Viva Artist Mary Joy Santiago Pinaiimbestigahan Matapos Ipagyabang Ang Kanyang 'HPG Escort'

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Pinaiimbestigahan ngayon ang Viva Artist na si Mary Joy Santiago matapos ang pagmamayabang na mayroon siyang HPG escort para lamang hindi matraffic. Matapang rin niyang sinagot ang mga netizens na bumabatikos sa kanya.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Viva artist at TikTok influencer na si Mary Joy Santiago matapos magviral ang kanyang Instagram stories nitong linggo.


Makikita sa kanyang Instagram stories ang larawan na kinunan niya sa loob ng kanyang sasakyan kung saan makikita ang pagkakaroon niya ng Highway Patrol Group Escort.


Sa caption, ipinagyabang ni Mary Joy Santiago ang pagkakaroon ng partner na mayaman na kayang makapaghire ng HPG escort para lamang makaiwas sila sa traffic.


"How can I settle for less when my husband hired a HPG Escort para lang hindi ako matraffic sa pupuntahan ko"


Ibinida rin niya ang pagkakaroon ng driver at sariling sasakyan.


Kaagad naman itong umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens dahil hindi naman tama na gamitin ang HPG para lamang makaiwas sa traffic.


May mga nagtatanong rin kung sino ang tinatawag ni Mary Joy na asawa na kayang utusan ang HPG para lang maging escort.


Kaagad ring naglabasan ang mga haka-haka na baka kumabit ito si Mary Joy Santiago sa isang mayaman at maimpluwensyang pulitiko kaya ganoon na lamang ang pagmamayabang nti.


Samantala, kaagad namang nagbigay ng matapang na bwelta si Mary Joy Santiago sa mga taong nang-iintriga sa kanya.


Matapang na pahayag ni Mary Joy Santiago, "So my IG story went viral. I am a politician other woman daw and kabit. LOL kasal po kami. Napost ko na din po siya Come on since u're only collecting info on socials, y not extend ur skills and find out urselves if you opinion is the truth? Or maybe ur opinion satisfies your needs for drama"


Hindi naman nilinaw ni Mary Joy Santiago kung bakit kinailangan pa niyang escortan ng HPG personnel at kung saan siya papunta sa araw na iyon.


Samantala, nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Highway Patrol Group ng PNP upang malaman ang buong detalye kung bakit kailangan ni Mary Joy Santiago ng escortan ng isang HPG Personnel.


Nais umano nilang malaman kung ano ang kwento sa likod ng panyayaring ito, iginiit din nila hindi nila tinotolerate ang mga ganitong uri ng pang-eescort para sa mga civilian at lalong lalo na para sa personal gains.


Maari rin umano nilang kasuhan ang mga indibidwal na nagbabahagi ng mga malisyusong impormasyon patungkol sa kanilang grupo.


Matatandaan na unang naging laman sa mga usap-usapan sa social media si Mary Joy Santiago matapos maturong third party sa hiwalayan noon nina McCoy De Leon at Elisse Joson.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo