Resbak Ni Vice Ganda Sa Isang Netizen Na Pumuna Sa Looks Ni Ivana Alawi!

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely

 

Si Vice Ganda na mismo ang sumagot sa mga komento ng mga netizens hinggil sa look ng kanyang co-star na si Ivana Alawi sa isang pelikula. Ipinalabas na ng Star Cinema ang teaser ng pelikula nina Ivana Alawi at Vice Ganda na pinamagatang Partners in Crime sa Direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Samantala sa pagpapalabas ng teaser na ito sa social media, agad na napansin ng ilang mga netizens ang curly hair ni Ivana Alawi. Agad naman itong pinuna ng ilang mga netizens na tila hindi nagustuhan ang hairstyle na ito ni Ivana sa pelikula at sinabing step backwards na naman ang magaganap sa movie. Sakaling may magaganap na make over kay Ivana na magiging straight ang buhok sa huli.

Ayon sa komento ng netizen, "Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok... lorddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap."

Agad naman itong nire-tweet ni Vice at nilagyan ng komento, "Anong mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok niya? Walang mali sa kulot. At ala ring mali kung gusto nyang ipaunat ito. Ang mali ay ang baluktot ang pananaww mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay uyung ang nega nega nega mo!!"



Samantala ayon naman sa isang tweet ng netizen na sana ay walang nakakaoffend na pangyayari sa karakter ni Ivana kung saan pino-portray nito ang role ng isang curly haired morena. Sinuguro naman ni Vice na walang mangyayaring ganoon sa movie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo