Matapang na humakbang si Sunshine Cruz upang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang kanyang tatlong anak matapos silang mabiktima ng mga mapanirang fake news na kumakalat sa social media. Ayon sa aktres, nakahanda na siyang magsampa ng kaso laban sa ilang online sites at vloggers na patuloy na nagpapakalat ng mga kasinungalingan at mapanirang kwento tungkol sa kanilang pamilya.
Sa isang panayam, sinabi ni Sunshine na nakipag-ugnayan na siya sa kanyang abogado upang tukuyin ang mga nasa likod ng mga pekeng balita na nagsasabing siya ay “binugbog,” “inaresto,” at ang isa sa kanyang mga anak umano ay buntis, na ang ama raw ay si Atong Ang — isang kilalang negosyante.
Ayon sa aktres, matagal na raw siyang tinitiis ang ganitong uri ng pang-aabuso online, ngunit ngayong pati ang kanyang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca (ang mga anak niya sa dating asawa na si Cesar Montano) ay nadadamay na, napagdesisyunan niyang hindi na manahimik.
“My children and I have been subjected to years of ridiculous rumors,” ani Sunshine. “Hindi na ito basta simpleng tsismis, kundi paninira na talaga. Nakakadismaya na may mga taong kayang gumawa ng ganitong bagay para lang makakuha ng views at atensyon.”
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng aktres ang mga screenshot ng ilang post mula sa mga vlog at page na nagkakalat ng maling impormasyon. Makikita roon ang mga nakakagulat na pamagat gaya ng “Sunshine Cruz, pinatay at inilibing sa mansion,” “Naaresto matapos bugbugin ang anak,” at “Secret mansion ni Sunshine, nabuking!”
Ayon sa kanya, nakakatawa man sa unang tingin, pero nakakasira ito ng reputasyon at nakakabigla sa mga taong nakakabasa nito — lalo na’t may mga naniniwala. “Nakakalungkot isipin na kahit matatalinong tao ay napapaniwala pa rin ng ganitong klaseng mga balita,” ani Sunshine. “Minsan nga, ‘yung mga kakilala mo pa ang unang nagtatanong kung totoo.”
Sa ngayon, abala na raw ang kanyang abogado na si Atty. Bonito Alentajan sa pag-iimbestiga kung sino ang mga nasa likod ng mga pekeng account at YouTube channels na naglalabas ng mga maling impormasyon. Ngunit aminado ang aktres na hindi madali ang proseso dahil kadalasan ay peke o alias lamang ang ginagamit ng mga may sala.
“It isn’t easy kasi pseudo names ang gamit nila. For now, I am posting these fake news for awareness.”
Nagbigay rin ng paalala si Sunshine sa publiko na maging mapanuri sa mga content na kanilang binabasa o pinapanood. Aniya, maraming vloggers at websites ngayon ang handang magsinungaling para lamang sa kita at engagement.
“It’s a testament to how easily people are misled that even the smartest individuals sometimes fall for them. No to #fakenews!” diin ng aktres. “It isn’t easy kasi pseudo names ang gamit nila. For now, I am posting these fake news for awareness."
Sa kabila ng lahat, nananatiling kalmado at matatag si Sunshine. Ayon sa kanya, mas pipiliin niyang ipaglaban ang katotohanan at protektahan ang kanyang pamilya, kaysa magpadala sa galit o takot. “I’ve had enough,” pagtatapos niya. “This time, I’m standing up for myself and for my daughters.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!