Ogie Diaz Sinagot Ang Banat Nina Ellen Adarna at Sarah Lahbati

Miyerkules, Oktubre 29, 2025

/ by Lovely


 Muling naging sentro ng intriga ang hiwalayan umano nina Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos ibunyag sa isang vlog ni Ogie Diaz at Mama Loi ang isa sa mga sinasabing dahilan ng kanilang pag-aaway.


Ayon sa ulat na inilabas sa Showbiz Update, isa raw sa mga isyung pinag-ugatan ng tensyon ng mag-asawa ay may kaugnayan sa isang bahay na gustong bilhin ni Ellen. Ayon sa source ni Ogie, matagal nang pinupusuan ng aktres ang isang property na nagkakahalaga ng ₱500 milyon, ngunit pumapayag daw umano ang seller na ibaba ito hanggang ₱350 milyon.


Ang problema, ayon sa report, ay hindi ito nabili ni Derek, bagay na ikinadismaya umano ni Ellen. Nais daw ni Ellen magkaroon ng bagong tahanan na kanilang magiging fresh start kasama ang anak niyang si Elias at si Lili, na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan noong Oktubre 24.


Isang dahilan pa raw ng kagustuhan ni Ellen na lumipat ay dahil ayaw umano nitong manatili sa bahay kung saan dati ring tumira si Andrea Torres, ang ex-girlfriend ni Derek noong 2019. Nais daw ni Ellen ng panibagong simula at hindi na gustong maalala ng kanyang asawa ang mga alaala nito sa dating kasintahan.


Bukod dito, lumabas pa sa vlog na ang naturang bahay ay pinangangasiwaan umano ng kaibigan ni Ellen na si Sarah Lahbati, na sinasabing siyang real estate agent ng property. Kaya’t may mga spekulasyong baka may kinalaman din si Sarah sa panggigipit kay Derek para bilhin ang nasabing bahay.


Ngunit agad na itinanggi nina Ellen at Sarah Lahbati ang mga pahayag ni Ogie. Kasalukuyan noon si Ogie sa Amerika para sa premiere ng pelikulang “How To Get Away from My Toxic Family” na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo, nang maglabas ng matapang na reaksyon si Ellen sa kanyang Instagram Stories.


Ayon kay Ellen, “Mama Og, klaruhin lang natin ha — pag sure sa imong source! Tawang-tawa kami ni Sarah sa’yo. Kung gusto ko talagang bumili ng bahay, kaya kong bilhin ‘yon sa sarili kong pera. At FYI, hindi real estate agent si Sarah. Wala ‘yan sa skill set niya. Grabe ang remix ng kwento, kakaloka!”


Hindi naman nagpahuli si Ogie at agad na nagbigay-linaw. Aniya, “Nag-viral na naman si Ellen dahil pinost niya at tina-tag pa tayo. Pero linawin ko lang, hindi ako nagsabi na hiwalay na sila. Ang source namin ang nagtatanong kung totoo bang nagpapabili si Ellen ng bahay sa asawa niya. Kaya tinanong ko rin sila — wala akong sinabing may galit ako kay Sarah.”


Dagdag pa ni Ogie, wala siyang personal na isyu kay Lahbati. “Sarah, kung gusto mo, pwede naman kitang i-interview ng one-on-one. Pero feeling ko ikaw ang may galit sa akin kasi ako ang binlock mo sa Instagram,” biro pa ng talent manager.


Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Ellen at Derek tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang pagsasama. Gayunman, patuloy ang mga espekulasyon sa social media, lalo na’t tahimik din ang kampo ng aktor sa mga lumalabas na balita.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo