Annabelle Rama Ipinakilala Na Kung Sino Ang Tinutukoy Niyang Chucky Doll

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng clue ang talent manager na si Annabelle Rama kung sino ang “Chuckie doll” na tinutukoy niya sa kanyang nakaraang post.


Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Annabelle Rama ang isang post habang nanonood siya ng pelikulang "Chuckie" na may kasamang caption, na nagbibigay ng clue kung sino ang indibidwal na ikinukumpara niya at tinutukoy sa nasabing karakter.


“Ito si Chucky doll……E,” caption ni Annabelle sa kanyang post.


Marami naman ang sinubukang hulaan ang nasabing indibidwal na may initial na E. Karamihan sa kanila ay naniniwala na ang tinutukoy ni Annabelle Rama ay si Esther Lahbati, ang biyenan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez, ina ni Sarah Lahbati.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay hindi na gusto ni Annabelle Rama ang magulang ni Sarah Lahbati dahilan para tutulan nito ang relasyon dalawa noon.


Bago pa man makumpirma ang hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, marami na ang nagsasabing hindi talaga magkasundo sina Esther Lahbati at Annabelle Rama.


Matatandaang nag-react si Esther sa ilang post na tumatalakay sa pamilya Gutierrez sa gitna ng isyu sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Sarah Lahbati at Richard Gutierrez partikular na sa mga pasaring ni Annabelle Rama laban sa kanyang anak.


Nag-react din si Esther Lahbati sa mga pambabatikos na ibinabato ng ilang mga netizens sa rumored girlfriend ni Richard Gutierrez ngayon na si Barbie Imperial.


Samantala, malakas ang hinala ng maraming mga netizens na pabor si Annabelle Rama sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak ngayon na si Richard Gutierrez kay Barbie base sa dati nitong post.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo