Ito Pala Ang Patunay Na Si Leo Martinez Ang Ama Ng Panganay Ni Cherie Gil Na Si Jay Aigenmann

Walang komento

Miyerkules, Agosto 10, 2022

Tila may plano umano ang naulilang pamilya ni Cherie Gil na iuwi ang labi nito sa Pilipinas ngunit hindi pa kumpleto at final ang mga detalye.

Pumanaw ang aktres habang nasa Amerika at nakikipaglaban sa sakit na endometrial cancer sa edad na 59 noong August 5, 2022 bandang alas 5 ng hapon. Kinumpirma ito ng pamilya ng aktres sa pamamagitan ng paglalabas ng official statement tungkol sa nakakalungkot na pangyayari.

Iwinasto ng nasabing statement mula sa pamilya nito ang ilang pagkakamali sa detalye tungkol kay Cherie Gil. Isinilang si Cherie Gil noong June 21, 1963, may ilang mga sites kasi ang naglathala na May 12 , 1963 ang kapanganakan ng aktres.

May ilang netizens naman ang nagsasabing kapangalan lamang ng aktor na si Leo Martinez ang sinasabing ama ng panganay na anak ni Cherie Gil na si Jay Eigenmann. Pilit na iginigiit ng ilan na hindi ang aktor ang ama ni Jay.



Samantala may gaganaping pagpupugay para sa mga alaala ni Cherie Gil ang handog ng Viva Cinema TV channel sa darating na Byernes August, 12. Buong araw nilang ipapalabas ang mga pelikulang ginawa ni Cherie Gil.

Lucy Torres Viral Dahil Sa Kwento Niya Hinggil Sa Mga Ex Ng Kanyang Asawang Si Richard Gomez

Walang komento

Nag viral ang isang video ni Lucy Torres kung saan nagkukwento siya tungkol sa mga ex ng asawang si Richard Gomez. May payo rin ito sa mga dalaga upang makuha nila ang lalaking nais nilang mapangasawa. Napaka-epektibo umano nito dahil siya ang pinakasalan ng lalaking gusto niya.

Sa nasabing ikinuwento ng Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez ang nakaraan nila ni Richard noong kakahiwalay pa lamang nito sa girlfriend na si Sharon Cuneta. Sa panahon umanong iyon, may namamagitan na umano kina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Nakita umano ni Lucy ang pag-iyak ni Sharon kung saan tila ipinapaubaya na si Richard kay Dawn, sabay sabing, ingatan mo siya dahil siya ang pinakamamahal ko'.

Sa panahon umanong iyon, kinabahan si Lucy baka magkatuluyan na sina Richard Gomez at Dawn, at tuluyan na siyang mawalan ng pag-asang matupad ang pinapangarap na happy ending kasama si Richard Gomez.

Dumaan ang ilang taon nananatili pa ring magkasintahan sina Dawn at Richard ayon sa kwento ni Lucy Torres. Ngunit isang araw habang nanonood umano ng TV, nakita ni Lucy si Dawn habang nakasuot ng isang red jumpsuit. Kumakanta umano ito ng The Love I Lost habang tumutulo ang luha. Muling nabuhayan si Lucy Torres na matupad ang kanyang hinihiling ngunit kinakabahan rin siya dahil magkakaroon ng pelikula ang dalawa na magkasama.

May isang eksena sa pelikula kung saan naghahabulan sina Dawn at Richard sa isang bukid. Sabi naman ni Lucy kung gustong manghabol sa bukid ni Richard napakaraming bukid sa Ormoc, bakit hindi na lamang siya ang habulin nito.



Payo naman ni Lucy sa mga dalaga na kapag nagdadasal umano sa Panginoon sa pagkakaroon ng partner dapat specific. Ibinahagi rin ni Lucy Torres Gomez na ang hiniling siya sa Panginoon ay bigyan siya ng asawang responsable kagaya ng kanyang ama ngunit ang nais niya ay kamukha ni Richard Gomez.

Sinapit Ng Bahay Nila Jaya Matapos Ang Sunog, Mga Natirang Gamit Sinalba

Walang komento

Ilang araw matapos ang naganap na sunog sa bahay nila Jaya ay muli nilang binalikan ang kanilang tahanan at tiningnan kung gaano kalaki ang pinsalang iniwan ng nasabing sunog.

Matatandaang nasunog ang kanilang bahay sa araw mismo ng kaarawan ng kanilang anak. Habang masaya silang nagdiriwang, bigla na lamang sumiklab ang apoy. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog downstairs partikular sa kitchen.

Samantala, ayon sa partner ni Jaya, karamihan sa kanilang gamit roon ay bagong bili pa. Sa ibinahaging video makikita na may ilan namang mga gamit na hindi tuluyang natupok ng apoy maaring masalba pa. Kitang-kita naman dito ang iniwang pinsala ng apoy sa kanilang tahanan. Ayon sa kanila, ito na umano ang huling pagkakataon nila na bumalik sa nasunog na bahay. Bagama't hindi pa sila ganoon katagal sa pag-stay sa nasabing tahanan, marami naman na silang mga memories rito.



Dating Kapamilya Wirter Na Si Reign Loleng, Pumanaw Na

Walang komento


 Pumanaw ang dating Kapamilya writer na si Reign Loleng sa edad na 40 years old.

Ayon sa report, nakita ito sa kanyang apartment na nakagapos ang mga kamay at wala nang buhay. Nakilala si Loleng sa kanyang mga likhang teleserye sa ABS-CBN gaya ng Princess and I, Legal Wife, Gun's N Roses at iba pa.

Nasa poder na ito ngayon ng GMA7 kung saan siya ang sumusulat para sa Wish ko Lang at Tadhana. Siya rin ang head writer ng seryeng The Lost Recipes at Lolong.



Detalye Sa Hiwalayan Nila Heart Evangelista at Chiz Escudero

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isyu ng umano'y hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Naging laman ng ilang mga blind items mula sa iba't-ibang entertainment portals ang umano'y naghiwalay ang isang power couple.

Nagsimula ang speculation nang palitan ni Heart ang kanyang pangalan sa Instagram. Tinanggal ni Heart ang kanyang surname at maging ang surname ng asawa. Nakadagdag pa sa mga hinuha ng netizens ang tila cryptic tweet ng aktres na ibinahagi naman noong July 27.

"Lord :("

Mahihinuha sa nasabing tweet ni Heart na tila may malaki itong pinagdadaanan. May nakakapansin din umano na malamig na sa isa't-isa ang dalawa noong dumalo ang mga ito sa SONA ni President Bongbong Marcos at sa GMA Thanksgiving Gala.



Ayon sa naobserbahan ng mga netizens sa kanilang mga photos na tila nawala ang sweetness nila para sa isa't-isa na makikita noon sa kanila. Komento pa ng ilan na tila wala nang spark of happiness na makikita sa kanilang mga mata. Nararamdaman rin umano ng iba na tila ba may distansya na sa pagitan ng dalawa.

Hinuha naman ng iba na baka ang madalas na pagpupunta ni Heart abroad ang naging dahilan ng kanilang pagkakalabuan dahil nawalan na ito ng oras sa kanila at hindi na nito naaasikaso ang asawa.

Samantala, ayon kay Xian Gaza hindi totoong naghiwalay na ang mag-asawa. Mayroon lamang umanong international project si Heart at kinailangan lamang niyang iretain ang kanyang pangalan kung saan kilala siya internationally.

Ito Pala Ang Ginawa Ni Kc Concepcion Para Kay Sharon Cuneta!

Walang komento

Matapos ang ilang buwang hindi pagkikita, muling nakasama ni Sharon Cuneta ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion sa Amerika. Si KC ay anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ibinahagi ni Sharon noong martes, August 9, 2022 na nakahanap siya ng masasandalan sa katauhan ng kanyang anak sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigang si Cherie Gil. Ibinahagi rin ni Sharon ang ilang mga larawan kasama ang anak sa California.

"A little happy during days of grieving.🥰❤️🙏🏻 @kristinaconcepcion," caption ni Sharon sa kanilang mga larawan ni KC.



Nakaramdam umano ang aktres-singer ng kunting kaligayan sa gitna ng kanyang kalungkutan dahil sa pagkawala ni Cherie Gil.

Si Cherie Gil ay namatay noong August 5, 2022 bandang alas singko ng hapon dahil sa sakit na kanser sa edad na 59 taong gulang. Isa si Sharon sa labis na nasaktan sa pagkawala nito. Kaya naman napakalaking tulong ang pakikipaghalubilo niya sa ilang mga kaanak at kaibigan sa Amerika.

Matatandaang, inilahad ni KC kay Sharon noong nagka-usap sila sa Facetime kung kagaano siya ka proud sa ina. Ikinalulungkot din umano ni KC kapag may nababalitaang may mag-inang nagkakagalit at hindi nag-aayos. Kabaliktaran kasi umano ito sa kanila dahil kapag may tampuhan at madali naman silang nagkakaayos.

Verified

Ibang Level Na Talaga Hipon Girl! Nag Courtesy Call Sa Senado!

Walang komento

Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol nagcourtesy call sa senado!

Sa ginawang courtesy call ni Herlene Budol sa senado nakadaupang palad niya ang ilang mga senador. Si Sen. Raffy Tulfo umano ang nag-imbenta kay Herlene sa senado ayon sa post ng Beauty Queen.

"Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo. Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado."



Samantala, ayon naman kay Sen. Raffy Tulfo isang magandang halimbawa si Herlene para magpatuloy sa pagsisikap upang maabot ang pangarap.

"Si Herlene ay nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para magpatuloy sa pagsusumikap at pag-abot ng mga pangarap."

Ibinida naman ni Sen. Pia Cayetano sa kanyang social media account ang larawan nilang dalawa ni Herlene.

Matapos ang pagsali sa Bb. Pilipinas 2022 pageant, pagtutuunang pansin ngayon ni Herlene ang kanyang trabaho sa showbiz, endorsements at mga commitments sa Bb. Pilipinas Organization.

Tuwang-tuwa naman ang mga tagahanga nito dahil ayon pa sa ilan, tila ito ang nanalo dahil napakaraming TV guesting nito kesa sa mga nanalo ng major awards. May netizens naman na pinayuhan si Herlene na manatiling humble dahil isa ito sa nagustuhan ng tao sa kanya.

Sa pagsali at pagkapanalo ni Herlene Budol sa Bb. Pilipinas pageant, pinatunayan niya na hindi masama ang mangarap. Kahit ano pa man ang pangdo-down ng iba sayo at hangga't wala kang natatapakang tao mararating mo rin ang tagumpay.

Janella Salvador Nagsalita Na Sa Kaugnay Ng Hiwalayan Nila Ni Markus Paterson

Walang komento

Martes, Agosto 9, 2022

Matatandaang naging usap-usapan ilang buwan na ang nakalipas ang diumanoy hiwalayan nina Janella Salvador at Markus Paterson. Gayunpaman, tila maayos naman ang kanilang set-up pagdating sa pagiging magulang sa kanilang anak.

Magdadalawang taong gulang pa lamang silang si Baby Jude sa darating na October 2022. Sa isang panayam kay Janella sa isang conference para sa Darna sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi August 8, 2022. Tinanong si Janella kung totoong hiwalay na nga ba sila ni Markus?

Makahulugang sagot ni Janella, "Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami. We're both happy as individuals and our main priority is Jude."

Sunod na tanong para rito ay kung bukas pa ba ang puso niyang magmahal muli at kung gusto niyang non-showbiz guy ang magiging karelasyon. Sa sinagot ni Janella tila mahihinuhang single ito ngayon. Ayon sa aktres, hindi naman siya mapili basta iyong totoong magmamahal sa kanya.



Ibinahagi naman ni Janella ang mga nagbago sa kanya simula ng maging isa siyang ina. Nabago na umano ang priorities niya at lahat ng kanyang ginagawa ay para kay Jude.Mas na-iinspire na rin umano siyang magtrabaho dahil mayroon na siyang anak. Lahat umano ng ginagawa niya ay hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang anak.

Ginagampanan ni Janella ang papel ni Valentina sa Darna TV series. Sa lock in taping para sa serye aminado si Janella na kailangan niyang mag adjust ng ilang bagay para sa trabaho. Nahihirapan umano siya tuwing naka lock in sila dahil hindi niya nakikita si Jude.

Ngayong isa na siyang ina, natutunan umano ni Janella ang maging patient at natuto rin umano siyang maging understanding.

Leni Robredo Nakisawsaw Na Sa Isyu Ng Maid in Malacanang at Katips!

Walang komento

Nakikisawsaw na rin diumano ang dating Vice President na si Leni Robredo sa isyu ng dalawang controversial movies na Maid in Malacanang at Katips.

Ayon pa sa isang balita, kinilig umano ang Katips director na si Vince Tanada sa naging pahayag ni Leni Robredo. Pinuri rin umano ng dating bise presidente ang pelikulang Katips at ineendorso pa nito ang pelikula.

Ayon sa pahayag ni Leni Robredo, "Mahalaga ang mensahe na dala ng inyong pelikula lalo na sa panahon na pilit na binabago at nililihis ang kasaysayan. At marami sa ating mga kababayan ang napapapaniwala sa mga kasinungalingan. You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha."

Umani naman kaagad ito ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens at ilang personalities. Ayon kay Edwin Jamora, hindi na talaga nagbago si Leni Robredo. Ipinunto pa nito na kasinungalingan lamang maging ang sinasabing kita ng Katips movie.



Samantala, narito naman ang isang review mula sa former Joma Sison propagandist. Ayon sa kanyang post, "This is just a semi-review as I am avoiding spoilers para sa mga hindi pa nakakapanood. This is also addressed to those who act like religious fundamentalists."

"After a book reading on US foreign policy on the Marcos Sr. regime, it is a movie that will show the humanity of the Marcos family. Perhaps, it is also a movie that will bring us together as a Pilipino family since we watched both Heneral Luna and Goyo. Thanks to my elder brother, we have watched another film that differs from the conventional herp-villain torpe."

Direk Daryl Hinamon Si Katip Direktor Vince Tanada Lapagan Nalang Ng Resibo Sa Kinita Ng Movie Nila

Walang komento

Hinamon ni Direk Darryl Yap ang Direktor ng Katips na si Vince Tanada matapos ipagkalat na mas malaki ang kinita ng Katips kaysa sa Maid in Malacanang sa loob ng dalawang unang araw ng showing, na ipakita ang resibo ng kanilang kinita.

Ayon sa isang ulat mula sa Kapamilya Online World, umabot ng 42.8 million ang gross income ng Katips sa loob ng isang araw lamang na showing habang 42 million lamang ang kinita ng Maid in Malacanang sa loob na ng dalawang araw.



Inalmahan ito ni Direk Darryl dahil sa mga nakikitang larawan kung saan nasosold out ang ticket at ang haba ng pila para sa Maid in Malacanang kaysa sa Katips. Matatandaang nagsurprise visit rin ang Direktor at mga cast ng Maid in Malacanang sa SM Fairview kamakailan lamang at na-overwhelmed sila sa mainit na pagtanggap at suporta ng tao sa kanila.

Kaya naman hamon ni Direk Darryl kat Vince Tanada ngayon, lapagan ng resibo ng kita sa kani-kanilang pelikula.

Buong pahayag ni Direk Darryl Yap, "for the sake of honesty and for your cause to fight disinformation, I challenge Vince Tanada to disclose the real numbers of his films’ gross.

explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date.
Together,
We must fight the bigger enemy Mr. Tañada.
This and all for the sake of the Philippine Movie Industry and our Responsibility to the Bureau of Internal Revenue Philippines"

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman ang director sa mga vloggers na nagcocover sa kanilang pelikula at nagbibigay updates sa mga sinehan dahil hindi ito ibinabalita sa ibang main stream media. Inanyayahan ito ng director sa isang thanksgiving dinner party.

Paano Naging Official Host Si Regine Velasquez Sa Magandang Buhay?

Walang komento

Opisyal nang ipinakilala ng ABS-CBN si Regine Velazques bilang kapalit ni Karla Estrada sa pagiging host ng morning show na Magandang Buhay.

Nangyari ang official announcement para sa pagiging official ng Asia's Songbird Regine Velasquez bilang panibagong host ng Magandang Buhay noong August 8, 2022 kasabay ng celebration nito sa para sa kanilang 6 anniversary.

 Matatandaang naudlot ng apat na buwan ang celebration para sa 6th year anniversary nito. April 18, 2016 nang una itong napanood sa channel 2 ABS-CBN.

Opisyal nang itinalaga si Regine Velasquez bilang main host ng nasabing kapalit ni Karla Estrada. Naging guest host si Regine sa Magandang Buhay noong election period kasunod ng pagleave ni Karla Estrada dahil tumakbo itong reprentative ng Tingog Party list.


Samantala, sa pahayag ni Regine, nagpapasalamat siya kay Karla Estrada dahil nakasama rin ito sa Magandang Buhay sa loob ng mahabang panahon. Binati pa ito ng singer ng 'Happy Anniversary!' Inamin din ni Regine na sa kabila ng makailang beses na siyang naghohost sa nasabing show ay kinakabahan siya ngayon dahil official na siyang parte ng programa.

Dagdag pa nito na sa kabila ng mga responsibilities na kakaharapin bilang host, handa siya at naeexcite na rin siya sa kanyang bagong path. Masaya rin umano si Regine dahil siya ay official ng parte ng Magandang Buhay.

Masayang-masaya naman sina Jolina at Melai dahil opisyal na nilang makakasama sa show si Regine. Inawit rin nila ang bagong offficial theme song ng show na Magandang Buhay.

Kasama Sa Hollywood Film Kapamilya Aktres?

Walang komento

Trending ngayon sa social media ang isang Kapamilya actress dahil may kumakalat na balita na nakasama umano ito sa isang Hollywood film.

Ito rin umano ang magiging kauna-unahang pagsabak sa pag-arte ni Liza Soberano sa isang Hollywood film. Makakasama umano ni Liza Soberano sa Lisa Frankenstein ang Hollywood actor na si Cole Sprouse. Makakasama rin rito ni Liza ang American na si Kateryn Newton na napanood sa ilang mga hit serries kagaya ng Gary Unmarried, Big Little Lies at sa Netflix series na The Society.

Talagang mga bigatin ang makakasama ni Liza Soberano sa kanyang first project sa Holywood.

 

Reaction ni Cristy Fermin sa Maid in Malacanang at Katips Movie!!

Walang komento

Maraming mga netizens ang naghihintay kung ano ang magiging reaction ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa dalawang pelikula na pinagkukumpara ngayon, ang Maid in Malacanang at Katips.

Ayon sa kolumnista, tila pinagsarhan na ng ilang sinehan ang pelikulang Katips. Sinabi rin umano nito na literal na pinakain ng alikabok ng Maid in Malacanang ang Katips. Pagkukumpara naman ni Manay Cristy Fermin, napakaputla umano ng Katips kumpara sa Maid in Malacanang.

 Ayon pa rito, alam umano ng producer-writer ng Katips na magbabayad pa rin sila sa sinehan kahit pa walang nanonood sa pelikula. Marami na rin umanong mga sinema na hindi na nagpapalabas ng Katips dahil sa kakulangan ng mga manonood.



Taliwas ito sa sinabi ni Vince Tanada sa isang panayam sa Radyo  na malakas rin umano ang tugon ng mga tao sa kanilang pelikula. Ayon pa rito, marami ang nanonood sa kanilang pelikula at naso-sold out na rin umano ito sa ilang mga malls.

Samantala, ayon sa ulat mula sa Viva Films noong lunes, umabot na sa 140 million ang kinita ng pelikulang Maid in Malacanang.

Tatay Digong, Spotted Na Naglilibot Sa Davao Ng Disoras Ng Gabi

Walang komento

Malimit na makikitang naglilibot sa Davao City si Former President Rodrigo Duterte ilang buwan matapos bumaba sa kanyang posisyon bilang pangulo ng bansa.

Makikita sa mga kumakalat na mga larawan at video kung gaano ka simple ang dating pangulo. Mula sa pananamit nito at sa pagkain sa mga ordinaryong kainan. Marami naman ang hindi nag-eexpect na makita ang dating pangulo sa ganoong oras.

Game na game din si Tatay Digong na magpaunlak sa mga nais makipagpicture kasama siya. Komento naman ng ilang mga netizens na makikita sa mukha ni Tatay Digong na hindi na naiistress. Hiling naman ng ilang mga netizens ang good health at safety para sa dating pangulo ng bansa.

Marami naman sa mga netizens ang natutuwa sa ipinapakitang care ng dating presidente sa kabila ng pagbaba nito sa posisyon.

 

Heart Evangelista at Chiz Escudero Hiwalay Na?

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang kasalukuyang estado ng relasyon ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nag-ugat ito nang mapansin ng ilang mga netizens na pinalitan ni Heart ang kanyang pangalan sa Instagram. Makikita kasi noon na ang nakasulat doon noon ay ang kanyang boung pangalan kasunod ang apelyido ng asawa na Escudero. Sa bagong edit kasi ni Heart, tinanggal niya ang kanyang last name maging ang last name din ng kanyang asawa.

Ang dating Love Marie Ongpauco Escudero noon ay naging Love Marie na lamang ngayon. Hindi tuloy naiwasan ng kanilang mga tagahanga na mag-alala sa kanilang relasyon. Hinuha naman ng ilan na may pinagdadaanan ang mag-asawa na pagsubok at tila hindi maganda ang kasalukuyang estado ng kanilang pagsasama.

Hiling naman ng ilan na sana'y malampasan nila ang anumang pagsubok na kanilang kinakaharap. May nagtanggol naman sa relasyon nila at sinasabing baka naisipan lamang umano ni Heart na first name na lamang ang ilagay sa kanyang Instagram bio.



Samantala, wala pa namang inilabas na pahayag si Heart at Chiz ukol sa isyung ito.

Babae ni Victor Consunji Ibinulgar ni Maggie Wilson!

Walang komento

Isiniwalat ni Maggie Wilson ang diumano'y other woman ng kanyang dating asawang si Victor Consunji.

Sa Instagram stories, umalma si Maggie sa umano'y panloloko sa kanya ni Victor noon pang 2019. Nakipagrelasyon umano si Victor isa isang babaeng mayroon ding asawa, pambubunyag ni Maggie. Nakakakita pa umano si Maggie ng ilang mga litrato ng sinasabing relasyon ni Victor ngayong taong 2022 sa kanilang tirahan mismo.

Sinabi rin ni Maggie na paulit-ulit itong ginagawa ni Victor at hindi lamang isang babae ang naging kabit nito.

Ayon sa Instagram stories ni Maggie, "A few days ago I was sent a motion for the issuance of a gag order.

In 2019, a woman (one of) despite her being married at the time, I found was taking "trips" and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our "conjugal" home, living her best life! Despite this, I have been accused of adultery and issued an arrest warrant.

The gag order may go further than this. I believe it's to silence me due to more important issues that could affect people taht are reading this."

Bilang patunay, ibinahagi ni Maggie ang ilang larawan ni Victor kasama ang umano'y kabit nito. Sept. 17 2019 nang malaman umano ni Maggie na may sinundong babae si Victor sa airport. Sa isang picture naman makikitang may nakayakap na babae kay Victor na tila kuha mula sa isang okasyon.



May ibinahagi pa si Maggie ng isang larawan ng comparison nila ng alleged kabit ni Victor. Ibinahagi naman ni Maggie ang isang litrato kung saan makikita ang dalawang tao na tila magkaholding hands. Ayon kay Maggie, forwarded umano ito sa kanya at tila sinasabi nito na si Victor at ang kanyang mistress ang nasa larawan.

Ayon pa kay Maggie ang lakas umano ng loob ni Victor na sampahan siya ng kasong adultery dahil gawain naman din umano nito iyon. Hindi umano kaya ni Maggie na manahimik na lamang sa kabila ng mga ginagawang ito ni Victor sa kanya.

Dagdag pa nito, sinubukan niyang i-settle ang nasabing issue privately ngunit hindi naman siya pinakinggan bagkus siya pa ang kinasuhan ng adultery. Ayaw man umano niyang isapubliko ang lahat ngunit wala na siyang choice.

 

Rita Gaviola Aka Badjao Girl Ibinandera Ang Asawa at Anak !

Walang komento


Naging viral noon si Rita Gaviola na mas kilala sa tawag Badjao Girl matapos makunan ng isang larawan na agad na nagtrending sa social media.

Nakatawag pansin sa publiko ang angkin nitong kagandahan sa kabila ng kanyang simpleng kasuotan. Tumutulong si Rita sa kanyang mga magulang na kumita ng pera at sa kanyang pagsikat, unti-unting nagbago ang kanyang buhay.

Ilang beses din itong nakita sa telebisyon kabilang na ang pagiging isa sa mga housemates sa bahay ni Kuya. Nabigyan din ito ng opportunity na maging endorser ng ilang beauty products. Tinagurian din siya bilang isang beauty queen ng kanyang mga fans dahil sa kanyang pagkapanalo sa Sexy Babe isang segment ng It's Showtime.

Unti-unti niya ring naiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya dahil sa sunod-sunod na opportunities na ipinagkaloob sa kanya. Naibahagi rin ni Rita na nais niyang maging teacher balang araw upang maturuan ang mga batang kapwa niya Badjao.

Matatandaang, kumalat ang isyu noon tungkol sa diumano'y pagbubuntis ni Rita dahil sa kumakalat na mga larawang may malaking pagbabago ng kanyang itsura. Pilit naman siyang pinapaamin ng mga netizens kung totoo nga bang nagdadalang tao siya.

Ngunit, ipinagdiinan niya na hindi siya buntis at may sinabihan pa siyang isang netizen na huwag makialam sa kanyang personal na buhay.

Kahapon, ginulat ni Badjao Girl ang mga netizen sa kanyang latest post sa social media. Makikita sa ibinahaging larawan nito ang tila family picture niya habang may karga siyang sanggol at may kasamang lalaki. Sa caption ng nasabing post sinabi ni Badjao Girl, "Sa mga nadissapoint or madami pang sasabihin saakin buhay ko yung tinatahak ko tska madami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si baby kia sa susunod na mga vlog namin."



Humingi si Rita ng paumanhin sa ilang mga fans niya na nadisappoint sa kanya. Ibinabatid nito na makakasama na niya ang kanyang anak na pinangalanan niyang si Baby Kia sa kanilang mga future vlogs.

Sa nasabing post, nakumpirma na ang matagal ng hinala ng ilang mga netizens na nagdadalang tao nga si Rita noon. May ilang mga netizens naman ang hindi napigilang manghinayang sa kanya at sa kanyang mga pangarap na hindi na matutupad gaya na lamang sa pagsali sa Bb. Pilipinas. Napakabata pa umano nito para maging isang ina.

Samantala, hiling naman ng ilang mga netizens ang katuparan sa kanyang pangarap bilang ina sa kanyang anak.

Tom Rodriguez, Nakipagsagutan Sa Mga Bashers Na Nakikisawsaw Sa Issue Nila Ni Carla Abellana!

Walang komento

Hindi napigilan ng aktor na si Tom Rodriguez ang sumagot sa komento ng isang netizen tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

 Kasalukuyang nasa Arizona, USA si Tom Rodriguez kasama ang kanyang pamilya. Tila wala pa sa isip nito na bumalik sa Pilipinas.

Makalipas ang mahigit isang buwang pananahimik, muling nagpost ang Kapuso actor sa kanyang Instagram. Noong weekend muling nagbahagi ng post si Tom kung saan makikita siyang tumutugtog ng piano sa isang awitin ni John Mayer. Kasunod nito, ibinahagi naman niya ang isang video clip kung saan makikita siyang nasa veranda habang tinatanaw ang magandang tanawin.

Sa comment section ng post ni Tom, makikita ang ilang komentong nagsasaad na namimiss na nila ang aktor at may ilan pa rin mga fans na umaasang magkakabalikan sila ni Carla Abellana. Hiling naman ng iba na kung sakaling hindi na talaga maibabalik ang kanilang pagmamahalan, sana naman umano ay mapapanatili nila ang kanilang friendship.



Samantala, may mga netizens rin na nambabatikos kay Tom. Tila ipinupunto nito na isa sa kanila ni Carla ang hindi nakakalimot at hindi marunong magpatawad. Inalmahan naman ito ni Tom at pinagsabihang hindi kailangan ng mundo ng pagpapahiya sa iba. Dagdag pa ni Tom, "Let's cultivate some positive vibes."

Nagreact naman at nagkomento ang isang netizen at sinabing hindi umano ito kasalanan ng babae kundi sa machism ng lalaki. Tila ipinunto rin nito na biktima lamang  din si Carla. Bwelta naman ni Tom, "Naliligaw po ata kayo with your soapbox, speaking of the other people's lives who's contexts you know none of... perhaps you can tend to cleaning your own room instead??"

Cherie Gil at Leo Martinez Love Story!

Walang komento

Lunes, Agosto 8, 2022

Pumanaw ang award winning actress na si Cherie Gil nitong August 5 na labis na ikinagulat ng lahat. Dahil dito, muling napag-usapan ang kanyang buhay at ang naging ugnayan nila ng aktor na si Leo Martinez.

Si Leo Martinez ay isang aktor, komedyante at direktor. Siya ay ikinasal kay Gina Valenciano na kapatid ni Gary Valenciano. Nakikilala bilang comedian si Leo mula noong 1970's at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanyang career.

Samantala, may ilang mga netizens na naging curios sa buhay pag-ibig ni Leo matapos mabunyag na nagkaroon ito ng anak kay Cherie Gil. Nagkaroon ng relasyon sina Cherie at Leo ng relasyon noong kanilang kabataan. Nagsimula ito noong pareho silang umaarte sa telebisyon.

Itinago nang una ang kanilang relasyon, ngunit nang magkaroon na sila ng anak ay nailantad na rin nila sa publiko ang kanilang relasyon. Ang kanilang anak ay pinangalanang Jeremiah David na mas kilala naman ngayon bilang Jay Eigenmann. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon at nagdesisyong maghiwalay na lamang.



Batay sa mga records, may tatlong pagkakataon na nagsama sina Leo at Cherie sa iisang proyekto. Ito ay sa mga pelikulang Bagets2 noong 1984, 24th Luna Awards noong 2006 at Magpakailanman noong 2015.

Ang kanilang anak na si Jay ang panganay na anak ni Cherie. Hindi man ito nag-artista ay may maganda itong career sa Amerika. Sa huling mga sandali ni Cherie ay nakasama niya ito at ang dalawa pa niyang anak mula sa kanyang ex-husband na si Roni Rogoff.

Samantala, maayos naman ang relasyon ni Jay sa side ng kanyang ama na si Leo Martinez. Makikita rin siyang kasama sa mga gathering ng mga ito.

Vice Ganda, Nainis sa Ginawa ni Angeline Quinto!

Walang komento


Nakahiligan ni Angeline Quinto ang paggawa ng mga Tiktok videos na tila nagmamagic. Kunwari ay ihahagis niya ang isang damit at sa isang iglap ay makikitang suot-suot na niya ito.

Minsan nama'y nag-upload si Angeline ng isang video kung saan bigla-bigla na lamang siya sususulpot sa iba't-ibang lugar sa loob ng It's Showtime studio.

Tila bagong trick na naman ang gustong gayahin ni Angeline. Nais niyang gayahin ang isang babaeng nagsasayaw kung saan biglang naa-out balance at magbabago na ang outfit nito. Sinadya man o hindi ay kay Vice na busy sa pagdedesign napasandal si Angeline ng na-out balance ito.

Dahil naman sa gulat at tila nasaktan din ito ay natabig ni Vice ang mukha ni Angeline. Makikita din sa mukha na tila hindi nito nagustuhan at napikon siya sa ginawa ng singer. Tinawanan lamang ni Angeline ang nagawa sa kanya ni Vice kahit pa mukhang nasaktan din ito sa pagkatabig.



Nagtawanan naman ang iba pa nilang kasama at tila doon pa lamang napagtanto ni Vice na binibiro lamang siya ni Angeline.

Karen Laurrie Mendoza Nagsalita Na Sa Controversial Post Niya Tungkol Sa Dayaan Sa Bb. Pilipinas

Walang komento

Humingi ng paumanhin si Bb. Pilipinas 2022 candidate mula sa Iloilo City na si Karen Laurrie Mendoza hinggil sa controversial post niya sa diumano'y pagkakapalitan ng korona sa Bb. Pilipinas 2022 pageant.

Matatandaang nagkaroon ng ilang minutong delay sa pag-aannounce ng Bb. Pilipinas Ms. International 2022 sa ginanap ng grand coronation night ng Bb. Pilipinas noong July 31, 2022. Hinuha tuloy ng ilan na may mali sa pag-aannounce ng mga naunang Queens at nagkaroon ng crown mixed-up.

Lalong naging matunog ang isyu matapos magpost ni Karen ng larawang makikita sa kapirasong papel na makikita ang title at ang numero ng kandidatang nanalo. Makikita sa nasabing papel na nagkapalit ng korona sina Ms. Intercontinental at Ms. International.

Subalit, agad namang itinanggi ng ilang mga personalidad at ng Bb. Pilipinas Organization na nagkaroon ng pagkakamali at nagkapalit ang korona ng dalawa.

Si Karen Laurie Mendoza ay kabilang sa top 12 ng nasabing kompetisyon ngunit hindi pinalad na mag-uwi ng korona. Sumali rin ito noong nakaraang taon at napasali sa top 13. Matapos humingi ng paumanhin, inanunsyo ni Karen na hindi na siya sasali sa pageant dahil sa age limit.

Kasunod ng kanyang controversial post nanahimik muna si Karen sa kanyang social media. Ngunit nitong linggo, August 7 muling nagpost ito sa social media upang humingi ng paumanhin.

Buong post ni Karen sa kanyang Instagram,"Queens are structured to act a certain way.

Dress appropriately, be polite and noble, should always abide by the rules, greet everyone with a smile and wave.

But aren’t we living in the 21st century?

Society always puts so many labels on how we should act.
If you didn’t say hi to fans, you are not friendly.
If you don’t dress like your own style, you can’t fit in.
If you had body enhancement, you’re not authentic.
if you stand up for yourself or others, you are overreacting. 

If you made that one mistake. People will will criticize you and bring you down. They don’t even care about your explanation.

For me I don’t want to be that person that everyone wanted me to be. I want to be me. The flaws and the good. I want to be remembered as the girl who is not afraid not to be okay. An inspiration that your emotions don’t define and recognizing and labeling how you feel is the first step to healing.

That’s why I want to apologize on the photo I posted a few days back. Like everyone else, I wanted answers too. What was written on that piece of paper will cost a dream and I wanted to help shed light on the many questions.

But I deleted it because it was already clarified by the organization. Binibini is the pageant I joined in because I believe in the organization.

I wasn’t afraid to lose. I already know I won because I tried. I don’t want to be that girl who didnt try because she was afraid to lose.
That regret is going to hunt you forever.

I thought my first binibini was my first and last but I thank each and every one who pushed me to try again. Thank you for giving me hope and being behind me throughout my journey. I couldn’t do it without your encouragement. 

Congratulations to the winners!
To stacey, you are a ray of sunshine, all throughout, to herlene, i’ve seen you blossom you are amazing, to roberta and chelsea, i may not have spent so much time with you both but i see that driving force, you’re both unstoppable, to gabi, i’ve seen your struggles, and all that condo late night talks are worth it. You outdid yourself. To nicole, since you were in shutter i know you’ll do wonderful in every field. 

Can’t wait for what’s ahead. Love you all."


Sa unang bahagi ng kanyang post, tila ipinaliwanag niya ang kanyang side kung bakit niya nagawang ipost ang nasabing larawan na lalong nagpalakas sa kutob ng mga netizens na may maling nangyari at nag kapalit ng korona sina Bb. Pilipinas International 2022, Nicole Borromeo at Bb. Pilipinas Intercontinental 2022, Gabrielle Basiano.

Nakakalungkot! Leo Martinez Naging Emosyonal Sa Lamay ni Cherie Gil

1 komento

Ibinahagi ng tatlong anak ng award winning actress at itinuturing Prima Contrabida na si Cherie Gil ang kani-kanilang mensahe ukol sa biglaan pamamaalam ng kanilang ina.

Ibinahagi rin nila sa kani-kanilang Instagram accounts ang inilabas na official statements ng pamilyang Eigenmann tungkol sa pagpanaw ni Cherie Gil nitong Byernes, August 5. Mababasa din ito sa ilan pang Instagram pages ng kapatid at ilang pamangkin ng yumaong aktres.

Ayon sa naging pahayag, noong nakaraang October na-diagnosed si Cherie Gil na may  rare form of endometrial cancer. Pinili umano nitong itago na lamang sa publiko ang sakit bagay na inirespeto naman ng pamilya nito.

Ang mga anak ni Cherie Gil ay sina Jay Eigenman anak nito sa aktor na si Leo Martines, Bianca Rogoff at Raphael Rogoff, anak niya sa kanyang ex-husband na si Roni Rogoff. Nakapagdesisyon si Cherie na sa America na lamang manirahan kasama ng kanyang mga anak, matapos madiskubre ang kanyang sakit.



Ibinahagi naman ng mga ito ang mga larawan kung saan nakakasama nito ang kanilang ina. Masipag naman na tinutugon ng pamilya nila ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga tagahanga ng aktres.

Samantala, marami ang nagulat nang malamang nagkaroon ng relasyon noon sina Cherie Gil at Leo Martinez. Nagkaroon din sila ng anak na si Jay Eigenmann.

Kiefer Ravena Nagsalita Na Ukol Sa Cheating Allegations Sa Hiwalayan With Allysa Valdez

Walang komento


 Pinabulaanan ni Kiefer Ravena ang mga allegations tungkol sa diumano'y pangangaliwa niya na naging sanhi ng hiwalayan nila ni Alyssa Valdez.

Nagbigay na ng pahayag ang basketball player na si Kiefer Ravena hinggil sa isyung ibinabato sa kanya ukol sa sanhi ng hiwalayan nila ng volleyball player na si Alyssa Valdez.

Sa kanyang IG stories nitong byernes, August 5, nagbigay na siya ng pahayag tungkol sa diumano'y bagong dinidate niya.

Ayon sa kanyang pahayag, nagbigay na umano si Alyssa ng pahayag noong Mayo tungkol sa nangyaring hiwalayan nila last January. Napagdesisyunan umano nila ang kanilang paghihiwalay at inirerespeto ang bawat isa. Itinanggi din nito na may bago na siyang karelasyon o babaeng idini-date.

Sa huli inamin nitong may pagkakamali siya noon at natuto na siya sa mga iyon. Ngunit hindi ito nagbibigay dahilan para ibash siya ng iba.

"These past few days have been dirty and ugly. It's  time to put a halt to it. Alyssa released a statement in May regarding our separation last January. We both agreed to move on peacefully and we respect each other's decisions.

However, family, friends, acquintances, and a lot of innocent names have been dragged into this issue and their reputations stained because of unfounded assumptions and malicious accusations. Rumors that I am dating anyone right now are completely false and hurtful, especially to those who have been unwittingly dragged into this issue.

I've made mistakes in the past but I've learned from those mistakes. But these still do not give anybody the right to bash others.

Let's all be kind to one another."

Matatandaang, noong May ay naglabas ng official statement ang naghahandle kay Alyssa Valdez ukol sa naging hiwalayan nila ng basketball player na si Kiefer Ravena. Ayon sa naging pahayag nito, hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ilang taon rin ang inabot ng kanilang relasyon na nauwi lamang sa paghihiwalay. Tila isa ito sa mga dahilan kung bakit tila hindi pa rin natatanggap ng kanilang mga tagahanga ang paghihiwalay nila. Maging ang pamilya at ilang mga kaibigan ng dalawa ay nadadamay na sa isyu.



Pumutok ang isyu na cheater umano si Kiefer matapos kumalat sa social media ang isang larawan kung saan may katabi siyang babae. Hindi ito pinalagpas ng ilang mga tagahanga nila at agad na sinasabing ito na ang bagong girlfriend ng basketball player.

Just in: Sarah Lahbati Nagpa-opera sa Kanyang Mata!

Walang komento

Agarang dinala sa hospital ang asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati dahil sa problema sa kanyang mga mata. Nakakaramdam umano ito ng pananakit ng mata at lumalabo rin ang paningin nito.

Ayon sa balita, sumailalim sa isang operasyon sa mata ang aktres na si Sarah Lahbati.

Ayon sa Instagram post ng aktres, sumailalim siya sa ICL surgery nitong byernes.

"woke up with 20/20 vision. 😍


so happy about my ICL surgery done yesterday at @asianeyeinstitute by Dr. Robert T. Ang.
before getting it, I had worn contact lenses and glasses for the longest time while dealing with constant dry eyes & still having to squint to see things.

day 1 post surgery and my vision is unbelievably so much better. the process was quick & pain-free! i’m so, so happy. 🥹

why ICL & not lasik?
* there’s no need to worry about the occurrence of dry eyes. but in lasik, this might happen.
* the lenses are permanent and there’s no need to maintain them.
* it takes only about 15-20 minutes for both eyes.
* the lens is used to treat: myopia, hyperopia & astigmatism
* it can fix severe nearsightedness that can’t be corrected with other surgeries.
* the lenses offer good night vision.

post surgery: will need to rest for about two weeks, wear goggles day & night, avoid working out & makeup. :)

ps: @asianeyeinstitute currently have a promo that gives 30% discount on ICL." 


Ang Implantable Collamer Lens (ICL) ay isang painless surgery na nakakatulong sa mga taong nearsighted na hindi naaayos sa ibang eye surgery. Sa surgery, inilalagay ng trained surgeon ang contact lenses sa mga mata.

Birthday Ng Anak Ni Jaya Nauwi Sa Nakakabiglang Sunog!

Walang komento

Isang nakakagulat na balita ang ibinahagi ni Jaya matapos ang kanilang celebration para sa kaarawan ng kanyang anak. Matapos ang kanilang masayang pagdiriwang, malungkot na ibinalita ni Jaya na nasunog ang kanilang bahay.

Noong nakaraang taon lamang ibinahagi nila ang kanilang bahay sa Amerika. Ayon naman sa ulat mula sa Central Kitsap Fire and Rescue, naganap umano ang pagkakasunog ng kanilang tahanan habang sila ay nagdiriwang ng kaarawan ng anak ni Jaya. Makikita sa larawan ang damages na iniwan ng apoy. Sa kabila naman nito, ligtas silang lahat.

"Fire During Birthday Party Displaces Family
At approximately 4:35 pm today, Central Kitsap Fire & Rescue was dispatched to a residential structure fire in the 10000 block of Capitola Place NW, Silverdale.
All occupants were able to safely get out of the home. They had been celebrating a daughter’s birthday when the fire occurred.
The fire is believed to have started downstairs, but the County Fire Marshal is investigating and will determine the cause and origin.
Mutual aid was provided by Bremerton Fire, Poulsbo Fire, and Navy Region Northwest.
~ PIO LiMarzi"

Ayon sa nasabing report, natukoy na ng mga otoridad kung saan nagsimula ang apoy ngunit, patuloy pa rin nilang iniimbestigahan kung ano ang dahilan o ano ang pinagsimulan ng apoy.



Sa kabila naman ng pangyayaring ito, nagpapasalamat pa rin si Jaya sa panginoon dahil ligtas silang nakalabas sa kanilang nasusunog na tahanan. Agad namang nagpaabot ng pakikisimpatya ang mga kaibigan at mga supporters ni Jaya, kasunod ng pangyayaring ito.

Janno Gibbs Nakisawsaw Nadin Sa Kasikatan Ni Direk Daryl at Ng Maid in Malacanang!

1 komento

Janno Gibbs na isang kilalang Kakampink tila nakikisawsaw na rin umano sa kasikatan at pagiging trending ng Maid in Malacanang at ni Direk Darryl Yap.

Ayon sa isang social media post ni Janno Gibbs, hinihiling niyang gawan din umano siya ni Direk Darryl Yao ng pelikula hango sa kanyang buhay. Nagrequest pa itong gawing matangkad, matangos ang ilong at hindi nale-late sa trabaho ang kanyang karakter. Huwag na rin umanong isama ng Direktor ang mga chicks na nali-link sa kanya.

"Direk Darryl, Gawan mo naman ng movie ang buhay ko. Request: Gawin mo kong matangkad, matangos at hindi nale-late sa work. Wag mo narin isama yung mga chicks na na-link sakin."



Agad namang umani ng samu't-saring opinyon at komento ang nasabing post ni Janno. Ayon sa ilang mga netizens, nakikisawsaw lamang umano ito sa kasikatan ni Direk Darryl. Ayon pa sa iba, tila pasimpleng banat ito sa pelikulang Maid in Malacanang.

Samantala, may iba namang netizens na nagsasabing walang kinalaman ang nasabing movie sa ipinost ng singer dahil wala naman itong sinabi. Tila nagbibiro lamang umano ito at nagbigay lamang ng request kay Direk Darrl Yap.

 

Just in ! Tom Rodriguez Muling Nag Post Sa IG Matapos Isang Buwan Nagpahinga Sa Social Media!

Walang komento

Matapos ang mahigit isang buwang pamamahinga mula sa social media ni Tom Rodriguez kasunod ng hiwalayan nila ni Carla Abellana muling nagbahagi ang aktor ng isang video noong Byernes.

Makikita sa nasabing video, na tumutugtog ng piano ang aktor bilang self soothing session. Kalakip nito ang caption na nagsasabing, "Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song."

Kasunod nito nagbahagi naman ang aktor ng isang video clip kung saan makikita itong nasa isang balcony at natatanaw ang magandang tanawin. Caption naman naman nito, "Great day to be alive indeed! Wishing everyone a blissful day...You hold the power to make your day however you choose...make it a positive one"

Umani naman agad ng mga komento at reaction ang nasabing clip ni Tom.



 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo