Paolo Contis Nakarma, Hiniwalayan Ni Yen Santos

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay patuloy na naging lamang ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos.


Nag-ugata ng usaping ito ng mapansin ng maraming mga netizens na binura na ng aktres ng kanyang sweet birthday message kay Paulo Avelino nitong nakaraang kaarawan ng actor.


Bukod pa rito, may nakapansin rin na biglaang inunfollow ni Yen Santos si Paolo Contis.


Samantala, natanong naman kay Paolo Contis ang estado ng relasyon nila ni Yen Santos. Subalit, mas minabuti ng actor na huwag nang magbigay nang pahayag at panatilihin lamang ang kanyang privacy.


Nang tingnan naman ng mga netizens ang Instagram account ni Yen Santos makikitang burado na ang lahat ng post ng aktres na may kinalaman kay Paolo Contis, na lalong pinagmulan ng mga haka-hakang totoong naghiwalay na rin sila.


Sa isang panayam ni MJ Marfori kay Paolo Contis makikitang tila iwas na iwas ang aktir na mapag-usapan ang patungkol sa relasyon nila ni Yen Santos at kung totoong naghiwalay na silang dalawa.


Ayon kay Paolo Contis, hindi na muna siya magsasalita patungkol sa relasyon nila ni Yen Santos dahil gusto niyang gawing pribado ang mga pangyayari sa kanyang personal na buhay.


Sa kabilang banda, makikita pa ring naka-follow si Paolo Contis sa mga social media accounts  ni Yen Santos at nanatiling makikita sa Instagram ng actor ang mga larawan nilang pinagsamahan.


Hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na batikusin si Paolo Contis at Yen Santos matapos kumalat ang balita ng kanilang paghihiwalay.


Ayon sa kanila, tila nakarma na umano ngayon itong si Paolo Contis sa mga pagloloko na ginawa niya sa mga babaeng nauna sa kanyang buhay.


Muli ring bionalikan ng maraming mga netizens ang hindi mamatay-matay na isyu ni Paolo Contis, ang hindi pagbibigay ng suporta sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo