Paulo Avelino Sinupalpal Si Xian Lim Ipinagtanggol Si Kim Chiu

Martes, Mayo 21, 2024

/ by Lovely


 Paulo Avelino naglabas ng isang pahayag sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu matapos ang pagsisiwalat ni Xian Lim ng ilang detalye kaugnay ng kanilang hiwalayan ng aktres.


Tila hindi nagustuhan ng aktor na si Paulo Avelino ang pagpapansin ngayon ni Xian Lim matapos aminin ang pagkakaroon nila ng relasyon ng producer na si Iris Lee.


Sa mga naging panayam kay Xian Lim, isiniwalat ng aktor ang ilang mga detalye ng nangyaring hiwalayan nila ni Kim Chiu. Ayon kay Xian Lim, una pa lamang ay nais na niyang aminin ni Kim Chiu sa publiko ang kanilang paghihiwalay para maprotektahan ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay na nadadamay sa mga pambabatikos at paglabas ng maraming mga fake news.


Subalit, tumanggi umano ang aktres sa pakiusap niya dahil ayaw umano ni Kim Chiu na maapektuhan ang kanyang trabaho. Isiniwalat din ni Xian Lim na walang katotohanan ang mga bali-balitang siya ang nakipaghiwalay kay Kim Chiu dahil ang aktres umano ang unang nang-iwan sa kanya.


Hindi rin umano totoo ang kumalat na balita, na umano'y nagrequest siya kay Kim Chiu na ipagluto siya ng steak. Iginiit din ni Xian Lim na maayos ang paghihiwalay nila ni Kium Chiu kaya naman hindi umano niya matanggap na binabatikos siya ngayon ng mga tagahanga nito at kung ano-ano ang sinasabi laban sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay.


Samantala, naging malaman naman ay binitiwang pahayag ni Paulo Avelino kamakailan kung saan sinabi ng aktor na mas maiging manahimik na lamang dahil lalaki naman siya at naging parte na rin naman ng kanyang buhay noon ang isa't-isa.


Bagama't walang sinabing pangalan si Paulo Avelino, marami ang naghinalang ito na ang sagot ng aktor sa pagpuputak ngayon ni Xian Lim upang linisin ang kanyang pangalan at ng bagong girlfriend na si Iris Lee na patuloy na binabanatan ng mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo