Jericho Rosales May Balak Na Tumakbo Pagka-Presidente ng Pilipinas?

Miyerkules, Oktubre 8, 2025

/ by Lovely


 Iba na ngayon ang dating ng aktor na si Jericho Rosales — mas mature na sa kilos, pananalita, at maging sa kanyang hitsura. Mapapansin ito lalo na sa mga bago niyang proyekto, gaya ng pelikulang “Quezon” kung saan ginagampanan niya ang yumaong Pangulong Manuel L. Quezon, sa ilalim ng direksyon ni Jerrold Tarog.


Dahil dito, maraming netizens ang napapaisip: bagama’t mahusay siyang umarte bilang presidente sa pelikula, posible rin kayang pasukin ni Jericho ang tunay na mundo ng pulitika? Diretso siyang tinanong sa isang panayam kung may balak ba siyang tumakbo sa anumang posisyon, lalo na’t mukhang bagay sa kanya ang maging lider.


Mabilis at direkta ang kanyang sagot: “The short answer is no.” Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang paliwanag.


Ibinahagi ni Jericho ang kanyang karanasan mula sa isang paglalakbay sa Tanzania, kung saan may natutunan siyang mahalagang aral tungkol sa pamumuno. Nakita raw niya kung paano tunay na nagmamalasakit ang ilang tao sa kanilang kapwa, at ito raw ang klase ng liderato na kailangan sa mundo, lalo na sa Pilipinas.


Aniya, “We just need leaders who really care, genuinely, sincerely. That’s all we need.”


Inamin din ni Jericho na hindi siya nakatapos ng kolehiyo, pero hindi raw iyon naging hadlang para patuloy siyang matuto. Marami raw siyang napag-aralan sa pamamagitan ng telebisyon, karanasan, at sariling sikap. Aniya, “Everything can be learned. I never graduate. I never went to college. Nag-aral akong mag-Ingles dahil sa television. Ang dami kong eskuwelahan na pinasukan.”


“Ang dami kong puwedeng pag-aralan, pati acting, art, lahat puwede kong pag-aralan. Lahat kaya naman.”


“Pero kapag wala sa puso mo, at hindi talaga genuine sa iyo ang pag-care, ang pagsilbi, sa isang tao, ano pa kaya ang sa isang buong bansa.”


Dagdag pa niya, mahal na mahal niya ang sining—ito raw ang kanyang buhay. Kaya naman hindi niya nakikita ang sarili na ipagpapalit ito sa isang posisyon sa gobyerno. Hindi rin niya maisip kung paano niya pagsasabayin ang pagiging artista at ang pamumuno sa isang bansa.


“Ang pinakamahal ko sa buhay ay ang sining. Paano ko ipagpapalit ang sining sa isang posisyon? Paano ko pagsasabayin ang sining at ito? Paano ko pagsasabayin ang ibang bokasyon at ang pamumuno ng isang bansa.”


“Hindi biro ang maging presidente,” sabi niya nang seryoso. “So, ang hinihiling po natin ay ang puso ng isang presidente!”


Sa huli, ang mensahe ni Jericho ay malinaw: hindi sapat ang karisma o kasikatan para maging lider. Kailangan ng puso, malasakit, at tunay na layunin para maglingkod. At para sa kanya, ang kanyang misyon ay sa larangan pa rin ng sining, kung saan mas epektibo raw siyang makakatulong at makakapagbigay ng inspirasyon sa kanyang kapwa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo