Maine Mendoza Muling Iginiit Walang Ambag Ang Taumbayan sa Kanilang Pagyaman

Huwebes, Setyembre 11, 2025

/ by Lovely


 Matapos ang sunod-sunod na batikos at paratang na ibinabato laban kay Congressman Arjo Atayde ng Quezon City, dahil umano sa pagkakadawit sa mga kontrobersyal na flood control projects, naglabas ng matapang na pahayag ang kanyang asawa na si Maine Mendoza upang ipagtanggol ang kanilang pangalan.


Ayon kay Maine, malinaw ang kanyang paninindigan — wala silang anumang yaman o ari-arian na nakuha mula sa kaban ng bayan. Aniya, ang lahat ng kanilang tinatamasa ngayon ay bunga ng kanilang sariling pagsisikap, pagtitiyaga, at matagal na pag-iipon.


“Not a single part of our life has been built on taxpayers’ money. Everything we have comes from years of work and savings. We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying.”


Mariin din niyang itinanggi ang ideyang sila’y umaasa sa pondong mula sa gobyerno. Ayon sa kanya, hindi kailanman ninakaw ni Arjo ang pera ng bayan, at lalong hindi sila nabubuhay mula rito.


“I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money. That is not who Arjo is, that is not who I am, and that is not who we are—no amount of noise and accusations will ever make it true,” dagdag pa ni Maine.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin din niya na hindi siya magbubulag-bulagan kung sakaling totoo ang mga paratang. Kung tunay mang may nagawang mali si Arjo, hinding-hindi raw niya ito pagtatakpan.


“And if Arjo ever did anything dishonest, if he were truly guilty, I certainly wouldn’t defend him and cover for him. Accuse him of other things if you wish, but not of stealing from people—that is one line he has never crossed, and never will,” dagdag pa niya.


Kasabay ng kanyang paglilinaw, nanawagan si Maine na hayaang umiral ang hustisya at ang tamang proseso. Ayon sa kanya, si Arjo ay handang harapin ang lahat ng ito sa legal na paraan at linisin ang kanyang pangalan sa harap ng batas.


“Remember the three sides to every story: their version, our version, and the truth. And we are confident that we stand on the side of truth. Arjo has nothing to hide. He has never been guilty of stealing,” pahayag ni Maine.


Bilang pagtatapos, iniwan niya ang publiko ng isang paalala na hindi lahat ng nasa politika ay tiwali. Marami sa mga lingkod-bayan ang tahimik na nagtatrabaho at kadalasang nagiging target lamang ng mga mapanirang isyu.


“I’ll end with this, not all politicians are corrupt—some are just convenient targets. The real villains are celebrating quietly in the shadows,” aniya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo