Adaptation Ng Sikat Na K-Drama Na What's Wrong with Secretary Kim Tuloy Na!

Huwebes, Nobyembre 16, 2023

/ by Lovely


 Tuloy na tuloy ang pagkakaroon ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na What's Wrong with Secretary Kim na magiging collobaration project sa pagitan ng ABS-CBN at ng Video streaming app na VIU.


Isa sa mga napupusuan na gumanap para sa lead role ng nasabing adaptation ay sina Kim Chiu at Jake Ejercito.


Ang Korean drama na What's Wrong with Secretary Kim ay tinangkilik, hindi lamang sa Korea kundi maging sa ibang bansa.


Nakakaaliw naman kasi ng storya nito na umiikot sa relasyon ng mag-boss.


Marami naman ang nagsasabi na bagay kay Kim Chiu ang role bilang Secretary Kim. Subalit, marami ang nag-aalinlangan kay Jake Ejercito dahil ito ang kanyang unang lead role.


Marami rin ang nagsasabi na hindi napapabagay sa personality ni Jake Ejercito ang role, pinili lamang umano ang aktor dahil mukha siyang Koreano.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na bagay rin sa nasabing role bilang boss si Enrique Gil. May mga nananawagan na ibigay na lamang ito sa aktor dahil magiging fresh ang tambalan nila ni Kim Chiu kung sakali man.


Samantala, iniintriga naman ngayon sina Kim Chiu at Paulo     Avelino na umano'y nagkakamabutihan sa gitna ng isyung hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Subalit, hindi naman ito pinapansin ng mag-co stars at nagpo-pokus lamang sa pagpromote sa kanilang teleserye na Linlang.


Proud namang ipinahayag ni Kim Chiu sa kanyang social media account ang pagiging top trending ng kanilang teleserye sa PrimeVideo at pagiging number 1 nito sa buong Pilipinas.


Inaasahan naman ngayon ng mga tagahanga ni Kim Chiu na katulad sa nangyari sa teleseryeng Linlang, magiging maganda rin ang kalalabasan ng Philippine Adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo