Jodi Sta Maria Binanatan Si Claudine Barretto Sa Akusasyon Kay Raymart!

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Tila palala na ng palala ang sitwasyon sa pagitan ng dating mag-asawa na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto matapos ibulgar ni Claudine Barretto sa isang panayam ang mga ginawang pagkakamali sa kanya ng kanyang estranged husband noon kabilang na ang pagnanakaw umano nito sa perang pinaghirapan niya mula pa sa pagkabata.


Unang iginiit ni Claudine Barretto na walang basehan ang pagfile ni Raymart Santiago ng custody case para makuha ang dalawang anak nila dahil malalaki na umano ang mga ito.


Dahil dito, tila napuno na si Claudine Barretto kaya naman isiniwalat na niya sa publiko ang mga itinatagong baho ng kanyang asawa na si Raymart Santiago.


Sa panayam ni Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano, isiniwalat ni Claudine Barretto na umabot sa 126 million pesos ang perang kinuha ni Raymart Santiago sa kanyang mga bangko na kahina-hinala pang hindi siya nakatanggap ng tawag mula sa mga ito.


Ayon pa kay Claudine na mga 7 million pesos na lamang ang naibalik sa kanya ni Raymart dahil kukunin pa umano ng aktor sa mga taong pinahawak niya ang iba pang pera na nakuha nito kay Claudine.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nag-umpisang i-bash si Raymart Santiago dahil sa pagiging magnanakaw umano nito at ipinamukha pa sa aktor kung gaano ka kapal ang mukha ng aktor na mag-file ng custody gayung kinuha naman nito ang pera ni Claudine.


Samantala, hindi naman nanahimik si Raymart Santiago sa mga akusasyon laban sa kanya ng kanyang estranged wife. Iginiit ni Raymart Santiago na walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya patungkol sa pagiging magnanakaw niya.


Binalaan pa ito ng aktor na mag-ingat sa mga salitang binibitawan at baka makasuhan pa siya ng wala sa oras.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi kung ano kaya ang magiging reaksyon ng kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago na si Jodi Sta. Maria. Ayon naman sa mga taong malapit sa aktres na pabayaan na lamang umano kung ano man ang mga sinasabi ni Claudine Barretto dahil wala naman umano itong basehan at wala rin itong katotohanan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon nina Jodi Sta. Maria at Claudine Barretto, nauna nang sinabihan ng huli na bad influence ang bagong karelasyon ni Raymart Santiago na walang iba kundi si Jodi Sta. Maria.


Sa ngayon ay hindi na mapapanood ang kabuuang interview ni Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano dahil naka-edit na ito ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo