Mainit ngayon sa social media ang pangalan ng aktor na si Enrique Gil, 33, matapos kumalat ang mga balita na umano’y may espesyal na relasyon siya sa 17-anyos na content creator na si Andrea Brown.
Ayon sa mga netizens, nagsimula ang usap-usapan nang lumabas sa social media ang ilang larawan nina Enrique at Andrea kung saan makikita silang magkasama sa mga sweet poses — kabilang pa ang isang litrato kung saan nakasandal si Andrea sa kandungan ng aktor. Dahil dito, agad nagtanong ang mga netizens kung may namamagitan nga ba sa dalawa.
Hindi lang mga litrato ang pinag-uusapan — kumalat din sa TikTok ang ilang video na nagpapakita sa kanilang dalawa na tila malapit sa isa’t isa, dahilan upang mas lumakas pa ang hinala ng publiko.
Ngunit naging kontrobersyal ang lahat nang maglabas ng reaksyon ang isang user sa Twitter/X, matapos umanong makumpirma mula sa mismong ina ni Andrea na menor de edad pa ang dalaga.
Ayon sa naturang netizen, labis umano siyang nadismaya sa aktor. Sa kanyang post, direkta nitong pinuna si Enrique:
“@itsenriquegil it’s so disgusting that at your age of 33, you’re pursuing a 17-year-old, a MINOR. I’ve always supported you, but this is unacceptable. I can’t just sit this one out.”
Dagdag pa niya, matagal na raw nagkakausap sina Enrique at Andrea. “They’ve been in contact since June and have been meeting regularly this month. A few weeks ago, they had a staycation at The Farm in Batangas — Enrique paid for everything. He’s even offering her a role in a project he’s producing,” ayon pa sa post ng netizen.
Ang kontrobersiya ay lalo pang uminit nang makumpirma ng mismong ina ni Andrea, si Arlyn Opeña, na 17 years old pa lamang ang kanyang anak. Sa isang komento (na kalaunan ay binura), sinabi ni Arlyn:
“17 lang siya. Anak ko siya kaya alam ko kung ilang taon na siya.”
Bukod pa rito, resurfaced online ang lumang Facebook post ni Arlyn noong August 28, 2021, kung saan binati niya ang anak sa ika-13 kaarawan nito. Ibig sabihin, kaka-17 taon lang ni Andrea nitong August 2025, at malinaw na hindi pa siya nasa legal age.
Gayunpaman, tila ipinagtanggol pa rin ni Arlyn ang anak at si Enrique sa isyu. Matapos kumalat ang kanyang dating post, ipinahayag niya na 18 na raw ang anak niya.
“Para matahimik na ang lahat. 18 years old na anak ko. Periodt! Kung may problema kayo diyan, wala na akong pakialam,” sabi niya.
Hindi naman nakaligtas sa pambabatikos si Arlyn. Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagiging “supportive” umano nito sa relasyon ng anak sa mas nakatatandang aktor.
Ilan sa mga komento ng netizens:
“Hindi po adjustable ang edad, nay.”
“Kaka-17 lang ng anak nyo last August, tapos 18 na ngayon? Adjustable pala ang age?”
“Kung hindi artista si Enrique, siguradong bawal pa mag-jowa anak nyo.”
Samantala, habang patuloy na umiikot online ang mga larawan at video nina Enrique at Andrea, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa kampo ng aktor tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon. Hanggang ngayon, tikom ang bibig ni Enrique Gil sa isyung ito na patuloy na binabantayan ng mga netizens.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!