Its Showtime May Warning Ulit Sa MTRCB

Huwebes, Nobyembre 16, 2023

/ by Lovely


 Nangangamba ngayon ang mga Madlang Pipol na baka muli na namang masuspinde ang noontime show na It's Showtime matapos ang pagkakamali ni Tiyang Amy.


Kaagad naman na humingi ng paumanhin si Amy Perez sa kanyang pagkabigla kaya nasambit niya ang pangalan ng maselang parte ng mga babae.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, naghaharutan at nagbibiruan sina Tiyang Amy, Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro. Nagulat si Tiyang Amy kaya naman hindi sinasadyang nasambit niya ang maselang parte ng mga babae.


Bakas sa mukha nina Jhong Hilario at Vice Ganda ang pagkagulat sa pagkakasambit ni Tiyang Amy ng bad word.


Kaagad naman na nagpaliwanag si Tiyang Amy sa kanyang pagkakamali.


"Sorry madlang pipol, si Vhong po kasi, ginugulat ako."


Tila sinaway naman ni Vice Ganda si Vhong Navarro at baka muli na naman silang mapahamak.


"Ikaw pahamak ka," pahayag ni Vice Ganda matapos magsorry ni Vhong.


Humirit pa ng biro si Vice Ganda kung saan tinatanong niya ang mga kasamahan sa segment kung nais na naman ba ng mga ito na makapag-Hongkong sila.


Matatandaan na kamakailan lamang ay biglang nagkaroon ng oras ang It's Showtime family nang maipataw sa kanila ng MTRCB ang 12 days airing suspension.


Nasuspinde ang It's Showtime dahil sa pagkakaroon nito ng maraming violations kabilang na ang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa harap ng mga batang host ng naturang show.


Ayon sa MTRCB, nakatanggap sila ng maraming reklamo sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez kung saan ipinunto nilang malaswa umano ang mga gawaing ito.


Sa kabilang banda, umaasa ngayon ang mga madlang pipol na palampasin na lamang ito ng MTRCB at huwag nang palakihin pa dahil hindi naman umano sinasadya ni Tiyang Amy ang kanyang nasabi.


Makikita rin umano na walang intensyon si Tiyang Amy sa kanyang nagawa.


Samantala, narito naman ang komento mula sa ilang mga netizens.


"It's unintentional..give them a break. Tyang Amy is not known for bad mouthing people. She is a very gentle person."


"Di naman sinasadya. Knowing tyang amy. Respetado. You think kaya niyang sabihin yan ng sadya."


"Kahit suspindihin niyo p ulit ang showtime hnd niyo mapabagsak sikat ksi show time kaya nakatutuk mga mata nila. I love its show time hwag nman kayong masilan masyado tao lng yung host ng its show time walang perpektong tao sa mundo kundi c lord lng..tao lng tayo may pagkakamali masyadong masilan.yung iba b walang pagkakamali?"


"Wala sigurong magawang trabaho yang mga empleyado ng MTRCB kundi manood ng Showtime."


"Dapat papalitan na yan c Amy perez sa it's showtime ang boring maghost"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo