Gerald Anderson Sanay Na Sa Tsismis At Intriga! Hindi Na Naaapektuhan!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam, sinabi ng aktor na si Gerald Anderson na nasasanay na siya sa mga tsismis at pang-iintriga sa kanya ng mga netizens sa mga nakaka loveteam niya sa showbiz. Kaya naman tila wala nang epekto ang mga iyon sa kanya.

“Hindi na ganoon ang effect sa akin. Dati, laging may tanong. Sa social media, sa Facebook, kung anu-anong sinasabi doon, eh. Kahit ano na talaga. Nakakatawa siya. Minsan natatawa na lang ako talaga,” sabi ni Gerald sa finale mediacon ng “A Family Affair”.

Nagsasawa na rin umano siya at alam nang kahit ano man ang gawin niya ay hindi niya nakokontrol ang mga sasabihin ng tao. Lalo na't free for all ang mga social media platforms at hindi niya kontrol ang isip ng mga tao. 

Bagama't walang magawa hinggil sa mga taong hobby ang pagpapakalat ng isyu. Hindi naman nililimitahan ni Gerald kung sino ang magiging ka loveteam niya sa paggawa ng magagandang projects.

"Alangan namang hindi na ako gumawa ng magandang proyekto. Wala, sanay na siguro." 

Matatandaang, ini-link sa kanya si Ivana Alawi matapos lumabas ang mga love scenes nila sa teleseryeng 'A Family Affair'. Matapos nito ini-link din siya sa kanyang naging leading lady sa pelikula na si Kylie Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo