Arjo Atayde Namahagi ng Relief Goods Sa Mga Biktima ng Baha Sa Gitna Ng Pagkakadawit sa Flood Control Issue

Lunes, Setyembre 22, 2025

/ by Lovely


 Mainit na usapin sa ilang bahagi ng Quezon City ang isinagawang relief operations ni Arjo Atayde, isang aktor at kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lungsod. Tumutok ang kanyang grupo sa paghahatid ng tulong sa mga residente ng Barangay Sitio San Isidro, Bagong Pag-Asa, Barangay Project 6, Sto. Cristo, Talayan, at Paltok – mga lugar na labis na naapektuhan ng matitinding pagbaha kamakailan.


Ayon sa opisyal na pahayag mula sa kanyang Facebook page, tiniyak ni Congressman Arjo na walang maiiwan sa mga nangangailangan. Lalo raw niyang pinahalagahan ang mga pamilyang hindi nakalikas at piniling manatili sa kanilang mga bahay sa gitna ng kalamidad. Sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kaniya, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy niya ang kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan.


Kasabay ng mga relief efforts, hindi rin natigil ang pagputok ng kontrobersiya na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects. Sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 8, nabanggit ang pangalan ni Atayde sa testimonya ng contractor na si Curlee Discaya. Kaugnay ito ng umano’y paghingi ng bahagi mula sa proyekto ng ilang opisyal ng pamahalaan.


Mariin namang pinabulaanan ni Atayde ang mga paratang. Sa kanyang Instagram story, nilinaw niyang wala siyang anumang transaksyon o koneksyon sa mga contractor na nabanggit. Aniya, "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.” 


Idinagdag pa niya na handa siyang gamitin ang lahat ng legal na paraan upang linisin ang kanyang pangalan at papanagutin ang nagpapakalat ng maling impormasyon.


Hindi rin nagpaawat ang kanyang maybahay na si Maine Mendoza sa pagsuporta. Sa ilang pahayag sa social media, iginiit niya ang tiwala sa integridad ng asawa. 


Nagkanya-kanyang opinyon din ang mga netizen. Ang ilan ay bumatikos, sinasabing "pabango" lamang daw ang relief efforts para mapagtakpan ang isyu. May nagsabi pa na "barya lang ang ibinalik, milyones ang binulsa," habang ang iba nama’y binigyang-diin na ang tulong ay hindi dapat ikonsiderang kabutihan kung ito ay mula sa buwis ng taumbayan.


"Giving back 1% of the kickback and keeping the 99% to his pocket... i feel sorry to my self and family, kinumbinsi ko pa.sila na iboto si cong AA..."


"Tamang pabango lang muna ng pangalan ang ferson"


"Ay ang kapal ng mukha nito, matapos ibulsa ang milyon-milyon, ibabalik sa tao ang barya-barya."


"Hirap sa inyo mabigyan lang ng relief good eh mabait na kahit na may allegations of corruption at may mga di sya nagtutugmang denial vs. proof ng involvement with Discayas. 'Mabait' daw. Hindi n'yo ba naisip na yang relief operations ay galing sa tax natin and hindi naman sariling pera nila. Kung inayos ang flood control, hindi sana ganun kalala ang baha. Iyak kayo nang iyak na mahirap kayo pero boto pa rin sa mga politikong kurakot."


Gayunpaman, may mga netizen din na dumipensa. Para sa kanila, hindi pa napapatunayan ang mga alegasyon, kaya hindi pa dapat husgahan si Atayde. Mas mainam na raw ang isang opisyal na patuloy na humaharap sa publiko, kaysa sa mga nagtatago sa gitna ng kontrobersya.


Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy si Congressman Arjo Atayde sa kanyang adbokasiya na maghatid ng serbisyo sa kanyang distrito. Maging totoo man o hindi ang mga paratang, sa ngayon ay nananatiling aktibo siya sa pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan—isang bagay na kinikilala pa rin ng ilan sa gitna ng lahat ng usapin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo