Kaibigan Ni Kris Aquino Nagbigay Ng Panibagong Update Hinggil Sa Kasalukuyang Kalagayan Niya Ngayon!

Walang komento

Martes, Oktubre 11, 2022


Patuloy paring lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga sakit. Wala siyang balak na sumuko dahil umaasa pa sa kanya ang kanyang mga anak.

Nagbigay ng panibagong update ang isang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares. Binigyan nito ng linaw ang isang larawan ni Kris na kumakalat ngayon sa social media, na umano'y kasalakuyang kalagayan ng aktres.

Ayon kay Dindo, hindi ito bagong picture ni Kris Aquino sa katunayan ay noong 2019 pa ang larawang ito.

"Dagsa ang messages na nagtatanong tungkol sa picture ni Kris Aquino na ikinatutuwa ng kanyang followers.
Pati ang sister ko sa Dubai, nag-uusisa sa authenticity ng picture.
May updates at may ipinadalang photos sa akin si Kris kamakailan, kaya nang makita ko ang litrato na sinasabing mula raw sa latest post niya, agad kong nasagot na, "not true" (na ito ang latest photo niya).
January 9, 2019 pa po kinunan ang said picture.
Tuloy ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang mga karamdaman. Tulad ng karamihan sa atin, may feeling din siya na may malaking binago sa kalusugan ng mundo ang covid.
Bagamat nahihirapan, may mga bagay pa ring dapat ipagdiwang at ipagpasalamat, ayon na rin sa huling chat namin.
"The loyalty & genuine love of people like you and the prayers, generosity, and kindness of people i’ve never even met- super blessed na 'ko," kuwento niya.
Touched na touched si Kris sa prayers for healing ng kanyang mga kaibigan at followers.
Pinalalakas at pinatatapang siya ng kanyang well-wishers.
"Mahaba pa ang laban- my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School here or UP, UST, or Ateneo Med School," sabi niya.
Muli po, ang mula sa pusong pasasalamat sa prayers for healing."


Resbak Ni Vice Ganda Sa Isang Netizen Na Pumuna Sa Looks Ni Ivana Alawi!

Walang komento

 

Si Vice Ganda na mismo ang sumagot sa mga komento ng mga netizens hinggil sa look ng kanyang co-star na si Ivana Alawi sa isang pelikula. Ipinalabas na ng Star Cinema ang teaser ng pelikula nina Ivana Alawi at Vice Ganda na pinamagatang Partners in Crime sa Direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Samantala sa pagpapalabas ng teaser na ito sa social media, agad na napansin ng ilang mga netizens ang curly hair ni Ivana Alawi. Agad naman itong pinuna ng ilang mga netizens na tila hindi nagustuhan ang hairstyle na ito ni Ivana sa pelikula at sinabing step backwards na naman ang magaganap sa movie. Sakaling may magaganap na make over kay Ivana na magiging straight ang buhok sa huli.

Ayon sa komento ng netizen, "Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok... lorddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap."

Agad naman itong nire-tweet ni Vice at nilagyan ng komento, "Anong mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok niya? Walang mali sa kulot. At ala ring mali kung gusto nyang ipaunat ito. Ang mali ay ang baluktot ang pananaww mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay uyung ang nega nega nega mo!!"



Samantala ayon naman sa isang tweet ng netizen na sana ay walang nakakaoffend na pangyayari sa karakter ni Ivana kung saan pino-portray nito ang role ng isang curly haired morena. Sinuguro naman ni Vice na walang mangyayaring ganoon sa movie.

Lolit Solis Dumating Na Sa Sukdulan Bea Alonzo Pinagbi-Bintangan!

Walang komento


Tila hindi talaga titigil si Lolit Solis sa pambibira kay Bea Alonzo. Sa kanyang Instagram post sinabi niyang may mga nagbabanta umano na sakanya na mag fans at followers ni Bea Alonzo. Ngunit hinuha niya si Bea Alonzo umano mismo ay alam ang mga pagbabantang ginagawa sa kanya.

Ayon pa kay Lolit Solis, kapag may mangyaring masama sa kanya ay walang ibang papaimbestigahan kundi si Bea Alonzo at ang team nito. 

"Consult a lawyer ka nga Salve please. Hangga ngayon naiinggit ako sa mga investment ni Bea Alonzo. Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain. Bongga. Naging sikat naman mga alaga ko, pero talbog sila sa alaga ni Shirley Kuan na mahilig mag consult sa lawyer sabi ni Chuck Gomez. Isa pang gusto ko consult a lawyer iyon nabasa ko na sagot ni Bea Alonzo tungkol sa mga IG at column ko sa PSN at PM. Sabi niya hindi niya nababasa, nakakarating lang sa kanya. So, iyon mga pinarating lang balita sa kanya iyon naging basehan niya para pa cancel tayo nila Gorgy, Salve. Mahilig pala siya makinig sa mga ipinararating sa kanyang balita, now naintindihan ko na bakit siya na ghosting ni Gerald Anderson. Siguro sabi ni Gerald tutal mahilig siya sa mga ipinararating sa kanyang balita, hintayin na lang niya iyon ipararating sa kanya na pinalitan na siya ni Julia Barretto na mas maganda at bata sa kanya. Imagine mo, pinararating lang sa kanya ng team Bea niya, nagawa na niya ipa cancel tayo sa presscon ng Beautederm. Wow, ano kaya pinarating ni Shirley Kuan sa kanya para i cancel niya 3 writers? Bongga, powerful, influential, pero hindi nabenta ang product. Hay naku, pretty face nga, bad ugali naman, consult mo sa lawyer iyan Salve at Gorgy. Patulong kayo kay Shirley Kuan at Bea Alonzo. Master nila iyan. "

Kasunod naman nito, ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang sumunod na Instagram post ang mga komento ng mga fans ni Bea Alonzo na nagbabanta sa kaniya at sinasabihan siya ng masasama. Kagaya na lamang sa libbreng pakape ng mga ito sakaling mawala na siya sa mundo.

Samantala, lalong hindi nagustuhan ng mga fans ni Bea Alonzo ang pandadamay ni Lolit Solis sa nananahimik na si Bea. Wala naman umano itong ebidensya na si Bea Alonzo ang utak ng pambabanta sa kanya. Ipinunto rin ng ilan na may dahilan naman ang mga fans ng aktres na ibash si Manay dahil sa labis nitong panlalait kay Bea Alonzo.



Rosmar Tan Matapang Na Rumesbak Matapos Ang Balitang Idenemanda Sya Ni Miss Glenda!

Walang komento

 

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang CEO ng Brillant Skin na si Miss Glenda Victorio.

Pormal nang nagsampa ng kaso si Miss Glenda sa umano'y paninira sa kanya at pagdamay sa kanyang pamilya ng mga pinagpopost ni Rosmar sa laban kanya. Maging ang kanyang kalusugan ay naapektuhan na rin sa mga ginagawa ni Rosmar sa kanya.

Sa kanyang latest post, ibinahagi ni Miss Glenda ang larawan nila ng kanyang legal team. Matatandaang, isinugod sa hospital si Miss Glenda ilang linggo na ang nakakalipas. Ito'y sa gitna ng umano'y paninira sa kanya ng isa pang CEO na si Rosmar Tan.

Matatandaang, humingi ng tulong si Miss Glenda sa programa ni Sen. Raffy Tulfo matapos ang umano'y labis na paninira ni Rosmar sa kanya at sa pagdamay nito sa kanyang pamilya. Samantala, tila hindi naman nagpatinag si Rosmar sa kabila ng pagsasampa ni Miss Glenda ng kaso laban sa kanya.

Agad na nagpost si Rosmar sa kanyang Facebook account at sinabing, natatawa na lamang siya sa mga tao na nagsasabing dapat ay kabahan na siya dahil sa pagsampa ng kaso ni Miss Glenda laban sa kanya.

Hindi rin inatrasan ang kanyang mga bashers kasunod ng balitang kinasuhan siya ni Miss Glenda. Ayon sa kanya, magsasampa din siya ng kaso sa ilang mga tao na hindi na niya pinangalanan. Sinabi pa ni Ms. Glenda na sana ay kayanin ng lacash ng mga taong ito hanggang sa dulo.

Kasunod naman nito ay sinabi ni Rosmar sa kanyang post na hindi siya natatakot kahit pa ubusan ng cash ang labanan.



Carla Abellana May Bago Ng Mayaman Na Boyfriend?

Walang komento

Lunes, Oktubre 10, 2022


Matapos ang ilang linggong pananahimik ni Carla Abellana sa kanyang social media, usap-usapan ngayon ang umano'y pagkakaroon ng bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

Sa latest episode ng Showbiz vlog nina Cristy Fermin sa Youtube channel nito. Muli nalang napag-usapan ang nangyaring hiwalayan sa pagitan ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kapansin-pansin kasi na umano'y blooming at napakasaya ng mukha ni Carla na tila ay hindi nagdaan mula sa isang hiwalayan.

Matatandaang, naging controversial ang kanilang hiwalayan dahil sa palitan nila ng mga cryptic posts sa social media. Samantala, spotted ng ilang mga netizens si Carla Abellana kasama ang isang mayaman pulitiko. Dahil dito, agad na inisip ng ilang mga netizens na ito ang ipinalit ni Carla kay Tom sa kanyang puso.

Sa kabilang banda, nanatiling tahimik ang kampo ng aktres sa likod ng mga usaping ito.



Kim Chiu at Jake Ejercito Magkasama Sa Meeting Para Sa Isang Project?

Walang komento


May kumakalat ngayong haka-haka sa social media na may nilulutong bagong project ang Dreamscape Entertainment para sa mga Kapamilya Stars na sina Kim Chiu at Jake Ejercito.

Ayon sa isang netizen, nakita niya sina Kim Chiu at Jake Ejercito sa isang meeting kung saan pinag-uusapan ang upcoming project ng mga ito ng magkasama. May inupload pang video ang nasabing netizens kung saan makikita ang dalawang celebrities.



Matatandaang kabilang sina Kim Chiu at Jake Ejercito sa mga artistang nanindigan para sa ABS-CBN noong ipinasara ito. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nababakante sa projects ang dalawa. Si Jake Ejercito ay kabilang sa mga cast ng A Family Affair kung nasaan nakasama niya sina Ivana Alawi, Sam Milby, Gerald Anderson, Jameson Blake at iba pang magagaling na artista. Si Kim Chiu naman ay hindi rin nababakante at palaging may mg aprojects na nakaline up.

Kim Aminadong Nakikipag Habulan Sa Mga Batang Influencers!

Walang komento


Isa si Kim Chiu sa mga artistang may maraming followers sa social media. Ngunit sa kabila nito, aminado ang aktres,TV host na nakakaramdam din siya ng pressure dahil sa mga naglabasang batang influencers sa soscial media.

Ayon kay Kim, humahabol siya sa Youtube, sa Tiktok. Dagdag pa ni Kim, mabilis ang digital era kung saan nakakakuha ka ng views kahit nasa loob ng bahay.

Samantala, maraming mga netizens ang patuloy na inaabangan at sinusubaybayan ang mga kilos ni Kim Chiu. Lalong-lalo na ang kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang naibahagi ni Kim noon sa isang panayam na hindi pa nila napag-uusapan ni Xian ang pagpapakasal. Ngunit, sa kabila naman nito, hindi kinakabahan ang aktres na maagaw sa kanya ang nobyo.

Alam naman ng lahat na sa tagal nang magkarelasyon ng dalawa ay hindi pa naiugnay sa ibang babae si Xian. Kaya naman buo ang tiwala ni Kim na sakanya lamang nagagandahan ang nobyo.



Former Sen. Ping Lacson Nag Reak Sa Pagpirma Ni Pirma Ni PBBM Ng Simcard Registration Act!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon ang pagpirma ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Sim Card Registration Act.

Ang pagpirma na ito ng Pangulo ay umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Isa na sa mga ito ay ang dating senador na si Ping Lacson.

Ayon sa Tweet ng dating senador sinabi niyang, sa pagpirma ni Pres. Bongbong Marcos sa Sim Card Registration Act ay natapos na ang maliligayang araw ng mga criminal, kagaya na lamang ng mga scammers, kidnappers, fakers, cheaters and the likes.

Marami rin sa mga netizens ang nasiyahan sa ginawang pagpirma ng Pangulo sa Sim Card Registration Act at sinabing sana ay noon pa ito ito ginawa dito sa ating bansa.

Samantala, pinangunahan naman nina Sen. Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang ceremonial signing ng enrolled bills sa Sim Registration Act.



Baron Geisler React to His Movie Doll House (Number 1 on Netflix)

Walang komento


 Pelikula ni Baron Geisler at Althea Ruedas na pinamagatang Doll House, number 1 trending sa Netflix.

Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon ang pelikula ng Netflix. Kung saan ang kwento ay umiikot sa isang mag-ama na nagkahiwalay. Marami sa mga nakapanood ng nasabing pelikula ang napaluha at hindi napigilang maging emosyunal.

Labis naman na tuwa ang nadarama ng actor at labis din siyang nagpapasalamat sa mga taong naka-appreciate sa kanyang character.

Ayon sa post ni Baron sa kanyang Facebook update, "We did it Yumi!! Di ka man pumasa sa audition, pumasa naman tayo sa puso ng mga kababayan natin worldwide. Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sainyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang #DOLLHOUSE

To God be the glory, honor and praise!!
We love you at #1 po kayo sa puso namin.
from Tito Clyde and Yumi."


Trending naman ngayon ang ilang mga video ng mga reaction mula sa mga netizens na nakapanood sa pelikulang Doll House.

Matapos Ipakulong! Deniece Cornejo Haharapin Na Si Vhong Navarro!

Walang komento


 Tuloy pa rin ang laban sa korte sa pagitan ng dating modelo na si Deniece Cornejo sa aktor-TV host na si Vhong Navarro.

Sa kabila ng pagbitiw ng legal counsel ni Deniece Cornejo na si Atty. Topacio, tuloy pa rin ang laban ni Deniece. Nakatakda na ang unang paghaharap nina Deniece at Vhong sa korte para sa arraignment sa kaso ng aktor. Nakatutok naman ang lahat sa nakatakdang paghaharap na ito ng dalawa. Lahat ay naghihintay sa magiging susunod na update sa kasong kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro.

Sa kanilang paghaharap bukas, October 11, muling pag-uusapan at isasalaysay ang mga nangyari noong 2014.

Sa kasalukuyan ay nananatiling naka-detained si Vhong Navarro sa NBI Detention Center. Sa ngayon ay hindi pa alam kung kailan lalabas ang katotohanan at kung makakalaya pa bang muli si Vhong Navarro. Hiling na lamang ng lahat na manaig ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang totoong biktima.



Smokey Manaloto Proud Na Ibinalandra Ang Pagiging Ama Sa Edad Na 51!

Walang komento


Very proud daddy si Smokey Manaloto sa kanyang poging anak at the age of 51.

Sa kanyang Instagram, proud niya ibinahagi ang kanyang anak. Kung saan hawak-hawak niya ang kanyang anak na napaka-cute. Makikitang napakasaya ni Smokey sa pagiging ama for the first time.

Caption ni Smokey sa kanyang post, “Smo-Kiko” . Lord… maraming salamat po sa Christmas Gift na binigay niyo po sa akin nung August 4."

Agad namang bumuhos ang mga komento at reaksyon mula sa mga tagahanga niya at sa ilang mga kaibigang celebrities. Napansin din nila ang pagiging super cute at pogi ng anak ni Smokey.

Kapamilya Aktor-Pumisil Ng Ut0ng Ng Kapwa Lalaki?

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media ang isang Kapamilya actor.

May isang larawan na kumakalat ngayon sa social media kung saan makikitang pinisil ni James Reid ang utong ng lalaking kaakbay niya sa isang larawan. Kumakalat ngayon sa social media at umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang larawan nina James Reid at Jeffrey Oh.



Makikita sa nasabing larawan na magkaakbay ang dalawang lalaki. Ngunit ang mas nakakuha sa attention ng mga netizens ay ang isang kamay ni James na nakapisil sa utong ni Jeffrey. Matatandaang noong nakaraang May ay nagtrending sa social media ang paghalik ni James Reid sa isang lalaki.

Ngunit ayon naman sa ilang mga netizens na isang publicity stunt na naman ito ni James para mapag-usapan at magtrending sa social media. Katulad na lamang sa kanilang ginawa ni Kelsey Merritt kamakailan.

Heart Evangelista Binigyang Linaw Ang Isyu Na Sa Paris Na Siya Maninirahan, for Good!

Walang komento


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa mga social media sites ang isyu ng umano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na naghiwalay na ang mag-asawang Heart at Chiz matapos mapansin ng ilang mga netizens na tinanggal ni Heart ang apilyedo ni Chiz sa kanyang Instagram profile. Nakadagdag pa rito ang ilang mga ibinahaging cryptic posts ng aktres ng diumano'y pinagdadaanan niya sa kasalukuyan.

Hindi rin nakatulong ang pagpunta niya sa ibang bansa upang dumalo sa iba't-ibang mga fashion events. Kasalukuyang nasa Paris si Heart at may mga lumalabas na haka-haka na may kinakasama itong Italian boyfriend.

Kaya naman, tila hindi na napigilan ni Heart at sinagot ang ilang mga isyu na ibinabato sa kanya ng mga netizens. Una na rito ang umano'y pamamalagi nito sa Paris. Sa kanyang Instagram kamakailan, ibinunyag ni Heart ang totoong dahilan ng kanyang pagpupunta sa Paris.

Ayon kay Heart, pumupunta siya roon dahil sa trabaho. Nagtatrabaho siya at hindi iyon madali. Gayunpaman, masaya siya sa kanyang ginagawa dahil ito ang kanyang passion. Bagama't inamin niya na bumili siya ng apartment doon ay hindi umano nangangahulugan na mananatili na siya sa Paris for good.



Ruffa Gutierrez at Vina Morales Nag Reak Sa Cryptic Message Ni Sunshine Cruz!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang bali-balitang hiwalayan nina Sunshine Cruz at nobyo nitong si Macky Mathay.

Tila kinumpirma naman ni Sunshine Cruz ang usaping hiwalay na sila ng boyfriend matapos magbahagi ng cryptic post sa kanyang social media account. Ayon sa post ni Sunshine, "Some people are only meant to stay in your heart not in your life."

Nilagyan pa ito ng aktres na caption na, "People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly. For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control. What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on."


Hinuha naman ng mga netizens na ito na ang kumpirmasyon ni Sunshine sa hiwalayan nila ni Macky. Matatandaang nag-unfollow sa isa't-isa sina Macky at Sunshine sa kani-kanilang Instagram account. Ang pag-uunfollow sa isa't-isa ng mga celebrity couples ay isa sa mga signs na nagkakalabuan na ang mga ito o di kaya ay naghiwalay na.

Marami naman sa mga tagahanga ni Sunshine ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon ni Macky. Inakala kasi ng mga ito na si Macky ang magiging forever ni Sunshine matapos anh hiwalayan nila ng asawang si Cesar Montano.

Maging sina Ruffa Gutierrez at Vina Morales ay hindi napigilan na makapagbigay ng komento hinggil sa cryptic post ni Sunshine. Ipinakita nila ang kanilang pagsuporta para sa kanilang kaibigan.

Jake Zyrus Umani Ng Positibong Reaksyon Mula Sa Netizens Matapos Kantahin Ang "At My Worst"

Walang komento

 

Umaani ngayon ng mga papuri ang singer na si Jake Zyrus matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang video ng kanyang pag-awit sa sariling rendention sa kantang At My Worst ng Pink Sweats.

Ayon sa caption ni Jake sa nasabinng video, "personal request from someone, this is for you. ❤️

enjoy my mini cover of @pinksweats ‘ At My Worst."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Karamihan sa mga ito ay mga papuri para sa galing ni Jake Zyrus. Sa kabila ng mga pinaggagawa ni Jake na hindi sinang-ayunan ng karamihan, hindi pa rin maikakaila na napakaganda ng vocals nito.

Hindi man gusto ng iba ang pagbabago ni Jake ay patuloy pa rin nilang hinahangaan ito dahil sa angking galing sa pag-awit.

Lantaran Na!! Totoong May Namamagitan Nina King Badger at Yumi Garcia!

Walang komento


Mainit ngayon na usapin sa social media ang bagong uploaded Tiktok video nina Jon Gutierrez aka King Badger at Tiktoker na si Yumi Garcia.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Yumi Garcia sa controversial na hiwalayan ng mag-asawang King Badger at vlogger na si Jelai Andres. Si Yumi ang itinuturong third party at ang dahilan ng kanilang break-up. Subalit, mariing itinanggi ito ni Yumi at sinabing wala siyang kinalaman kay King Badger.

Hindi naman naniniwala kay Yumi ang mga netizens dahil sa mga ipinakitang ebidensya ni Jelai Andres. Ngunit sa pagdaan ng maraming araw at buwan na tila nanahimik na ang isyung ito. Hanggang nito lamang, napansin ng mga netizens ang Tiktok video nina King Badger at Yumi na nagsasayaw.



Tila sila na mismo ang nagbigay ng patunay na nagsasama na silang dalawa. Spotted na naka-post ang nasabing video sa official Tiktok account ni Yumi Garcia. Subalit makalipas ang ilang minuto ay kaagad na binura ni Yumi ang kanilang video na tila ba ay aksidente lamang na naipost ito.

Gayunpaman, mabilis na nairepost ng ilang mga netizens ang nasabing video at kumalat sa iba't-ibang social media platforms. Kasabay nito ang pagkakaroon ng iba't-ibang komento ng mga netizens ukol rito. Ayon sa isang netizen, bagong-bago ang nasabing video dahil ganito umano ang pangangatawan at hairstyle ni King Badger ngayon.

Matapos ang pagkalat ng nasabing video nag turn off comments si King Badger sa kanyang Facebook account.

Toto and Pia’S Wedding! Naiyak Si Mygz Molino!

Walang komento

Linggo, Oktubre 9, 2022


Naganap na ngayong araw ang pinakahihintay na wedding nina Toto at Pia. Isang napakaganda at simpleng ceremony ang naganap sa kanilang pag-iisang dibdib.

Marami ang nag-aabang sa kasal ng mga ito dahil matagal na rin silang magkarelasyon. Matatandaang nakasama nila sa kanilang journey ng pagmamahalan sina Mygz Molino at ang namayapang si Mahal. Magkahalong saya at lungkot naman ang nararamdaman nina Pia at Toto dahil wala ang isang tao na malaki ang naitulong sa kanilang relasyon.

Ngunit bagama't wala na si Mahal alam umano nila na masaya ito para sa kanila. Palagi rin umano nilanbb ipinagdarasal ito at mananatili sa kanilang puso. Hindi naman napigilan ni Mygz ang mapaluha sa mga mensahe ng dalawa. 



Ogie Diaz May Rebelasyon Hingil Sa Madalas Na Pang Babash Ni Lolit Solis Kay Bea Alonzo!

Walang komento


Napag-usapan sa Youtube Vlog ng talent manager at komunistang si Ogie Diaz ang madalas na panlalait ni Manay Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo.

Matatandaang nagsimula ang lahat ng ipatanggal umano ni Bea Alonzo sa mga invited guest ang pangalan nina Lolit Solis at kasamahan nito sa launching ng bagong endorsement ni Bea. Mula noon ay kung ano-ano na lamang ang mga panlalait ni Manay Loliit kay Bea.

Samantala sa isang vlog nina Ogie Diaz sa kanilang Youtube channel, naitanong kasi ni Mama Loi kung ano ba talaga ang malaking kasalanan na nagawa ni Bea Alonzo kay Lolit Solis kaya hindi nito tinatantanan ang aktres. Sagot naman ni Ogie,hindi talaga kay Bea nagagalit si Lolit Solis kundi sa manager ng aktres. Ayon sa source ni Ogie Diaz ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang nagpatanggal sa pangalan ni Lolit Solis sa mga invited guests.



Paglilinaw pa ni Ogie, walang kinalaman si Bea Alonzo sa pagpapatanggal kay Manay. Ang pagkakatanggal sa pangalan nito ay nasa pagitan lamang nila ng Manager ni Bea na si Shirley.

Dagdag pa ni Ogie, ginagamit lamang umano ni Manay Lolit ang pangalan ni Bea Alonzo sa kanyang mga posts upang agad mapansin ng mga netizens.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo Ibinahagi Ang Pagkanta Sa Kanila Ng Panganay Na Si Yohan!

Walang komento


 Nag-alay ng kanta ang panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan Agoncillo para sa kanilang buong pamilya.

Proud na ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram Stories ang sweet na pagkanta ng kanilang panganay na si Yohan para sa kanila. Napakagaling talaga ni Yohan na kumanta, labis naman natuwa si Juday at na-touch sa ginawang ito ng panganay. Maririnig rin sa background ang pagsasabi ni Juday ng 'go 'nak' to cheer Yohan.



Si Johanna Louise Agoncillo ay ang adopted daughter nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Subalit hindi nila ipinaramdam rito ang pagiging ampon dahil totoong anak ang turing nila kay Yohan. Sa katunayan, naibahagi noon ni Judy Ann na hinango nila sa panganay nilang anak na si Yohan ang mga pangalan ng pangalawa at bunso nila anak.

Palagi rin nilang ipinapaalala kay Yohan na ito ang 'mitsa ng kandila sa kanilang pamilya'.

Sarah Lahbati Nahalikan Si Richard Gutierrez Sa Harap Ng Mga Bisita!

Walang komento


Masayang ipinagdiriwang ngayon ng asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati ang kanya ika-29 na kaarawan.

Kumakalat ngayon ang mga video na kuha mula sa masayang pagdiriwang ni Sarah Lahbati sa kanyang birthday kasama ang kanyang mister na si Richard Gutierrez at ilang malalapit na kaibigan. Simple man ang kanilang celebration, kitang-kita naman sa mukha ni Sarah ang kasiyahan. Nahalikan pa nito ang asawa sa labis na kasiyahan na ikina-tuwa at ikinakilig ng kanyang mga bisita.



Nagkakilala sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa GMA7 at nagkaroon ng interes sa isa't-isa bago pa man sila nagkasama sa isang project. Ngunit noong 2012 kung saan nagkasama sila sa iisang teleserye na Makapiling Ka Muli, lumalim ang kanilang tinginan at nagsimula ang kanilang love story.

Sharon Cuneta May Isa Pang Anak Na Lalaki?

Walang komento


Sharon Cuneta may bagong anak na lalaki mula sa Congo.

Sa Instagram account ni Mega Star Sharon Cuneta ibinahagi niya ang pagkakaroon ng bagong son mula sa Congo na si Gabriel. Ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram ang larawan ni Gabriel kalakip ang caption.

"This is my “son” Gabriel. He and his family escaped from Congo and found their way to Rwanda, after which they miraculously made their way to the United States. They are now settled in Michigan and Gabriel is in Kindergarten! I am so proud of him. Gabriel, remember what I wrote you. Love you, my sweet boy. Mama Sharon."

Samantala, isang video naman ni Gabriel ang ibinahagi ng Prime of my Life na nirepost ni Sharon sa kanyang Instagram account. Makikita sa nasabing video na tinawag nitong mama si Sharon. Kasunod naman nito ang pagkanta ni Gabriel sa favorite song ni Sharon.

Ang Prime of my Life ay ang institusyon na nangangalaga kay Gabriel sa US.


Camp Crame, Maglalabas Ng Cctv Footage Na Kuha Sa Loob Ng Kulungan!

Walang komento


Maglalabas ng actual CCTV footage ang Camp Crame kung saan hinostage ang dating Senador na si Leila De Lima.

Mainit na pinag-uusapan pa rin sa iba't-ibang social media sites ang umano'y pagkaka-hostage ng tatlong preso kay Leila De Lima sa loob ng Detention Center ng Camp Crame. Ayon sa PNP, isang pulis ang nasaksak habang nagrarasyon ng pagkain sa loob ng kulungan.

Naganap ang insidente sa detention facility kung saan nakakulong si Leila De Lima. Kinumpirma naman ni PNP General Rodulfo Asarin. Ayon sa kanya, kritikal ang kondisyon ng nasasaksak na pulis. Hindi naman nito binanggit kung ano ang pangalan ng nasabing pulis.

Ayon din sa kanya, hindi nasaktan si Leila De Lima at kaunti lamang ang tinamong galos. Samantala,, kasalukuyang nirereview ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa loob ng kulungan kung saan namalagi ang dating senador.



Dahil Sa Pagbitiw Ng Abogado Ni Deniece Cornejo! Vhong Navarro Makakalaya Na?

Walang komento


Sa paglabas ng balita ng pagbibitiw ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio, usap-usapang ngayon ng mga netizens na malaki ang posibilidad na makakalaya na si Vhong Navarro.

Matatandaang opisyal na nagbitiw bilang abogado ni Deniece si Atty. Topacio dahil ayaw na umano niyang ma-involved sa mga kasong isinampa ni Deniece laban rito. Nagbigay din ito ng pahayag kung saan sinabi nitong hindi na kaya ng konsensya niya ang maging abogado ni Deniece.

May sinasabi rin ito na may ibang taong nanghihimasok sa proseso ng kaso. Subalit hindi nito sinabi kung saang side ito nagmumula at kung sino ang mga ito.

Samantala, ang balitang ito ay labis na ikinatuwa ng mga supporters ni Vhong Navarro. Malaki rin ang paniniwala nila na makakalaya na ang aktor. Matatandaang hindi pa nagbibigay ng update ang kampo ni Deniece kung sino ang kanilang bagong abogado na hahawak sa mga kasong isinampa niya laban sa aktor.

Komento ng ilang mga tagasuporta ni Vhong Navarro, tila nawalan ng lakas ang kampo ni Deniece sa pagdidiin kay Vhong Navarro matapos ang pagbibitiw ni Atty. Topacio bilang Legal Counsel ni Deniece.



Nadine Lustre Kabogera Na Rumampa Sa BYS Fashion Week 2022!

Walang komento


 Isa ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre sa mga actress na rumampa sa BYS Fashion Week.

Pinabilib at pinahanga ni Nadine Lustre ang mga manonood sa ginanap na BYS Fashion Week sa kanyang iconic walk. Suot ng aktres ang creation ng designer na si Thian Rodriguez. Si Nadine Lustre din ang nagsilbing finale ng nasabing fashion show.

Agad na umani ng papuri ang pagrampa ni Nadine na labis na nagustuhan ng mga netizens.



President Marcos Jr. Naglabas Ng Statement Hinggil Sa Pagkaka H0stage Ni Sen Leila De Lima!

Walang komento


Matapos pumutok ang balitang na-hostage ang dating senador na si Leila De Lima sa Camp Crame, agad naglabas ng statement si President Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa insidenteng ito.

"Following this morning's incidente at Camp Crame, I wwill be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask iff she wishes to be transferred to another detention center."

Agad namang umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing statement ng Pangulo. Ayon sa ilang mga netizens na napakabait at napakaalalanin talaga ni PBBM dahil sa gagawing effort nito sa kabila ng mga maling gawi ni Leila De Lima. Ngunit ang iba naman ay tila hindi nasiyahan sa gagawing ito ng pangulo.

Ayon sa ilang netizens, bakit kailangan pa nitong kausapin si Leila De Lima. Gagawin lamang pa ito ng pangulo dahil malaking tao ito at kung sakaling ordinaryong tao lamang ay pababayaan na lamang.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo