Lolit Solis Dumating Na Sa Sukdulan Bea Alonzo Pinagbi-Bintangan!

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely


Tila hindi talaga titigil si Lolit Solis sa pambibira kay Bea Alonzo. Sa kanyang Instagram post sinabi niyang may mga nagbabanta umano na sakanya na mag fans at followers ni Bea Alonzo. Ngunit hinuha niya si Bea Alonzo umano mismo ay alam ang mga pagbabantang ginagawa sa kanya.

Ayon pa kay Lolit Solis, kapag may mangyaring masama sa kanya ay walang ibang papaimbestigahan kundi si Bea Alonzo at ang team nito. 

"Consult a lawyer ka nga Salve please. Hangga ngayon naiinggit ako sa mga investment ni Bea Alonzo. Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain. Bongga. Naging sikat naman mga alaga ko, pero talbog sila sa alaga ni Shirley Kuan na mahilig mag consult sa lawyer sabi ni Chuck Gomez. Isa pang gusto ko consult a lawyer iyon nabasa ko na sagot ni Bea Alonzo tungkol sa mga IG at column ko sa PSN at PM. Sabi niya hindi niya nababasa, nakakarating lang sa kanya. So, iyon mga pinarating lang balita sa kanya iyon naging basehan niya para pa cancel tayo nila Gorgy, Salve. Mahilig pala siya makinig sa mga ipinararating sa kanyang balita, now naintindihan ko na bakit siya na ghosting ni Gerald Anderson. Siguro sabi ni Gerald tutal mahilig siya sa mga ipinararating sa kanyang balita, hintayin na lang niya iyon ipararating sa kanya na pinalitan na siya ni Julia Barretto na mas maganda at bata sa kanya. Imagine mo, pinararating lang sa kanya ng team Bea niya, nagawa na niya ipa cancel tayo sa presscon ng Beautederm. Wow, ano kaya pinarating ni Shirley Kuan sa kanya para i cancel niya 3 writers? Bongga, powerful, influential, pero hindi nabenta ang product. Hay naku, pretty face nga, bad ugali naman, consult mo sa lawyer iyan Salve at Gorgy. Patulong kayo kay Shirley Kuan at Bea Alonzo. Master nila iyan. "

Kasunod naman nito, ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang sumunod na Instagram post ang mga komento ng mga fans ni Bea Alonzo na nagbabanta sa kaniya at sinasabihan siya ng masasama. Kagaya na lamang sa libbreng pakape ng mga ito sakaling mawala na siya sa mundo.

Samantala, lalong hindi nagustuhan ng mga fans ni Bea Alonzo ang pandadamay ni Lolit Solis sa nananahimik na si Bea. Wala naman umano itong ebidensya na si Bea Alonzo ang utak ng pambabanta sa kanya. Ipinunto rin ng ilan na may dahilan naman ang mga fans ng aktres na ibash si Manay dahil sa labis nitong panlalait kay Bea Alonzo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo