?' 'It's all over the news.' I'm like, 'What is? 


"I wondered, how did they know that I went down one follower? I'm impressed at how the fans are really, you know, they stay updated with everything. Everything's been going on really well.”




ABS-CBN May Sagot Sa Pagbabalik Ni Toni Gonzaga?

Walang komento


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang napapabalitang pagbabalik ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN upang maging main host muli sa isang programa.


Bagama't hindi naman binanggit kung anong programa ito, hinala ng mga netizens na ito ay ang Pinoy Big Brother kung saan si Toni Gonzaga ang main host.


Matatandaan na nagresign si Toni Gonzaga sa pagiging host ng nasabing reality show sa kasagsagan ng presidential campaign matapos ihayag ang pagsuporta sa Uni-Team.


Hindi nagustuhan ng mga Kapamilya fans at maging ng Kapamilya artists ang pagsuporta ni Toni Gonzaga sa nasabing partido dahil kabilang sa mga ito ang mga taong hindi pumirma para mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.


Samantala, inihayag naman ng ilang mga netizens ang kanilang pagtutol na bumalik si Toni Gonzaga sa ABS-CBN at sa paghohost nitong muli sa Pinoy Big Brother.


Sa isang Twitter post, ibinahagi ni Robi Domingo ang larawan niya kasama ang panibagong host ng Pinoy Big Brother matapos ang pagreresign ni Toni Gonzaga.


"Wag nyo na yun isama uy. Or baka gusto nyo yong audience na 31M"


"Ok na ang line up na yan! Wag nang ibalik yung langaw!"


"Pag ako may nakitang 👁️👁️ jan sa bahay ni kuya!!! Ay wait... what if gawin syang housemate? Mukhang eggzoiting! Tas vote to evict ng malala mga 31M votes"


"this line up of hosts sapat na pls lng wag na yung traidor na panga hahaha i recommend Karylle or Jolina or Iya  or Jennica if you would add one."


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag si Toni Gonzaga o ang ABS-CBN hinggil sa isyung ito.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo