Toni Gonzaga Pinabulaanan Ang Mga Sinabi Ni Eric Fructuoso

Huwebes, Nobyembre 16, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang hindi inaasahang pagsisiwalat ni Eric Fructuso hinggil sa naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga noong parehong nasa GMA7 pa lamang sila.


Naging guest ang actor at dating myembro ng grupong Gwapings na si Eric Fructuoso sa show ng beteranang actress host Carmina Villaroel na  Sarap Di Ba.


Kabilang sa mga naitanong ni Carmina Villaroel ay ang naging usap-usapan noon na isyu sa pagitan nina Toni Gonzaga at Eric Fructuoso.


Hayagang tinanong ni Carmina Villaroel si Eric Fructuoso kung totoong nagkarelasyon ba sila noon ni Toni Gonzaga.


Agad namang inamin ng aktor ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga na kung susumahing ang ligawan period hanggang sa may commitment na ay aabot sa mahigit tatlong taon.


“Parang hindi ko in-expect yun ha. Oo, meron. Siguro rough estimate lahat-lahat, kasama na yung wala lang ‘tsaka yun may commitment siguro mga almost 3 years.”


Nalito naman ang ilang mga netizens dahil noon pa man ay sinasabi na ni Toni Gonzaga na ang kanyang mister ngayon na si Paul Soriano ang una at huling lalaki na dumaan sa kanyang buhay.


Sa kabilang banda, tila pinabulaanan naman ni Toni Gonzaga ang pahayag na ito ni Eric Fructuoso hinggil sa pagkakaroon nila nang commitment, nang ilahad ni Toni Gonzaga na hanggang MU lamang ang naging relasyon nila noong ni Eric Fructuoso.


Tila hindi itinuturing na serious relationship noon ni Toni Gonzaga ang namamagitan sa kanila ni Eric.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na walang masama sakaling totoo mang naging magkarelasyon noon ang dalawa dahil pareho naman silang single sa mga panahong iyon.


Hindi na rin naman bago sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng mga karelasyon bago makita ang totoong minamahal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo