Lagot Na! Victor Consunji Nilabas Na Kopya Ng Prenup Agreement May Pirma Mismo Ni Maggie!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng kopya ng diumanoy prenuptial agreement nila ng kanyang estranged wife na si Maggie Wilson ang business man na si Victor Consunji, matapos ipinagdiinan ni Maggie sa isang social media post na wala silang pinirmahang prenuptial agreement ng asawa.

Matatandaan na naglabas pa ng isang dokumento si Maggie na nagpapakitang hindi sila pumirma ng prenuptial agreement ni Victor, na nagmula pa sa civil registrar ng Bacacay, Albay. Kung sakali mang wala talaga prenup sina Maggie at Victor ay nangangahulugan lamang na may karapatan si Maggie sa anumang conjugal property nilang dalawa.

Kabilang na ang ipinaglalabang town house ni Maggie na pag-aari umano ng kompanya ni Victor Consunji.

Subalit, nito lamang ay inilabas ni Victor Consunji sa isang ulat ang kopya ng prenup nila ni Maggie at makikitang pirmado ito nilang dalawa. Makikita pa sa petsa na nalagdaan nila ito noong December 10, 2010.

Matatandaan na ikinasal nong Decemeber 18, 2010 sina Maggie Wilson at Victor Consunji sa Bacacay, Albay. Subalit matapos ang labing-isang taon ay nauwi sa hiwalay ang kanilang pagsasama.

Isa sa mga itinuturong dahilan ay ang pagkakaroon ng relasyon ni Maggie sa kasosyo na si Tim Conner. Kasalukuyang kinakaharap nila ang kasong adultery na isinampa ni Victor Consunji.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo