Nikko Natividad May Bagong Post Tungkol Kay Vice Ganda

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Muling naglabas ng pahayag ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad matapos makatanggap ng katakot-takot na pambabatikos sa social media dahil sa paakikisawsaw umano niya sa isyu sa pagitan nina Vice Ganda at sa mga guest nito sa isang segment ng It's Showtime na Expecially For You na sina Axel at Christine.


Matatandaan na ipinagtanggol ni Nikko Natividad ang searchee na si Axel sa pamamahiya umano ni Vice Ganda dahil wala naman umanong masama kung sakaling totoong may balak si Axel na ibeso si Cristine.


Iginiit din niya na mas malala pa umano roon ang ginagawa ni Vice Ganda at maging siya ay nabiktima na rin ng pamamahiya ng host kaya naman alam na niya ang pakiramdam na ipahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao at sa telebisyon kung saan mapapanood sa buong mundo.


Kamakailan lamang ay naglabas muli ng pahayag si Nikko Natividad kung saan iginiit niyang hindi siya nakisawsaw sa isyu kundi nais lamang niya na matugunan ng maayos ang nangyari.


Inilabas lang rin umano niya ang kanyang opinyon patungkol sa nangyari sa show na kinasasangkutan ng kanyang kaibigan na si Vice Ganda. Wala rin umano sa mga intensyon niya na makakuha ng simpatya mula sa mga netizens ang nais lamang umano niya ay makatulong.


Iginiit din ni Nikko Natividad na hindi siya nagsisisi sa ginawang post kahit pa nakatanggap siya ng matinding pambabatikos mula sa mga fans ni Vice Ganda dahil ipinagtanggol lamang umano niya ang walang kalaban-labang tao kahit pa nababasa niya ang mga komento ng ilang mga netizens na ipatanggal siya sa kanyang mga projects.


Inilahad rin ni Nikko Natividad na ang totoong dahilan kung bakit binura niya ang kanyang mga naunang post laban kay Vice Ganda ay dahil ito ang iniutos sa kanya ng management.


Narito ang kabuuang post ni Nikko Natividad, na umani ng komento at reaksyon mula sa mga netizens.


"For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari)"


"Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon.


"Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na.Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo