Dahil Sa Pagbitiw Ng Abogado Ni Deniece Cornejo! Vhong Navarro Makakalaya Na?

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Sa paglabas ng balita ng pagbibitiw ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio, usap-usapang ngayon ng mga netizens na malaki ang posibilidad na makakalaya na si Vhong Navarro.

Matatandaang opisyal na nagbitiw bilang abogado ni Deniece si Atty. Topacio dahil ayaw na umano niyang ma-involved sa mga kasong isinampa ni Deniece laban rito. Nagbigay din ito ng pahayag kung saan sinabi nitong hindi na kaya ng konsensya niya ang maging abogado ni Deniece.

May sinasabi rin ito na may ibang taong nanghihimasok sa proseso ng kaso. Subalit hindi nito sinabi kung saang side ito nagmumula at kung sino ang mga ito.

Samantala, ang balitang ito ay labis na ikinatuwa ng mga supporters ni Vhong Navarro. Malaki rin ang paniniwala nila na makakalaya na ang aktor. Matatandaang hindi pa nagbibigay ng update ang kampo ni Deniece kung sino ang kanilang bagong abogado na hahawak sa mga kasong isinampa niya laban sa aktor.

Komento ng ilang mga tagasuporta ni Vhong Navarro, tila nawalan ng lakas ang kampo ni Deniece sa pagdidiin kay Vhong Navarro matapos ang pagbibitiw ni Atty. Topacio bilang Legal Counsel ni Deniece.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo